Umamin na sya

288 10 10
                                        


Chapter 48

Ginawa nga ni Echo ang sinabi malakas sa kanya.

Inaya nya sa isang bar ang dalawa nyang kaibigan at si paolo upang malaman kung totoo ang sinasabi nito.

Chad: nasaan na ba yung sinasabi mo??
Baka inindyan na tayo nun ha.

Echo: parating na yun nagchat na sya sakin na on the way na daw sya.

Francis: ayun na yata sya mga bakla..
Hala ang gwapo day.

Echo: saan? Ay oo, sya na nga yan.
Pao dito.(sabay kaway nito sa lalaki upang lumapit)

Paolo: Echo. Kamusta?? (Napatingin agad kay Francis)

Echo: pao, sya nga pala mga friends ko si Chad and Francis.

Paolo: ah,, hi ako nga pala si paolo. Nice meeting you.

Chad: hi paolo, Im Chad. Nice to meet you.(malanding pakulala nya dito at abot ng kamay)

Paolo: (ngumiti lang kay Chad at buglang pumaling ang atensyon kay Francis)  hi Francis right? Paolo nga pala. I think we can be friends. (Sabay lahad ng kamay nito)
Nakipagkamay din naman si Francis sa kanya.

Echo: Upo ka muna.

Paolo: ah.. Oo sige salamat.

Chad: waiter isang bucket nga dyan.

Paolo: So bakit mo pala ako ininvite dito? Infairness mga gwapings kayo ah..

Chad: ay talaga ba. Salamat pero i prefer to be called beautiful or pretty cause it suits me better. (May pagpilantik pa ng mga matang sabi nya)

Paolo: ahh.. Hindi ka kasama silang dalawa lang.( turo kina sina echo at francis)
Natatawa sina francis at echo pero medyo pigil.

Chad: oww,, so hindi ako gwapo..
Kasi maganda ako di ba.

Paolo: hindi rin( pabulong)

Chad: ano??

Paolo: ahh.. Wala. Ayan na yung order nyo. (Pag iiba nya sa usapan.)

Echo: okay, lets get it on guys.

Lumipas ang ilang oras at may mga tama na sila ng alak.

Chad: pst! Pogi, alam mo type kita. Nagjojowa ka ba ng beki?

Paolo: ha? Sorry di kita type. Hehehe.

Echo: ano bang gusto mo sa isang tao?

Francis: oo nga, ang gwapo mo pero wala kang girlfriend?! Grabe naman yan. Di kaya boyfriend ang meron ka. Hahaha!!

Paolo: ha? Hindi ahh.. Hindi ako bakla.(pinalaki pa ang boses)

Chad: defensive masyado. Hahaha!! edi hindi ka bakla. pero ano bang qualifications mo baka pumasa ako. Yiieeh!!( kumindat pa)

Echo: ang landi mo bakla, hayaan mo si pao magkwento.

Paolo: ano bang ikekwento ko?? E wala naman akong nagugustuhan pa sa ngayon. Puro business kasi inaatupag ko kaya walang time.

Francis: naku walang time akong bahala sayo. Oh, ayan na pala ehh.. Hi dito ka girl. (Sabay pinaupo sa tabi ni paolo ang isang magandang babae)

Girl: hi pogi. (Tukoy kay paolo. sabay kapit sa braso nito)

Paolo: ha, hi din.( parang nandidiring inalis ang pagkakakapit ng babae sa kanya)

Francis: paolo sya nga pala si katie. Katie this is paolo.

Katie: nice meeting you baby paolo. (Hinaplos pa ang pisngi ng binata)

Paolo:( animo’y kinilabutan at nandiri sa inasta ng babae) pwde lumayo layo ka muna girl. Mainit kasi. (Itinulak pa nya ng bahagya ang babae palayo sa kanya)

My BEKI Boyfriend (EDITING)Where stories live. Discover now