CHAPTER 20- Two Things

39 4 4
                                    

Marcella's
POV

    I'm exhausted.

    Hapong-hapo at halos hindi ako makahinga dahil sa bawat set at hampas ng spikers namin ay napapataas pa rin nila ang bola kahit na gaano ito kahirap. Their digs were just unimaginable. The pancakes they are cooking are so hot that we couldn't keep up! The sets were quick also! Just a perfect representation of a perfect players. They are just too good to be true!

    Saan ba talaga nanggaling ang mga ito? They seem so unreal!

    Nangunot ang noo ko, hindi impossible ngunit hindi magiging kapani-paniwala kung nanggaling nga talaga sila sa NVTA. I know that the Association is prestigious enough pero hindi rin nawawala sa akin mapahanga sa posibilidad na doon nga talaga sila nagmula. Ang mga malaperpektong galaw, ang walang kasing lakas ng paghampas at palo sa bola at ang mga kakuladong pag-iisip at pag-alam kung saan mapupunta ang bola.

    Kung sana lang ay nakapasok ako roon! Ang swerte-swerte namin ng mga ito!

    Parang si ano-

   "Marcella!" sigaw ni Maxine.

    Naiset ko nang maayos kaya naihampas niya rin. Puntos para sa amin.

    Kakaiba ang larong ito, hindi tipikal at halos nakakagulat ang mga detalye.

    Nakakapanlumo at halos gusto ko nang sumuko na kahit ang mga pawis ko ay nawawalan na rin ng pag-asa. Kapag nakikita ko ang mga galaw nila, pulidong-pulido! Nakakaingit! Sumulyap ako ka Xiania, mga kasama niya ito noon bakit hindi niya man lang kami pinagsabihan? Kung sinabi niya man ay nalimutan ko na!

   Napatingin ako sa scoreboard, wala pa kaming napapanalong set, nakakasabay naman kami pero kahit ganoon ay parang may mali, parang may maliit na mantsa akong nakikita. Napatingin ako kay Sheyn at kay Vergara sa bangko. Oo nga pala. Ayaw ko mang sabihin ay alam kong matatalo kami nito kapag hindi nakapagdesisyon ng maayos iyong Coach namin na kanina pa nuod nang nuod lamang. Hindi pa siya tumatawag ng time out simula ng nag-umpisa ang laro, nakakapanibago dahil nakakapagpahinga lamang kami kapag nagtitime out ang kabila. Tuloy ay hindi ko magawang hindi kabahan.

    Marami na rin ang nagbubulungan sa bleachers, hindi ko man mawari ang mga salitang lumalabas talaga sa kanilang bunganga ay alam kong hindi nila gusto ang nangyayari.

    Umiling na lamang ako habang hinihintay na mapunta ang bola sa akin.

    "Shit! Hindi pa ba magtatawag ng time out iyang si Coach?" naiinis at halos gusto nang magwala na sabi ni Maxine, sabay pahid ng walang katapusang pag-agos ng kanyang pawis.

    Laking pasalamat ko nang marecieve ng tama ni Sheyn ang bola at mapunta ito sa akin. Mataas ito kaya kailangan ko pang tumalon upang maiset ito ng tama kay Maxine. Isang quick ang nasa isip ko. Kailangan kong maiset ito ng tama dahil kung hindi ay malalagay talaga kami sa alanganin! Ngunit nanlaki ang mga mata ko ng hindi na ako makatalon ng ganoon kataas kaya siguradong bitin ang pagkakaset ko! Para bang naubusan ako ng gasolina at hindi na makaandar ng maayos, nanginginig na rin ang mga kamay ko.

    Nawala ang kulay sa mukha ko, nalimutan ko na rin ang huminga. Tumigil yata ang pag-ikot ng mundo?

    Napakababa ng set kaya halos hindi ako makahinga ng hinambalos ito ni Maxine papunta sa kabila, sa sobrang lakas ay tumalbog ang bola sa kamay ng blockers at napunta sa kung saan. Nakahinga ako. Galit na si Maxine, mabuti naman.

    Sina Maxine at Xiania ang bumubuhat ngayon sa team na kahit gaano kahirap ang set na ibinibigay namin dahil sa palpak na palpak na recieve ay nakakapuntos pa rin sila kahit papaano pero kaagad rin namang nababawi ng kalaban na para bang pinaglalaruan kami?

Numero SingkoWhere stories live. Discover now