He gets Angry and Confused

394 12 1
                                        

Chapter 6

Habang nasa byahe sila, napansin ni Echo na nakatulog na si Malaya. Hindi nya maiwasang sulyapan ang maamo nitong muka. Hindi nya namamalayang napapangiti na sya.

Hanggang sa nakarating na sila sa bahay ni Malaya ay mahimbing parin ang tulog nito. Itinabi nya ang kotse at tinitigan ulit si Malaya..
Hinawi na din ang mga hibla ng buhok na tumabon sa mukha nya. magkalapit ang mga mukha nila nang magising ang dalaga.

Parehas silang hindi agad nakagalaw sa pagkagulat sa isa't isa. Medyo tumagal ang ang kanilang titigan,sinusukat ang kakaibang kaba ng kanilang dibdib.

Unang napakurap si Echo at hindi alam ang gagawin kung aatras o ano.

ano. Ahh.. Napakamot sya sa ulo.
andito na tayo. Gi-gi. gigisingin dpat kita ehh.
Kaso. ayan he he gising ka na pala. utal utal na sabi nya.

Ahh.. Si-sige baba na tayo..
Ang haba pala ng tulog ko. Sorry ha, baka nabored ka sa pagdadrive wala ka kakwentuhan. Halos hindi rin mapakali sa kinauupuan si Malaya at medyo umiiwas ng tingin.

Okay lang ano ka ba. (nag enjoy nman ako sa pag sulyap sayo boung byahe) natatawa naman sya sya sa naisip nya.

Pasok na tayo. Tska mabilis na binuksan ni Malaya ang pintuan ng kotse at bumaba.

Nang nasa loob na sila ng bahay ni Malaya ay dumeretso agad sa kusina si Echo upang maghanap ng pwdeng mailuto.

May gusto ka ba kainin?? Ipagluluto kita. Tanong nya kay Malaya na ngayon ay nakaupo sa dining area na malapit lang din sa kusina.

Talaga?? Sige sige. Ikaw na bahala kung ano specialty mo. Dapat masarap yan ha. Pang aasar nya kay Echo.

Parang di mo alam luto ko ah. Nagluto na ba ko ng hindi masarap ha?? Lagi ka nga sa bahay nakain dati. Para kang batang yagit na nakikikain sa bahay. hahaha!! Balik pang aasar nya. Kasabay ng malakas na pagtawa na narinig sa buing bahay.

Sinamaan naman nya ng tingin si Echo bago nagsalita.
Yagit ka dyan. Che. Magluto ka na kung magluluto ka. kelangan pa mangasar ang bully mo talaga isusumbong na kita sa pulis ehh.
Tska sya humalukipkip.

Bleeh!! Teka, Ano ba meron dito sa fridge mo??
Tska inilabas nya ang mga pwde nyang iluto. brocolli,carrots,beef.

Ahh.. Alam ko na gagawin ko..

Tumayo si Malaya mula sa pagkakaupo sa sofa upang pumunta sa kwarto nya.
Cyst magpapalit lang ako ng damit ha. luto ka lang dyan.
At naglakad na sya papunta sa hagdan at umakyat

Oo ako na bahala dito. Take your time.
Sabi nya ng hindi nakatingin kay Malaya at nagpatuloy lang sa paghihiwa ng mga gulay.

Ilang sandali lang ay tapos na magbihis ni Malaya, agad syang nagtungo sa kitchen upang tignan ang niluluto ng kaibigan.
Habang nagluluto si Echo hindi naman maiwasan ni Malaya na mapatingin sa mukha ni nito. Ang maganda nitong mga mata, ang mga dimples na kusang lumalabas khit hndi pa man sya nangiti.

Natigil ang pagsipat ni Malaya sa mukha ng kaibigan nang biglang tumingin ito sa kanya at bigla syang kindatan at ngitian. Hindi nya malaman ang gagawin at mararamdaman..

Nagblush at nagulat din dahil sa biglaang pagalburotong muli ng kanyang puso. Hindi nya alam kung anong klaseng iwas ang gagawin nya.

Bat namumula ka cyst?? May lagnat ka ba??hinipo nya ang noo ni Malaya.
hindi ka naman mainit.

Inalis nya ang kamay ni Echo sa kanyang noo. Wala lang to. Magluto ka lang dyan.

Malapit na din matapos to.
Sabi tska muling nilingon ang niluluto at tinanggalan ng takip, inamoy at tumikim ng kaunti.

Sa kabilang banda, Hindi malaman ni Malaya kung ano ang gagawin sa pagkakataong iyon. Hindi na nya maamin sa sarili kung nahuhulog na nga sya sa kaibigan. Alam nyang hindi tama ang umuusbong na damdamin nya para kay Echo pero hindi nya mapigilan.

Ilang sandali ay nagsalita si Echo. Yan luto na cyst. Kain na tayo gutom na gutom na ko ee.

Ah, sige maghahain lang ako.
Kumuha sya ng plato, baso at kubyertos at isa isang inilagay sa lamesa.

Nasa kalagitnaan sila ng pagkain nang biglang may nagdoorbell. Nagkatinginan silang dalawa at nagtataka.

Sino naman yun? Wala akong ineexpect na bisita. Wait lang ha.
Tumayo sya at nagtungo sa pintuan.

Sige. sumubo sya pero tinanaw si Malaya, gusto nya din makita kung sino ang istorbo sa kanila.

Binuksan nya ang pinto at nagulat sa bumungad sa kanya.
ke..nneth? What are you doing here?

Nagulat at napatayo sya sa narinig na pangalan.

Can we talk for a while? Garalgal na boses ni Kenneth. Halatang nakainom ito at galing sa pag iyak.

Sorry Kenneth pero lasing ka. At wala na tayong dapat pagusapan pa makakaalis ka na.
Pagtataboy nya dito, pero hindi rin maialis ang pagka awa nya sa hutsura ng lalaki.

Babe i miss you.. I miss you so badly na parang mababaliw na ko. Nagumpisa ng tumulo ang mga luha nya.

Hinwakan nya ang isang kamay ni Malaya at nagmamakaawa.

hindi ko na alam ang gagawin ko. Ung kasama ko kanina? Pinsan ko lang sya, hindi ko sya girlfriend nagselos lang ako kasi nakita kitang masaya sa piling ng iba. hindi ko matanggap na may ibang nagpapasaya sayo bukod sakin. Babe alam kong mali yung ginawa ko pero i have reasons babe. At Pinagsisisihan ko na yun. Im so sorry. Halos lumuhod na si Kenneth sa pagmamakaawa nyang bumalik na si Malaya sa kanya.

I.. I don't know what to say kenneth. Nabibigla ako sa mga sinasabi mo. Hindi ko alam kung dapat pa ba akong maniwala sa mga sinasabi mo ngayon.
Naguguluhang sabi ni Malaya.

Mahal sino yang kausap mo? tinitigan ng masama si Kenneth.
Ikaw pala brad, Bakit nandito ka sa bahay ng GIRLFRIEND ko? madiing sabi nya sa salitang girlfriend.

Bro sorry pero pwde ko bang makausap si Malaya. Kailangan ko lang talaga syang kausapin. Nagmamakaawang sabi ni Kenneth.

Pasensya na pero hindi pwde eh. Konting respeto naman andito ako boyfriend. Back off. Nagpipigil ng galit na sabi nya.

Kaya nga ko nagpapaalam brad ehh. Saglit lang naman gusto ko lang magpaliwanag kay Malaya. Pinipilit parin nya ang gusto.

E hindi nga ko pumapayag pre ano bang malabo dun? Ang sarap ng kain namin dun tapos bigla kang susulpot dito ng lasing tapos ano ganyan ipapakita mo? Kung tunay kang lalaki brad hindi ka kukuha ng tapang sa alak. Humarap ka ng matino hindi ganyan. Halos gusto na nyang suntukin si Kenneth ngunit pinipigilan nya ang sarili alang alang kay Malaya.

Echo tama na yan. Saglit lang kenneth, mag uusap lang kami.
Dinala ni Malaya si Echo sa loob at kinausap.

Ano to? Wag mong sabihin na pakikinggan mo mga sasabihin nang gagong yun? Kahit anong reason nya sa pagiwan sayo, ang point dun iniwan ka nya, sinaktan ka. Tapos nakita mo lang na umiiyak nalusaw na lahat ng galit mo sa kanya?? Galit na galit na sabi ni Echo habang napakasama ng tingin kay Kenneth.

Yun naman talaga ang gusto ko. Malaman kung bakit nya ko iniwan, anong dahilan nya, gusto ko lang maliwanagan.
Nagpaliwanag naman sya sa gusto nyang mangyari.

Oh sige sabihin na nating inamin na nya sayo ang reason o tapos? Papatawarin mo na sya? Ganun nalang yun? Malaya magisip ka nga ng mabuti wag kang tanga. Hindi na nya napigilan ang sarili at tumaas na ang boses nya sa galit.

Tsk!!  Alam mo walang kwenta lang pala ung pageeffort ko na mapasaya ka at makapag move on kasi ikaw mismo ayaw mo kumawala. Sige hahayaan na kita. Gawin mo gusto mo. Buhay mo yan malaki ka na. Uuwe na ko.
Galit na lumabas sya ng bahay nang hindi lumilingon kahit pa tinawag sya ni Malaya.

Echo wait. Pero hindi na nagpapigil si echo at lumabas na ng bahay. tinitigan nya ng msama si Kenneth at binunggo pa ito, dere deretso sya sa kotse nya at pinaharurot ito.

Malaya.. Tawag ni Kenneth.

-itutuloy😘

My BEKI Boyfriend (EDITING)Where stories live. Discover now