CHAPTER 23- Larangan

97 3 4
                                    

Marcella's
POV

     "Puntahan niyo muna si Zandria doon. Susunod ako." utos ni Sheyn sa aming tatlo.

     Ang tingin niya ay nasa likuran na parang may tinititigan roon. Kanina lang maganda pa ang kaniyang modo ngayon ay kakaiba na. Ginawa pa kaming alipin, a!

    "Pupunta talaga kami doon, ano!" excited na tili ni Yssa at tumalikod na.

     Hindi na pinuna pa ni Ada si Yssa na dapat ay ginawa niya na kanina pa. Ang tingin niya kasi ay nakapako rin kay Sheyn na masyadong kinakabahan. Kuryoso ko silang tiningnan. Ano na naman ito? Habang tumatagal ang panahon ay nagiging weird ang mga tao. Is this the product of climate change also?

    Gosh! Napatakip ako sa aking bunganga. Baka pagalitan na si Sheyn 'nung Nanay niya! Anong oras na ba?! Nagsasaing pa kasi ang babaeng ito, masyado daw silang mahirap para maglakwatsa ng ganitong oras.

    Magsasalita pa sana ako ng naglakad na palayo ang dalawa sa amin, hindi ko na rin nasunod ng aking mga mata dahil may mga tao nang umaalis. Ang sinabi nalang ni Sheyn ay ang ginawa naming dalawa ni Yssa, iyon ay ang puntahan si Vergara sa loob ng gusali, sa locker rooms. Si Ada ay sumama kay Sheyn na hindi ko naman maintindihan kung saan ang kanilang patutunguhan. Hindi naman sila siguro uuwi, hindi ba? Ayokong magcommute! Mainit!

 

   "Saan ba pupunta ang dalawang iyon?" tanong ko kay Yssa, inaayos ang damit kong nagusot pala. Siguro ay sa pagtatalon ko ito kanina.

    Mag-aalas tres pa lang naman. Kaya imposibleng umalis na ang dalawa.

    "Duh? How would I know. Saka hayaan mo nga sila. Marami pa akong tatanungin kay Vergara para pagtuonan pa ng pansin ang dalawang weirdong iyon."

   Napailing ako sa mahaba niyang lintaya. Sabik na sabik na sigurong malaman ang istorya ng isa. Kahit naman ako ay gusto ko rin malaman ang buong kwento! Hindi nga lang ka hyper kagaya ni Yssa.

   Naabutan naming nag-aayos si Vergara ng kaniyang gamit sa loob lamang ng locker room. Ang mga kasama niya naman ay napapatingin sa amin at nagsimula nang magbulungan. Hindi pa sana kami papapasukin dito kung hindi lang namin sinabing kaibigan namin siya. 

   The locker rooms are fine but they are a little bit old. The edges are dangerous, anyone might be in danger as the sharpness of rusty metal envelop it. Napangiwi tuloy ako. Buti na lang at maganda ang locker rooms namin.

    "Anong ginagawa niyo rito?" nakakunot-noo niya pang tanong. Kulang na lang umirap ito. Kung hindi ko lang talaga kilala ang babaeng ito ay bibigwasan ko na.

    Inaayos niya na ang mga gamit at isa-isang nilagay sa Nike na duffel bag, naghahanda nang umalis. Masyado yatang nagmamadali at ayaw nang may sabihin pa kami.

    "What's the grumpiness all about. Panalo tayo, ah." biro sa kaniya ni Yssa.

    Batid ko ay masyado ng excited itong si Yssa na magtanong, nagpapaligoy-ligoy lamang. Parang ang weird naman kasi kung tatanungin niya ng "Wow! Ang galing mo naman maglaro, Vergara. Paano mo nalaman at nagawa iyon? Paturo naman!".

  
    "Bawal kayo rito, ah." nakataas na kilay na sambit ng babae sa gilid niya.

    Napairap ako. Ang OA ha! Para naman kaming lalake kung punahin niya. Saka ang rude lang! Wala bang hi at hello diyan? Ang sarap magmura.

    "Pasensya na, Keena." pagso-sorry pa ni Vergara. "Mga kasama ko sa Team... Sa bagong paaralan ko." sabay iwas niya pa ng tingin rito. Parang kinakahiya pa kami nito, a!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 05, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Numero SingkoWhere stories live. Discover now