Pasikatan 1

171 6 0
                                        

Chapter 45

Part 1

Pagkatapos nilang kumanta lahat. Umpisa naman ng katatawanan.

Chennilyn: kamusta naman ang mga kasama mo dyan haggardo?? Nakakahinga pa ba? Baka need na nila ng oxygen. Hahaha!! Mga bigating singers ang nakaduet nila.

Haggardo: eto na nga mamang, lahat sila parang aatakihin na sa puso.. Hahaha!! Ikaw charmcaster kamusta ang puso dahil nakaduet mo si sam concepcion?

Charmcaster: ang pogi ni sam!!! Yiiieeehh!! Sayang hindi ko nagamit ang charm ko. Ako yata ang nahulog sa charms nya.. Omg!!

Haggardo: talaga ba may charm ka?? Saan banda teh? Di ko masight.(inikot ikot pa sa charmcaster) hindi ko naman makita si charmcaster, parang si charmander ang nakikita ko.. Hahaha!!

Chennilyn: well, contenders good luck sa inyo dahil sa pagbabalik natin umpisa na ng labanan sa tawanan. Kaya kayo wag kayong maglilipat ng channel kung ayaw nyong magka chennilyn bulutong.. Hahaha!!

Habang break ay nagkakabiruan na ang mga contenders.

Echo: mga friends, nakakakaba yung kanina. Grabe. Di ko alam gagawin ko.

Francis: naku sinabi mo pa, buti nakanta ko yung song ehh..

Chad: nanginginig pa nga ako hanggang ngayon day.. Hahaha!!

Echo: good luck satin mamaya ha.

Habang naguusap ang tatlo ay may isang contestant na nagpaparinig sa kanila. Particularly kay echo.

Haley parrot: (kunwaring pabulong) nakwo!! parang dehado na agad tayo dito mga sisters. May isa kasi dyan na siguradong gagawa na naman ng eksena. palibhasa mahilig gumawa ng pasabog na yayanig talaga. Nakuu!! Di na ko aasa na mananalo pa ako. Kaya kayo mga sisters wag na din umasa kasi malamang gagawa na naman yan ng ikakabigla ng mga tao. psh!! (At umirap pa)

Chad: teka lang babaeng mukhang baklang hito. May pinaparinggan ka ba ha?? Anong gusto mo mangyari ha??

Echo: (pabulong) bakla tama na yan. Hayaan mo nalang sya.

Haley: aba bakit?? ikaw ba yun? (Sabay tingin kay echo mula ulo hanggang paa at ngumisi pa) Affected ka teh?

Francis: aba, aba, baka gusto mong kalbuhin kita ngayon ha? Para pag usapan ka rin. gusto mo sumikat eh ha. Kahit hindi mo sabihin kung sino ang pinatatamaan mo alam naman nating lahat kung sino yun.

Echo: tama na guys. Laro lang to walang away dapat.

Chris Alien: naku echo tumigil tigil ka nga sa mga ganyanan mo. Wag ka magmalinis uy. Umaalingasaw yang baho mo kahit maligo ka pa sa pabango. Pwe!!

Chad: teka nga.. Hoy ikaw na alien ka, gusto mo ibalik kita sa planet nemik?? Isama mo na yang babaeng baklang hito na yan at dun kayo magkalat ng lagim sa mundo ni majimboo!!

Francis: mga inggit lang kayo. Kasi si echo madami na na achieve  e kayo?? Hanggang ngayon nasa pipitchuging bar parin. Mga jologs.

Charmcaster: tama na guys. Hindi nyo kailangan magsiraan dito. Lahat tayo dapat friends lang.

Inday diva: oo nga, tska kayong dalawa haley at Chris di nyo ba napapansin, hellow walang keber sa inyo si echo. Hindi kayo papatulan nyan. Dahil pag pinatulan nya kayo isa rin syang tanga katulad nyo. Hahaha!! Parang mga bata. Nambubully.

Haley: aba! Nakikisawsaw ka ditong babaeng mukhang lalaking kargador ha?? Humanap ka ng kausap mo..

Chad: isa pang salita mong babaeng hito ka. Isusumbong talaga kita sa management na nangaaway ka. Nang madisqualified k dito kasama yang alalay mong kamag-anak ni piccolo..

Haley: hmp!! Tara na nga chris. Ayoko makisali sa Mga sipsip na baklang to. (Sabay walk out nila)

Echo: guys salamat ha. Gusto ko na sana sila patulan kaso naisip kong tama naman mga sinabi nila eh.. lagi nalang akong may issue kahit hindi naman dapat.

Charmcaster: ano ka ba. wag mo isipi  yon. Mga inggit lang yun kasi sila ang tanging issue sa kanila e yunv pag uugali nila. Kahit saan kayang bar magpunta yang dalawang iyan laging may kaaway.

Chad: ay mga panget na nga mga war freak pa..

Francis: sayo talaga nanggaling yung panget friend?? Hahaha!!

Chad: o baket?? May problema ba tayo doon?

Inday diva: okay lang yun echo. Hayaan mo nalang sila. Ganun talag yung mga yun walang pinipili. Basta goodluck satin ha.

Echo: salamat mga bakla ha.. Hehehe.

Kamotecute:(pumasok sa dressing room) anyare mga baks?? Bakit nakabusangot mga mukha nung dalawa sa labas??

Chad: naku huli ka na sa balita. Kain ka kasi ng kain ng kamote ayan lagi ka tuloy nasa cr. Nahuhuli ka sa chika. Wala lang yun. Mga baklang pinaglihi sa utot kaya ganun.

Ang nakalimutan nila. Lahat ng mga sinabi at ginawa nila sa loob ng kwartong iyon ay nakarecord at napapanuod sa internet.

Haggardo: okay mga manunuod namin. Grabe ang intense ng naganap kanina di ba.  Nalaman naman nating lahat kung paano imaintain ni echo ang pagiging kalmado sa kabila ng mga narinig nya sa ibang contestants. At ang nakakatuwa pa mukhang yung ibang contestants pa ang affected sa mga sinabi nina Haley at Chris.
Abangan natin kung ano pa ang mga susunod na mangyayari. Naku.. Unang araw palang may mga ganyang ganap na dito.

Chennilyn: and we’re back mga ka duet. So now. After natin makita at marinig ang performances ng ating mga kalahok pagdating sa kantahan. Let’s move on sa katatawanan. Hindi ko na patatagalin, randomizer select.

-at ang unag sumalang ay sina kamotecute and inday diva. Next sina chad and Chris Alien. Francis and charmcaster.

Chennilyn: And for our last contestants sina echo and haley parrot. Punta na kayo dito dahil no choice na kayo.

Habang paakyat si echo bigla syang tinabig ni haley at umunang umakyat sa stage. hindi ito pinansin ni echo pero nakita ito ng mga fans nya kaya nagsigawan ang mga ito ng booo para kay haley. Nag sign naman ng ssshhh! Si echo para patahimikin na sila na agad naman nilang sinunod.

Chennilyn: ay ang taray ni haley ha.. May attitude ka day. Hahaha!! Si echo oh. Wala lang. Hahaha!!

Ngumiti lang si echo bilang tugon.

Chennilyn: so, let’s sart. Syempre jack en poy muna para malaman natin kung sino ang mauuna.

At ang nanalo ay si echo kaya si haley ang mauunang magpatawa.

Chennilyn: so haley. Ikaw muna, you have 30 seconds every round. At meron kayong 3rounds para magpalitan ng salitaan. Paalala lang no badwords okay. Nasa tv tayo mga ateng alalahanin nyo.
Hahaha!!  So. Lets get it on.

Haley:  para sayo echo. Mabuti pa umuwi ka na. Hindi ka naman kasi bagay ditong bakla ka. Yung mga punchline mong puro luma na kasing tanda ng mga polo mong nanggaling pa sa banga. Kaya alam mo kung ako sayo simulan mo nang maglakad. Baka hindi ako makapagpigil kita’y makaladkad kaya baboo!!

Chennilyn: tapos na ba?? Okay.
Your turn echo. Your timer starts now.

Echo: aba, aba, aba, kasama ko pala ang babaeng hinulma sa apa. Anong akala mo dito fliptop?? Comedy to. Kung gusto mo magfliptop dun ka sumama kina zyto tutal kamukha mo naman ung mga bumabanat dun. Tapos sabi mo umuwi na ko kasi di bagay ang bakla dito? Huh!! Di ako bakla tanong mo pa kay oppa!! Yiieeh!! Ung punchline ko luma? E yang mukha mo tingin mo bago? Mas luma pa yan sa kalolo lolohan mo. Time.. Hahaha!!

--- naku ano na tong ginagawa ko??
San na napunta?? Tama pa ba ang landas na to?? Bahala na basta matatapos din to..😂😂😂

My BEKI Boyfriend (EDITING)Where stories live. Discover now