Chapter 20
Kenneth: bakit mo naman ginawa yun malaya?? Nababaliw ka na ba?? Hindi habang buhay maitatago mo yang lihim mo.
Malaya: hangga’t kaya kong itago itatago ko muna, sasabihin ko rin naman sa kanya pero sa tingin ko this is not the right time, makakagulo lang kami ng anak nya sa kung anong tinatamasa ngayon ni echo. Baka kami pa ang maging dahilan ng pagbagsak nya, ayokong mangyari yun.
Kenneth: e bakit mo naman sinabing tayo na ulit at ako ang tatay ni layrric?? Paano kung malaman ng asawa ko yan?? Naku malaking gulo talaga tong pinapasok mo ehh..nananahimik ako tapos pati ako dinamay mo pa. Eto sinasabi ko sayo ha, habang maaga pa sabihin mo na ang totoo sa kanya kung hindi ako na mismo ang magsasabi sa kanya. Ayokong madamay pa sa inyo. May pamilya na ko alam mo yan.
Malaya: pasensya na, wala na kasi akong maisip na ibang paraan para makaalis sa sitwasyon kanina kaya umoo nalang ako. Sorry talaga, tska parang awa mo na wag mong sasabihin sa kanya.
Kenneth: aba, at sakin di ka naaawa?? Sa anak mo hindi ka din ba naaawa?? Karapatan nyang malaman kung sino ang ama nya, wag mong ipagkait yun, at wag mong hayaan na dumating sa puntong sumama ang loob sayo ng anak mo kung patatagalin mo pa ang kalokohan mong to.
Natahimik si malaya sa mga sinabi ni kenneth. Alam nya sa sarili nyang tama ang mga sinabi ng kaibigan nya pero nagaalinlangan sya. Habang nagiisip ay bumalik ang mga alaala nung panahong nakipag hiwalay sya sa kanyang minamahal.
-FLASHBACK-
Malaya: goodbye echo(tumalikod ito at dali daling sumakay sa nagaabang na kotse.)
Hindi na nya napigilan ang mga luhang gustong gusto nang kumawala sa kanyang mga mata. Halos hindi na sya makakita at hirap na rin sa pag hinga.
Malaya: sorry echo. Sorry talaga pero kailangan ko itong gawin para sa career mo.
Naalala nya ang sinabi ng manager nina echo sa kanya.
Manager: iha ikaw ba ang napapabalitang girlfriend ni echo?
Malaya: opo ako nga po, may kailangan po ba kayo sakin??
Manager: actually oo ehh. Pwde ba kitang makausap?
Malaya: si- sige po. Ano po ba yung paguusapan natin?
Manager: ako pala ang manager nina echo chad and francis.(nakipagkamay)
Ahh, iha hindi na ko magpapaliguy ligoy pa ha, alam mo naman na unti unti nang sumisikat si echo diba? At im sure alam mong dumadami na din ang fans nya, at hindi maganda ang mga naririnig ko sa mga fans ni echo about sa relationship nyo. Sa showbiz kasi iha kailangan mapangalagaan ang pangalan ng isang papasikat palang. may mga fans na ayaw na may ibang pina priority ang idol nila bukod sa career nya lalo na at hindi pa sya ganap na sikat.Malaya: ano pong ibig nyong sabihin??
Manager: gusto ko sanang makipaghiwalay ka na sa kanya. Isipin mo nalang ang future ni echo, kelangan nyang magfocus sa career nya, lalo na ngayon at nakikilala na sya. Kung mahal mo talaga sya iisipin mo ang mas makakabuti para sa kanya at hindi ang sarili mo lang. Sa panahon ngayon mas gusto ng mga fans na single ang idol nila. at pag may nabalitaan silang karelasyon ng idol nila at hindi taga showbiz syempre iba background check nila ang lahat ng tungkol sa taong yun, at kapag may isa man dun na hindi nila nagustuhan for sure maba bash ang taong yun at syempre madadamay ang artista. Paano nalang kung kumalat ang tungkol sa inyo. Hindi pa man sya sikat talaga ay malalaos na agad. Sana gawin mo ang mas makakabuti para sa kanya. Maraming salamat.( umalis na ang manager at naiwang tulala si malaya)
Malaya: paano na to?? ano nang gagawin ko?
