Chapter 33Kumatok si echo sa bahay ni Chad.
At nagulat sya nang makita si echo na may dalang mga gamit.Chad: hala!! Bakla ka ano yan?? Mukha kang balikbayan ahh. Ang dami mong dala pinalayas ka ba??
Echo: korek!! Pinalayas ako ni malaya. Kailangan ko daw muna patunayan na wala talaga akong kasalanan at hindi ko sya niloloko. Kaya pwdeng dito muna ko..
Dumere deretso na syang pumasok sa bahay ni chad kahit hindi pa naman ito pumapayag.
Chad: aba talagang deretso pasok ka nalang ha.
Echo: wala ka namang kasama dito eh. Dito muna ko.. Sige na ha.. No choice ka na kasi mas malapit bahay mo samin kesa sa bahay ni francis.
Chad: oo na wala naman na ko magagawa dyan.. So anong plano mo ngayon??
Echo: alam mo kanina pa nga ako nagiisip ehh.. Babalikan ko bukas yung spot kung saan kami nakuhanan ng picture.. Titignan ko kung may cctv doon. Baka nakita sa cctv na wala naman talagang nangyaring halikan. Samahan nyo ako ha.
Chad: okay lang naman sige samahan ka namin. Kumain ka na ba?? Mukhang hindi pa eh. Tignan mo nalang dyan sa ref.
Echo: sige( binuksan ang ref) Friend wala naman laman ref mo ano kakainin ko dito??
Chad: oo nga wala. So bumili ka ng sarili mong pagkain kasi walang laman yan..hahaha!!
Echo: gaga ka.. Akala ko naman kung may manok o baboy man lang dito kahit pala tuyo wala. Naku sa labas nalang ako kakain. Sasama ka ba??
Chad: manlilibre ka ba??
Echo: hindi, manigas ka.
Chad: hindi pala eh.. Edi magisa ka. Maninigas nalang ako dito.
Lumabas na si echo para kumain. Pagbalik nya sa bahay ni chad isang balita ang bumungad sa kanya.
Chad: bakla halika dali, yung boylet na may issue sayo iniinterview.
Echo: ha? Bakit??
Ethan: ahhmm.. Yes that’s right ako nga po ang nasa picture na yan. At humihingi po ako ng sorry kung nangyari ang ganitong bagay. Pero dahil lumabas na rin naman po.. Aaminin ko na rin po ang dapat aminin. To make things right po. Ang kasama ko po sa picture na yan ay si echo.
Reporters:(all gasps at nagbulong bulungan)
Reporter1: huh? Si echo? Di ba may kalive in syang babae tska may junakis nga diba? Ano to?Reporter2: may paiyak iyak pa nga sya sa concert nila kasi inamin na nya tapos may jowa ding guy?
Reporter3: baka naman hiwalay na sila nung girl kaya balik sa boys si echo.
Reporter4: ahh, ethan can you please explain more? Paanong kayo yun ni echo?
Ethan: yeah, i will explain it. Yung nakita nyo sa picture is... May date kami ni echo nyan. We’ve been together for a month na din po.
Reporter: so, bakit ikaw lang ang umaamin? Nasaan si echo?
Ethan: ahh.. He will talk soon pero sa ngayon ako nalang muna. Ayoko din sana na masira yung ginagawa naming show together na kasama si andrea of course but eto na nga po kumalat na yung picture na hindi ko po alam kung saan nanggaling. Actually nahihiya po ako sa inyo ngayon kasi itinago po namin ni echo ang namamagitan sa amin. Sorry po talaga, hindi naman po siguro masama ang mainlove lalo na at karamihan sa mga kasama natin ngayon dito ay lgbtq. Kaya sana naiintindihan nyo ako.
Reporter: eh, kung kayo na ni echo. Anong status nya dun sa ka live in nyang girlash diba may junakis pa nga sila? I remember umiyak pa sya nung inintroduce nya sa tao si girl at baby. What happen to them na??
Ethan: siguro po im not in the right position to answer that question, si echo nalang po siguro ang tanungin nyo about that. Thank you. Well i’ve said already ang mga dapat iclarify. Thank you for coming.
Reporters:( nagkagulo at gusto pang kuhanan ng sagot si ethan pero umalis na agad ito.)
Echo: sh*t!! Ano bang pinagsasasabi ng lalaking yan?? Lahat naman ng sinabi nya kasinungalingan.
Chad: baliw ba yan?? Hindi kaya nagda drugs yang hayup na yan?? Ano ba pinakain mo sa kanya at kung anu ano sinasabi??
Echo: nakakaloka!! Anong sasabihin ko sa mga tao?? Kakastart ko pa nga lang bumalik sa showbiz tapos eto na naman. Puro kasinungalingan pa pinagsasabi ng pamin na yan. Kung alam ko lang na ganito aabutin ko edi sana hindi na talaga ako sumama sa sasakyan nyang hinayupak na lalaking yan!! Ano na gagawin ko. Oh my Gosh!! Mababaliw na yata ako. Si malaya baka lalong magalit sakin.
Chad: wag ka magalala makakahanap tayo ng paraan para malaman ng mga tao ang totoo.
Echo: paano naman??
Chad: di ba sabi mo titignan natin kung may cctv dun sa area? E kung ngayon na natin tignan hindi pa naman masyadong late eh. Teka tawagan ko si francis para kumpleto tayo.(tinawagan nya nga at ilang minuto lang ay kasama na nila si francis)
Francis: bakla ka, anong nangyari dun at bigla bigla nalang nagsalita ng kung ano ano. May sapak na yata ang utak nun ehh..
Epekto ng pagka gusto sayo day. Obsessed na sya sayo. Gumagawa ng kwento para lang sumikat.Echo: mamaya na tayo magchikahan, punta na tayo dun sa place.
Chad: sige sige. Yung kotse ko nalang gamitin natin.
At nagpunta nga sila sa lugar kung saan nakuhanan ang picture.
Maya maya pa may nakita si echo sa bandang gilid ng kalsada na cctv.Echo: mga bakla dito ohh.. Meron cctv. Tignan nyo, kung sa anggulo na to titignan ang nangyari. Naku malaki ang chance na makikitang hindi talaga kami nag kiss.
Francis: saan ba kayo banda nagpark??
Echo: dyan, dyan mismo sa tapat tapos wala kasing bubong yung kotse ni ethan kaya kitang kita talaga lahat.
Chad: ayan may pwde na tayong gawing proof. Kaso friend private property ang cctv. Makukuha kaya natin ang footage nyan??
Echo: yun ang aalamin natin bukas. Pero maghanap pa tayo baka meron pa tayong makita like kung sino ang kumuha ng picture.
Francis: naku friend malman ko lng talaga kung sino ang kumuha sayo ng picture. Ipapalamon ko sa kanya yung camera nya kasama ng mga mata nya para wala na syang makita pa.. Nakakagigil.
Echo: sinabi mo pa. Wala naman akong ginagawang masama. Isa pa tong baliw na ethan. Hindi ko alam kung paano nya nasabi na kami na? E tinanggihan ko nga sya.
Chad: baka hindi tanggap ang rejection.
Echo: nakakainis talaga mga bakla.
Hindi ko na alam kung anong mukha pa ang ilalabas ko neto ehh..Francis: gusto mo hiramin mo muna yung mukha ni chad for sure di ka makikilala nyan.
Echo: naku ayoko nga. Baka mapagkamalan akong snatcher sa daan nyan. Mukhang di pa naman gagawa ng mabuti yan.
Chad: hoy excuse me, hindi pang snatcher ang mukhang to noh.
Francis: eh pang ano pala??
Chad: pang kidnapper. Kikidnapin ko si ethan para raypin ko nalang nang masira na ang kinabukasan nya tapos kakalat ko scandal namin..hahaha!! Ewan ko lang kung makabalik pa sa showbiz yan.
Francis: bet ko yan bakla..hahaha!!
Echo: mga loko loko kayo. Basta bukas kelangan natin makuha yung copy ng cctv sa lugar na to.
Tara uwi na tayo.--next chap.detectives na sila😂😂

YOU ARE READING
My BEKI Boyfriend (EDITING)
FanfictionAno kayang mangyayari kung ma inlove ang isang beki sa isang tunay na babae? Si Malaya ay isang simpleng babae, gusto lamang nya na may isang taong magmamahal sa kanya ng tapat ngunit sa kasamaang palad lagi na lamang syang naloloko. She always suff...