Pasikatan 2

159 6 0
                                        

Chapter 45

Part 2

Natapos ang na ang pagtatapat tapat ng mga kalahok kaya umpisa na upang ang mga hutado naman ang magbigay ng kani kanilang opinyon.

Chennilyn: ayan natapos na ang lahat ng mga contestants natin. Judges ano pong mga opinyon ninyo sa mga kasali??

Isa isang nabigay ng mga komento ang mga hurado.

Haggardo: partner sino kaya sa mga contestants natin ang uuwi next week at hindi na magpapatuloy. Abangan natin mga kaduet.

Chennilyn: kaya nga eh. May magpapaalam agad agad. Every week ganyan ang mangyayari sating mga kalahok partner hanggang sa dalawa nalang ang matira.

Haggardo: kaya kailangan nating abangan yan next week sino ang maiiwan at sino ang uuwing luhaan. Ito ang " sinong kaduet mo?”

After ng show dumeretso na sila sa dressing room at naghahanda na upang umuwi.

Haley: hoy! Alam mo ikaw kanina pa ko gigil na gigil sayo ha. Nananadya ka ba ha??

Echo: ano ba ginagawa ko sayo?

Haley: hindi mo alam? Sure ka hindi mo alam ang ginawa mo?? Psh!! Ang yabang yabang mo dun sa stage. Akala mo kung sino kang sikat. E kaya ka lang naman kilala dahil sa mga ingay na ginawa mo.

Echo: ako nagyayabang? Anong pinagyabang ko sayo pren? Hindi kita niyayabangan. Kahit itanong mo pa sa kanila.

Chad: ano ba talagang problema mo kay echo ha? Inaano ka ba nung tao? Insecure ka ba?? Gusto mo mapagusapan? Gawa ka rin ng issue mo.

Echo: teh, hindi ko ginusto yung mga naging issue sakin, ang tanging pinagmamalaki ko lang e nung pinakilala ko yung mag ina ko. Tsura mo.

Haley: eto tatandaan mo! Wala kang lugar dito. Kaya kung ako sayo umatras ka nalang. Tara na Chris.

At nagwalk out silang dalawa.

Francis: ano bang problema nung mga panget na yun?

Echo: hayaan nyo na, mga attention seeker lang yun. Wag nyo na intindihin, mai-stress lang tayo nyan ehh.. May tanggalan pa next week kaya dapat na tayong kabahan mga day.

Chad: oo nga pala noh. Naku umuwi na tayo wag nang pansinin yang haliparot na yan..

Francis: talagang haliparot na ahh,, wala ng paliguy ligoy.. Hahaha!!

gabi na nang makauwi si echo sa kanila.

Echo: bakit gising ka pa mahal? Gabi na.

Malaya: hindi kasi ako makatulog, tska hinihintay talaga kita. alam ng mga tao yung ginawa ng haley parrot na yun. Ang daming nagalit sa kanya.

Echo: pano nyo nalaman? Ayy.. Oo nga pala  meron silang camera backstage.

Malaya: nakalimutan siguro ng haley na yun ang sinabi ng host. Kaya kitang kita ang ugali nya.

Echo: ganun ba. Hindi ko naman alam kung bakit naiinis sya sakin eh. Hayaan mo na nga. Nagugutom na ko. Kain tayo mahal.

Malaya: sige maghahain lang ako.

Kinagabihan sa bar naman sya pumasok.

Echo: hi guys. Kamusta??

Chad: eto tuwang tuwa kasi trending ang show natin bakla.

Francis: totoo. Ang dami natutuwa satin pero andami ding naiinis kay haley. hahaha!!

Chad: shunga sya ehh. Nalimutan ba naman nya na may camera sa backstage, kasasabi lang ng host. Kundi ba naman bona. Ayan, andami nyang bashers.

Echo: talaga? Naku kawawa naman yun. Ang mga tao pa naman kung mambash ng iba. Ewan.

Francis: naku hayaan mo sya dun. Choice nya yun hindi mo sya kailangan kaawaan deserve nya yun dahil sa ginawa nya.

Echo: hala, kawawa parin. Baka mawalan ng trabaho yun.

Chad: ewan ko sayo echo inaway away ka na nga kinaaawaan mo pa.

Francis: change topic na nga. Ano na nangyari sa pinaplano mong proposal day?? Anong petsa na??

Echo: hala!! Oo nga pala. (Napatakip pa sa kanyang bibig) nakalimutan ko na dahil dun sa contest. Naku. Wala pa kong plano mga bakla.( napasubsob sa lamesa)

Chad: pasaway ka bakla. Kelan mo balak magpropose? Pag magaasawa na din si Layrric?? Nakakaloka ka. (Kamot ulong sabi nya)

Francis: wala ka pa bang naiisip na gimik??

Echo: wala paaaa!!

Chad: patay tayo dyan.

Echo: patay talaga?? Di pwdeng naghihingalo muna?

Francis: isipan mo na ng maganda yan echo baka mainip si jowa mo layasan ka ulit. Hahaha!!

Chad: hala mamaya makahanap ng bago yun. Yari ka.

Echo: hala, hindi naman siguro. Grabe mga pagiisip nyo.

Francis: sinasabi lang namin yung what if di ba. Hindi ko alam ang mga pwdeng mangyari hangga’t di pa kayo kasal. Aba may kasabihan nga di ba " kung ang asawa nga naaagaw jowa pa kaya” kaya habang maaga pa naku pakasalan mo na sya.

Chad: sige ka baka mamaya unahan pa kita sa kanya. Hahaha!!

Echo: talaga ba?? Ikaw talaga? Ewan ko sayo chad. Dami mong alam. (napatingin sa relo nya) naku tara na sa labas malapit na tayo.

Francis: oh gora na.

Chad: sinasabi ko sayo echo. Aagawin ko sayo si malaya sige. Hahaha!!

Pagkatapos nila magshow ay agad umuwi si echo dahil sa pagod. Habang pauwi sya ay iniisip nya kung ano ang pwde nyang gawin sa proposal nya. Pero hindi parin sya makaisip ng magandang gawin para maging special ang araw na iyon para sa kanyang mahal.
Pag uwi nya ay tulog na si malaya at ang kapatid nalang nya ang nagbukas ng pinto para sa kanya.

Echo: utoy, may itatanong lang ako sayo.

Malakas: ano yun kuya?

Echo: gusto ko sana humingi ng idea kung paano ko makakapag propose sa ate mo eh. Wala kasi ako maisip na magandang gawin para maging kakaiba yung proposal ko.

Malakas: ay pakakasalan mo na ate ko? Naku mabuti naman at naisipan mo na yan. Alam mo bang meron syang dream proposal nakwento nya sa kaibigan nya yun dati narinig ko. Haha!!

Echo: talaga? Ano ba yun?

Malakas: medyo kakaiba nga lang talaga ang gusto nya.

Echo: sige ayos lang yun gagawin ko lahat para sa ate mo.

Malakas: ang gusto daw kasi nya yung dadalhin sya sa isang magandang lugar, yung bihira daw mapuntahan ng mga tao, mahilig kasi sya sa nature eh. Kaya gusto nya yung mga tourist spot pero hindi pa masyado dinudumog ng tao. Kaya mo bang magresearch dun?

Echo: naku mukhang mapapalaban nga ako  ng pagreresearch dyan ahh.. Hahaha!! Kakaiba nga yung gusto ng ate mo.. Salamat nagka idea na ko kahit papano.

Malakas: goodluck ha. Sana makahanap ka nga ng lugar na yun.

--- nalalapit na😅😅

My BEKI Boyfriend (EDITING)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora