A Shoulder to cry on

393 14 0
                                        

Chapter 5

Bakit ganun cyst. Parang wala lang sa knya yung naging relationship namin. tinanong nya pa talaga ako kung kumusta ba ko?? Tingin nya ganun ganun nalang yun? Ganun nalang kadali lahat? Ngawa nya sa harap ng kaibigan habang nakaupo sila sa isang bench.

Ano akala nya sa feelings ko, computer o cp?? Na kapag nagkavirus isang restart lang ok na lahat..
Katabi na naman nya bukod kay Echo ang isang box ng tissue na pinamumunas nya sa mga luha na walang pagid sa pag agos.

Sige hahayaan kitang umiyak ng umiyak ngayong araw. pero pagkatapos nito sinasabi ko sayo wag na wag ka nang iiyak ulit ng dahil sa kanya ha. kundi kakalimutan ko ng magkaibigan tayo.
Makahulugang sabi nya.

Grabe ka naman. Sulian agad ng kandila Cyst??
Nabigla naman sya sa sinabi ni Echo.

Nakataas ang kilay nito nang magsalitang muli.
Talaga.. alam mo cyst ito lang mapapayo ko sayo " you should never regret anything in life,if it’s good, i’ts wonderful.
If i’ts bad i’ts experience” nagkataon lang na bad ngayon kaya atleast naexperience mong magmahal at masaktan.
Malalaman mo lang na nagmahal ka kung naranasan mo na masaktan.

Halata sa bawat salita ni Echo na seryoso ito sa gustong ipaintindi sa dalaga.

Wow ahh. Deretso english mo dun ahh.ano nakain mo ha? Paki ulit nga.
Pang aasar nya kay Echo.

Wala ng ulitan, nakita ko lang sa tabi tabi yun.
Sabi nya at ngumiti ng makahulugan.

Nasa'yo na iyon kung susundin mo ang sinabi ko o babalewalain mo Cyst.

Ikaw talaga. Ngumiti din sya pabalik.

Ohh nagsmile ka na. that means ok ka na?
Wag mo na masyadong dibdibin un halika nga dito. sabay yakap ng mahigpit kay Malaya.

Salamat talaga echo ha, kung wala ka siguro dun baka nagmukha na akong tanga sa harap nila ng jowa nya. Habang yakap yakap parin nila ang isa't isa, nang may biglang maalala si Malaya. Kaya agad nya itong tinanong.

Teka ba't mo nga pala sinabing bf kita?
Nagtatakang tanong nya.

Hello!! As in HELLO Malaya.. May kasama syang girl friend tapos pinakilala pa sayo, so ano sa tingin mo gagawin ko? Pumilantik at lumadlad sa harap nila? Syempre dapat pumantay ka.. ano?! ang lagay iisipin nyang miserable ka? Hndi mkamove on? Di pwde yun..
Mahabang paliwanag nya.

Di pa naman talaga ko maka move on ehh.
Bagsak balikat na sabi nya.

Binatukan naman nya ng mahina si Malaya tska nagsalita.
Shunga!! Alam ko yun,,syempre pang front lang un noh. ewan ko sayo.

Kaya nga kita dinala dito para magsaya. makalimutan mo ung siraulo na yun, hirap na hirap akong patawanin ka tapos paiiyakin ka lang ng isang yun. Naku nasisira ang beauty ko sayo day.
Taas kilay nyang sabi at tumayo bago nagsalitang muli.

Mas naiistress pa yata ako sayo ehh. Lika na kain tayo nagutom ako bigla.
Nag mwestra pa sya na may buhok na inipit sa likod ng tenga kahit na wala naman.

-FOODCOURT-

Anong mo gusto kainin? Tanong nya kay Malaya.

Wala kong gana ehh.
Sagot nito. Maging ang pag sagot ay walang kagana gana.

Anong walang gana ka dyan?? Uppercut ko kaya yang ngala ngala mo. Wag ka magpa apekto sa kanya.
Sabay akbay nya dito at naghanap hanap ng pwde nilang makainan.

Biglang bumilis na naman ang tibok ng puso nya at pinakiramdaman ito.
Oo na nga. Sige na kakain na. Dun nalang tayo sa korean food. Parang trip ko kumain ng maanghang.

My BEKI Boyfriend (EDITING)Where stories live. Discover now