Lumipas ang ilang araw,linggo at buwan na tiniis nyang hindi makipagkita kay echo para pagisipan ang mga sinabi ng manager nya.
Malaya: kelangan ko nang magdesisyon agad. Ayokong may mangyare pang hindi maganda kay echo. alam kong masasaktan sya pero siguro naman malilimutan nya rin ako pag nagtagal..( umiyak lang sya ng umiyak) pero ang hirap makipaghiwalay sa kanya. Ayoko syang iwan pero kailangan. Nahihirapan na ko. Lord sana po maging tama ang gagawin kong ito. Kayo na po ang bahala saming dalawa( nanalangin sya ng taimtim)
At dumating na nga ang araw na kailangan na nyang iwan si echo kahit na parang pinupunit sa maliliit na piraso ang kanyang puso ay hindi nya maaaring sundin ito sa ngayon. Kailangan nya munang isipin ang kapakanan ng mahal nya.
Malaya: matagal na nyang pangarap na sumikat malaya kaya dapat mong ibigay iyon ng buo sa kanya, hindi ka dapat maging dahilan ng pagbagsak nya. Ikaw ang dapat magsakripisyo sa ngayon.( hagulhol nya)
sobrang lungkot ang nararamdaman ni malaya mula nung nakipaghiwalay sya kay echo. Hindi sya makakain at makatulog ng maayos lagi nyang iniisip ang kasintahan.
Hanggang sa isang araw ay biglang sumulpot si kenneth sa kanyang bahay upang magbigay ng invitation para sa darating na kasal nito.
Kenneth: malaya?? Anong nangyare sayo?? Bakit ang laki ng ipinayat mo??
Malaya: kenneth, wala na kami( at umiyak sya ng umiyak habang niyakap sya ni kenneth)
Doon na din nya ikinwento ang lahat.
Kenneth: e paano ka ngayon?? May balak ka pa bang sabihin sa kanya kung anong sinabi ng manager nya?
Malaya: wala, kailangan kong magtiis para sa kanya.( ngumiti ng pilit) teka ikukuha lang kita ng merienda ha( patayo na sana sya ng bigla syang hinimatay)
Kenneth: malaya? Malaya anong nangyare sayo?
Agad na dinala ni kenneth si malaya sa pinakamalapit na ospital.
Malaya: ( unti unting nagkamalay) kenneth?? Nasan ako??
Kenneth:gising ka na pala, nasa ospital ka hinimatay ka kasi ehh. Tawagin ko lang yung doktor.
Doktor: ms. Macaraeg, gusto ko lang malaman mo na your 6 weeks pregnant. Hindi maganda sa magiging baby mo ang labis na stress kailangan mong mag-ingat dahil nasa 1st trimester ka ng pagbubuntis mo at yun ang pinakamaselan sa lahat. Okay naman ang baby mo kelangan lng ng doble ingat. Eto ang mga reseta inumin mo ang mga gamot na yan para lumakas ka at si baby. Congratulations po pala. So mauna na ko.
Malaya: buntis ako?
Kenneth: hala? kailangang malaman ni echo yan.
Malaya: hindi! Hindi nya pwdeng malaman. Makakasira lang kami kung ipapaalam ko ngayon. Kailangan kong umuwi ng cebu. Kailangan kong lumayo para hindi na muna magkrus ang landas namin.
- umuwi nga si malaya sa cebu upang doon na manganak at palakihin ang anak nila ni echo. Sinabi na rin nya sa magulang nya ang mga nangyare.
Si kenneth at ang asawa nito ang kasa kasama nya habang sya ay buntis.
Halos magkasunudan lang din kasi silang nabuntis ng asawa ni kenneth.-itutuloy po..😘😘
Layrric- maLAYa and jeRRICho
Yiieeehh!!

YOU ARE READING
My BEKI Boyfriend (EDITING)
FanfictionAno kayang mangyayari kung ma inlove ang isang beki sa isang tunay na babae? Si Malaya ay isang simpleng babae, gusto lamang nya na may isang taong magmamahal sa kanya ng tapat ngunit sa kasamaang palad lagi na lamang syang naloloko. She always suff...