CHAPTER 11- Three-day Training

107 27 13
                                    

Sheyn's
POV

Maingay ang naging tunog ng giba-gibang heater na nakita ni Nanay sa labas, I don't think na gumagana pa ito, kung bakit kasi lahat nalang ng makita niya sa labas dinadala niya dito sa bahay? I really can't understand what she thinks sometimes.

"Nay! Sigurado ka ba dito sa heater na nakita mo?"

Napailing ako sa naging tanong ni Shine, kahit na sa batang edad ay alam niya na ang mga bagay-bagay. Minsan nga ay napapanganga ako sa mga tanong nito, kapag hindi ko naman masagot ay pipilosopohin pa ako, kaya nga kapag napupuno ako ay hindi ko na lang pinapansin, its just I hate it when she's like this. She's curious and doubtful in everything!

Narinig kong may nahulog na pinggan sa kusina kaya ay napatungo ako rito. Who knows kung ano na ang nangyayari sa kanilang dalawa? Iilan na lang nga ang gamit sa bahay ay magigiba pa?

"Aba't ano na naman ang nirereklamo mo Shine?!" nanggigil na sigaw ni Nanay habang itinutok ang palayok sa kapatid ko.

"Magkaiba po ang pagtatanong sa pagrereklamo, Nay." nakairap na sagot ng aking kapatid.

"At sasagot ka pa?!" sabay pukpok ng palayok sa ulo ng kapatid ko na siyang ikinatakbo nito sa akin.

Umiling na lang ako habang chinicheck ang dala kong bag baka may makalimutan ako.

"Oy, Shine. Ang bibig mo talaga ang sarap nang lagyan ng siling labuyo. Magsorry ka kay Nanay at manahimik na." simple kong sabi saka kinuha ang heater sa saksakan. Buti na lang at pinautang nila si Nanay at nabayaran na yung kuryente, kung wala ay hindi ko alam na alam ang gagawin.

This is why I hate being poor. Kung pa kasi kami mahirap?

"Hatiin niyo na lang muna ang kape diyan at yung tinapay nandoon sa lalagyan." utos ni Nanay na sinunod ko naman.

Mabango ang amoy ng pagkaing niluluto niya kaya naman ay pumunta ako malapit sa nilulutuan niya, dala-dala ang tasa ng kape.

"Kaninong order po ito Nay? Bakit ang dami?" nacucurious kong tanong.

"Kay Madam Selya anak, bertday daw ng kanyang apong si Berting." sagot niya sa akin na idiin ang birthday.

Kung umaga ay nagluluto si Nanay ng mga pagkain na ipinapaluto sa kanya ng mga kakilala niya at kung hapon naman ay labada ang pinagkakaabalahan nito. Napatingin ako kay Shine, nakabihis na pala ito at aalis na rin. Sinusunod ang utos kong manahimik.

Inubos ko ang natitirang patak ng kape at nagpaalam kay Nanay kasama si Shine, ayaw niya ng kape kaya tubig lang ang ininom nito saka kinain ang maliit na tinapay na tira ko.

"Ate?"

Napatingin ako sa kanya habang naglalakad sa masikip na daanan palabas ng eskinita, mabaho ang daanan at mga basura ay makikita sa magkabilang gilid ng daanan kaya ay maingat ang aming paglalakad. Tipikal squatter areas.

"O? Bakit?" tanong ko sa kanya.

"Dalawa po ang pumasok sa Team niyo. Iiba po ba ang position ng mga dating kasama mo?"

Napatigil ako sa paglalakad. Bakit hindi ko naisip yun'? There's a posibility na magchachange yung mga positions! Pero hindi naman siguro hahayaan ni Coach yun'. Kung susumahin ay isa lang namang position ang maiiba ang magdadala dahil sa injured ako ay automatic na kay Zandria ang posisyon ko pero kay Xiania? Hindi ko alam, kung mamarapatin ay pupwede niyang kunin ang pagiging outside hitter, as I've seen how good she is in attacking and recieving the ball, she's also dependable in her blocking, serving and digging like Yssa. But Xiania plays better than her honestly. Nakakaatake siya kahit na hindi maganda ang first ball, and also, I've never seen Xiania mistakingly move inside the court through the times we practiced kaya ay- ayoko nang mag-isip, masyadong na akong kinakabahan.

Numero SingkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon