Chapter 38
Pinagiisipan ni echo kung ano ang kanyang gagawin sa proposal na gusto nyang ibigay kay malaya.
Habang wala pa syang naiisip, ay pinagpatuloy muna nya ang kanyang normal na gawain.
Taping,guestings,comedy bars,at pag hohost ng iba’t ibang events.Echo’s phone ringing.
Echo: Hi good morning, echo speaking po.
Caller: hi this is from yt productions and i would like to invite you on our new reality singing contest together with the other performers from different comedy bars. And we chose you to be one of the participants.
Echo: talaga po madam? Sige po tatanggapin ko po iyan. Kelan po ba ang start? Maraming salamat po sa pagpili sakin.
Caller: ah, pag natapos na namin maipon ang lahat ng sasali we will send you the details via email or a text message kaya stand by ka lang muna echo..
Echo: sure madam.. Thank you po. Thank you po talaga.
Caller: okay, good luck. Bye.
Echo: bye po.
After the call.
Echo: bebe ko!! Bebe ko!! May maganda akong balita sayo..yiiieehh!!
Malaya: ano ba yun?? Parang maganda nga iyan ahh..
Echo: oo mahal, kasi yung yt production tumawag sakin, sabi nila isasali daw nila ako sa isang reality singing contest na gagawin nila tapos ang mga ksali puro taga comedy bar.. O diba ang saya.
Malaya: wow. Ang gandang opportunity nga nyan mahal. Congratulations. I’m happy for you.
Echo: salamat mahal ko.(niyakap si malaya) ang saya saya ko ngayon. Nakakatuwa naman. Kelangan ko iprepare yung boses ko pati mga jokes ko.. Hala kelangan may bago akong pambala..
Malaya: magrelax ka nga muna.. Agad agad na ba yang contest at natutuliro ka??
Echo: hindi naman, sesendan nalang daw ako ng details sa email or text. Pero syempre dapat mag ready na ko diba.
Malaya: relax ka muna. Wag mo masyado ipressure ang sarili mo. I’m sure makakaisip ka ng mga bagong acts mo. Ikaw pa, magaling ka kaya.
Echo: sa tingin mo mahal?? Ay teka tatawagan ko si chad tatanong ko kung kasali sila.
Echo: baklaaaa!! Kasali ka rin ba sa yt production?
Chad: boses mo naman.. Makasigaw ka, oo tinawagan din ako. Pati si francis. Excited ka na rin??
Echo: oo friend. I’m sure puro kakilala di natin mga participants. Nakakatuwa.
Chad: oo nga eh. Kaso mukhang tagilid na agad ako.
Echo: bakit naman?? Di pa nga nagsstart Eh
Chad: aba sa fans mo palang lugi na ko, paano pa kaya dun sa ibang mga sasali.
Echo: sus naman, nu ka ba, magtiwala ka sa kakayahan mo. May talent ka noh. Nagemote ka pang bakla ka.
Chad: basta galingan nalang natin ha. Si francis kaya kumusta.
Echo: naku sigurdo tumitili na yun sa bahay nya..hahaha!!
Chad: o sige. Mamayang gabi nalang tayo magchikahan ni francis sa bar.. Babush!!
Echo: sige, sige. Bye.
malaya: ano kasali din silang dalawa??
Echo: oo mahal, ang saya saya naman. Magkakasama parin kaming tatlo kahit magkakalaban kami sa contest i’m sure magiging masaya yun.
Malaya: halatang tuwang tuwa ka mahal ahh.. Celebrate na tayo..
Echo: tara mahal celebrate tayo. Yiieeeh!! Saan mo gusto??
Malaya: di naman tayo makakapagcelebrate ng tayong dalawa lang noh. paano si Layrric??
Echo: oo nga noh. teka, ahh, may naisip na ko. Bukas wala naman kaming gig nina chad. Bukas tayo ng gabi alis ha. Tayong dalawa lang. Ako nang bahala kay Layrric, may mapagiiwanan na tayo sa kanya.
-KINABUKASAN-
dorbell ringing.
Chad: wait lang. Sino ba yan?? Ngayon na nga lang nagpahinga eh.
Pagbukas ng pinto.
Echo: hi chad.(wide smile)
Chad: anong ginagawa nyong maganak dito? Pasok.
Echo: sige, hehehe. E kasi may hihingin sana kaming favor sayo girl. Ngayon lang naman.
Chad: hmm!! Mukhang alam ko na yan ah. Ako talaga?? Bakit sakin?
Echo: sige na girl ngayong gabi lang, idedate ko lang si malaya. Sige na please.
Chad: grabe ka naman aakin bakla ka. Hindi ako marunong mag alaga ng bata. (tumingin kay Layrric)
Layrric: hi po( wide smile)
Malaya: sige na please. Saglit lang kami. Tska madali lang alagaan si Layrric. Hindi ka mapapagod sa kanya promise.
Chad: may magagawa pa ba ako? Eh dinala nyo na ung junakis nyo dito. Naku kelangan hindi lang ako ang mag sa suffer sa pag aalaga.
Tatawagan ko si francis. Kala nya ha, para damay damay na to.Echo: salamat friend ha, the best ka talaga.
Chad: naku, ganyan ka lang nama sakin pag may kailangan ka.
Echo: oi hindi ahh,, lab na lab ko nga kayo ni francis ehh..
Chad: oh, sige na tama na ang kuda at lumarga na kayo nang mkarami kayong dalawa..hahaha!! Siguraduhin nyo nang masusundan tong si Layrric ha..
Aba nung nakaraan ko pa sinasabi sa inyo yan ahh..hahaha!!Echo: gaga, kakain lang kami sa labas, quality time together ganun, ang dumi talaga ng utak mo. hahaha!!
Chad: ahh,, kakain lang talaga kayo?? Kala ko magkakainan kayo ehh..hahaha!! Joke lang.
Malaya: hala si chad, magdi dinner lang talaga kami. hehe( nahihiya)
Echo: naku mahal, masanay ka na sa kanya. Pasmado talaga ang bibig nyan minsan. hahaha!!
Chad: hahaha! okay lang yan malaya, normal lang sa magjowa yan. Ngayon ka pa nahiya e may Layrric na nga kayo ehh..
Malaya: si chad talaga. Nakakahiya na.
Echo: tigilan mo na sya chad, ihahabilin na namin sayo si Layrric ha. Nasa bag nya yung mga listahan ng mga dapat gawin habang kasama mo sya. Then pag may mga tanong ka pa, tawag ka lang ha.
Salamat talaga..Chad: sige, magingat kayo ha. Enjoy your night.
--see you sa next chapter😘😘

ESTÁS LEYENDO
My BEKI Boyfriend (EDITING)
FanfictionAno kayang mangyayari kung ma inlove ang isang beki sa isang tunay na babae? Si Malaya ay isang simpleng babae, gusto lamang nya na may isang taong magmamahal sa kanya ng tapat ngunit sa kasamaang palad lagi na lamang syang naloloko. She always suff...