Stuck on you

611 18 0
                                        

Chapter 2:

-KINABUKASAN-

Nang magising si Malaya ay nakaramdam agad sya ng sakit.

Aguy! Sakit ng ulo ko.

Sabi nya sa sarili habang hinihimas ang ulo. Ngunit napahinto sya nang mapagtanto na parang may nakadagan sa kanya.

Bakit parang ang bigat.

Napatingin sya sa kanyang kaliwa at nakailang kurap muna sya bago nya naisip kung sino ang katabi nya sa kama.

Napasigaw sya at naitulak nya ang natutulog na si Echo, dahilan para ito ay mahulog sa kama.

(Bugshh!!)

Aaraaaay!! Anong meron? May sunog ba?

Tarantang sabi naman ni Echo habang lumilingon lingon sa kaliwa't kanan. Kahit na hawak hawak nya ang balakang na tumama sa sahig nang sya ay mahulog.

May magnanakaw? Saan? Nasaan ang magnanakaw?

Tumingin sya kay Malaya, hinihintay ang sagot nito.

Anong ginagawa mo sa kama ko??
Di ba sa sofa ka natulog?

Nanlalaki ang mga mata sa gulat na sabi nya. At nakaturo pa kay Echo. Bago muling nagsalita.

Bakit nakayakap ka pa sakin? Explain this, ayusin mo kung hindi malalagot ka sa'kin.

Nang mapansin nya na wala na syang kumot ay bigla nyang hinagilap ito at itinakip sa katawan nya.

Nawawala ka na ba sa katinuan cyst?
Di mo natatandaan ginawa mo sakin kagabi?

Nagtatakang tanong nya at itinapat nya ang hintuturong daliri sa bandang tenga sabay inikot ikot nya ito, na parang sinasabing baliw na ang kaibigan.

Natigilan naman si Malaya at pilit na iniisip ang ginawa nya pero hindi nya talaga maalala.

hindi. Wala akong matandaan.

Ganito kasi yon, kwento ko ha.

*flashback*

Dyan ka matulog sa sofa ha.

Wika ni Malaya at tinuro ang sofa malapit sa pintuan.

Oo na, akala mo naman may gagawin sayo ehh, ano bang nakain mo at ang weird ng kinikilos mo ha?  Alam mo naman na parehas lalaki ang hanap natin di'ba. ano ba nangyayare sayo..di ka naman dating ganyan.

Nagtataka na sya sa inaasal ni Malaya buhat nang makarating sila dito.

Eehh basta dyan ka matulog. goodnight.

Sagot naman sa kanya ni Malaya at inayos pa ang unan bago nahiga at pumikit. Agad namang nakatulog ito dahil na din siguro sa dami ng nainom nya.

*after an hour*

Nagising si Echo dahil sa pag hikbi ni Malaya. Kaya sinubukan nya itong gisingin dahil baka binabangungot ito.

Huy cyst. Anong nangyayare sayo??

Nang tingan nya ang mukha nito ay may nakita syang mga butil ng luha sa mata ni Malaya habang tulog parin ito.

Hala! Umiiyak ng tulog.

At pinunasan nya ang mga luha sa mata nito.
Ilang saglit lang ay narinig mya itong nagsalita.

huhuhu.. Babe wag mo ko iwan..
Balik ka na sakin.

Inalog alog ni Echo ang balikat ni Malaya upang magising ito.

Gising na cyst nananaginip ka.

Nang biglang...

Aahkk!! Ano ba malaya ung braso mo ang bigat!!

Halos masakal si Echo nang bigla syang yakapin ni Malaya, kaso ang leeg at batok nya ang nayakap nito kaya naman maubo ubo pa sya dahil sa higpit ng yakap sa kanya.

I love you babe. Dito ka lang sa tabi ko ha. wag mo na ko iiwan ulit.

Sabi ni Malaya habang tulog at mas lalo pa nyang niyakap ng mahigpit si echo.

Malaya macaraeg ano ba..
Bitiwan mo nga ko..aakkk!! Nasasakal na ko..

Pagpipiglas nya, ngunit nang hindi matinag sa pagkakayakap sa kanya si Malaya ay wala na syang nagawa kundi ang sumuko na sa pagpalag at humiga nalang din

*end of flashback*

Ohh. Ano diba tinorture mo ko kagabi..
Buti nga buhay pa ko ngayon ehh..
Grabe bigat ng braso mo hindi ako makawala girl.

Sabay hawak sa leeg at hinimas himas pa ito.

Eehh.. Sorry na. Pero fyi lang noh. Hindi mabigat ang braso ko ang harsh mo dun ah.

Nangamot sya sa ulo dahil sa pagkapahiya. 

Oh sya.. Uuwe na ko at may raket pa ko mamaya sa bar.. Babush!!

Hindi na sya kumain ng almusal kahut na niyaya sya nito dahil may nararamdaman na syang awkwardness sa sarili nya habang tinitignan si Malaya.

While driving naalala ni Echo ang bagay na muntikan na nyang gawim kay Malaya.

*flashback*

Habang natutulog si Malaya ay humarap sya dito at nakita nya ang luha sa pisngi nito kaya naman agad nyang pinunasan ito.

Ikaw talaga ohh. Hindi mo na kasi dapat pinagaaksayahan ng luha ang mga lalaking ganyan. Madami pang ibang pwdeng magmahal sayo at hinding hindi ka sasaktan.

Hindi nya nanalayan na unti unti na pa lang lumalapit ang mukha nya kay Malaya nang biglang....

Hhhmmm, babe...

Uminat si Malaya kaya sa sobrang pagkataranta ay nagtulog tulugan na lamang si Echo..

*end of flashback*

Iiling iling sya sa kanyang naalala.

Ano bang naisipan mo kagabi bakla ka??
Lalaki hanap mo at hindi kayo talo ni Malaya noh. Kilabutan ka nga sa ginagawa mo..whew!!whooo!! Go back to your senses..

Pangungumbinsi nya sa sarili. Kasabay ng paghimas himas nya sa dibdib parang sinasabing bumalik sya sa landas na dapat nyang tahakin.

bakla ako bakla ako bakla ako...
Tama bakla ako kaya wala lang yung kagabi..Dala lang yun ng alak..
Naku ayoko na nga uminom..

Bubulong bulong nya pang sabi sa sarili habang patuloy na nagmamaneho.

-itutuloy😘

My BEKI Boyfriend (EDITING)Where stories live. Discover now