My Knight in PINK Armor

479 18 0
                                        

Chapter 3

-BAR

Nagpeperform si Echo on stage nang makita nyang pumasok sa loob si Malaya.
Agad nya itong nakita at tumango..
Sumenyas naman si Malaya na uupo lang sya sa gilid.
Nasa kalagitnaan ng pagpapatawa si Echo nang mapansin nya si Malaya na parang naiinis na nakikipag usap sa isang guy.

Chad baba muna ko ha. Ikaw muna bahala dito.
Bulong nya kay Chad upang puntahan ang kaibigan.

Napalingon naman si Chad sa kanya na may halong pagtataka.
bakit bakla?

Basta babalik din ako. Wait lang.

Tska sya kunot noong bumaba sa stage at dali daling pumunta sa pwesto ni Malaya.

Oh sya sige na nga. Kamot ulo nyang tugon bago muling nagsalita sa mic.

Oh mga baks tatae lang daw si Echo.. Bumulong sabi nya sakin natataecho!!  Hahah!! Ako muna dito ha.. Echo mag hugas ka ng maige..

Nagtawanan ang mga tao sa buong paligid.

Habang si Echo ay papalapit na sa pwesto ni Malaya ay naririnig nya ang pagtanggi ni Malaya sa lalaki, kaya mas binilisan nya ang paglakad kahit na siksikan sa bar dahil sa dami ng tao.

Ano ba kuya hindi nga ko sasama sayo?? Di kita kilala at hindi ako bayaran noh..
Pagpipiglas ni Malaya dahil hawak na ng lalaki ang kanyang braso at pinipilit syang isama palabas ng bar.

Brad anong problema dito?? Ayaw na nga sumama sayo ehh. pinipilit mo pa.

Hawi nya sa lalaking humihila kay Malaya.

Wag ka makialam bakla magpatawa ka nalang dun sa stage. Mind your own business loser. get lost.

Sabay tulak pa kay Echo ng lalaki.

Bumulong naman si Malaya kay Echo upang awatin ito.
Hayaan mo na Echo..wala kang laban dyan. Mukang magaling makipaglaban 'to.

Yes I am minding my own business.
Tska nya hinila si Malaya papunta sa likod nya.
and she is my business so umalis ka na..

At marahan nya itong itinulak para umatras.

Hoy bakla napupuno na ko sayo ha.. Wag kang epal. Come here baby i will make you happy tonight. Don't bother by him or her or kung anong klaseng nilalang pa itong nasa harap ko.

akmang hihilahin si Malaya, ngunit napigil sya ni Echo kaya naman hindi na napigil jito ang sarili sa pagkakataong iyon.

Bastos ka pala talaga ehh..sinabi ko nang umalis ka na!!

sinapak nya ang lalaki at napahandusay ito sa sahig, duguan ang pisngi.

Tama na yan ano ba!! Pag aawat ni Malaya at hinila nya ng bahagya ang braso ni Echo.

Eh, tarantado tong kupal na to eh. Di makaintindi ng tagalog. Ano?  Ako bakla? Sino sa'tin ngayon ang nasaktan ha? Wala ka pala eh. Layas. Bakla pala ha.

sh*t ano bang problema mo bakla?
Lalapit pa sana kay Echo pero upang gumanti ngunit naawat na sya ng mga bouncer ng bar.

May araw ka rin sa'kin. Makikita mo, gagantihan kitang walang kwentang bakla ka!!
Pagbabanta pa ng lalaki kay Echo. Pero hindi sya natakot sa sinabi nito.

kuya ilabas nyo na dito yan. Paki ban na rin sa bar. Bastos yang hayup na yan ehh. Pag nakita pa kita ulit ipapakulong kita. Manyak!!

Pasigaw na sabi ni Echo sa lalaki na ngayon ay inaakay na ng mga bouncer palabas ng bar.

My BEKI Boyfriend (EDITING)Where stories live. Discover now