LA - Lambingan😍

326 9 0
                                        

Chapter 36

After that incident nakulong si ethan dahil sa patung patong na kasong libel,physical injury at threat, binigyan din sya ng restraining order upang hindi na makalapit pa kay echo dahil na din sa pagbabanta nito sa kanya.
Pinalitan nadin sya sa show at pinagpatuloy nila ito kasama parin si echo.

Echo: direk,  salamat po ha at tinanggap nyo parin ako dito kahit na naging cause of delay ako sa show. Thank you so much po talaga.

Direk: okay lang yun echo. You’re a victim here hindi mo kailangan humingi ng tawad. Hindi mo naman kasalanan ang nangyari. There’s just some greedy guy na gusto ka siraan and he already learned his lessons kaya just do your job nalang ha.( he smiled)

Echo: thank you po ulit.

Andrea: ui, buti hindi ka inalis dito. Naku yan si direk, bihira ang artistang nagugustuhan nya. Kaya ang swerte mo girl.

Echo: talaga ba?? Feeling mo okay ang work ko sa kanya??

Andrea: oo naman, bet ka nun. He knows how to see a good person who has a unique talent like you.

Echo: ay, grabe naman ung pagkakasabi mo nung unique talent. Hehehe!! Kinilig ako dun girl. Mmmm Thank you ha..(he hugged andrea)

Andrea: totoo naman.

P.A: guys lunch break muna tayo.

Dahil break time pa, naisipan muna ni echo na lumabas saglit.
Paglabas nya ng studio.

Fans: si kuya!! Ayun na si kuya!! Kyaaaaahh!!

Echo:( nagulat sa sumalubong sa kanya) hulu!! Nakakagulat naman kayo bigla kayong nasulpot. Hahaha!! Kamusta na mga bebe ko??

Fans: yiiieeehh!! Kuya misshu!!

Echo: mishu too mwuaaah!!

Fan1: kuya, buti nakagawa kayo ng paraan para di kayo masira nung ethan na yon.

Fan2: oo nga po kuya. Naku nanggigigil po talaga kami dun.

Echo: oo nga ehh.. Pero tama na yan. Hayaan nalang natin sya. Walang mangaaway ha.

Fans: yes kuya!!

Fan3: kuya kamusta ka po ngayon?

Echo: okay naman ako bebe, lagi naman akong okay.

Fan4: yieeeh!! Edi back to work ka na po.
Namimiss ka na namin mapanuod eh.

Echo: mapapanuod nyo narin ako.(tumingin sa watch) mga bebe mag ta- time na kami.. Nagbreak time lang eh, balik na ko sa loob. Mamaya bonding tayo ha..babye.(he hugged them one by one)
Labyu!! (Then he left)

After the taping agad pinuntahan ni echo ang mga fans nyang naghihintay sa kanya at agad nyang pinagbigyan lahat.
Kahit pagod na ay hindi nya ito ininda dahil sa natutuwa syang nakikitang may mga sumusuporta parin sa kanya sa kabila ng mga issues na pinagdaanan nya.

Pag uwi nya sa bahay, hinarap naman nya ang kanyang anak. Na miss na miss na nyang simula nung pinaalis sya ni malaya sa kanila. Kaya ngayon ay sinusulit na nya ang mga oras na hindi sila magkasama. Nawala agad ang pagod nya nang masilayan ang ngiti ng anak. Nakipaglaro muna sya dito, sya rin ang nagpakain at nagpatulog.

Malaya: nakatulog na ba si baby??

Echo: (humikab) oo, nakaidlip nga din ako dun eh..hehehe..

Malaya: bakit di ka pa matulog? Pagod na pagod ka na bebe ko eh.

Echo: okay lang naman ako. Namiss ko lang talaga si layrric. Ay may ikekwento pala ako sayo mahal.

Malaya: ano yun?

Echo: (tumabi kay malaya at humiga sa hita ni malaya) Alam mo ba nagulat ako kanina kasi pag labas ko ng studio ang daming fans na nagaabang pala sakin. Hindi ko ineexpect yun. Dumadami na ulit sila.

Malaya: talaga ba mahal?(habang hinihimas ang buhok ni echo) nakakatuwa naman yun ibig sabihin dumadami na ulit ang naniniwala sa kakayahan mo, ipagpatuloy mo lang yang ginagawa mo mahala at darating din yung time na babalik silang lahat sayo.

Echo: oo nga mahal ehh..(hikab) lalo akong sinisipag sa lahat ng mga gagawin ko. Sana tuloy tuloy na ito noh. Dito talaga ako masaya eh.

Malaya: basta nandito lang naman kami para suportahan ka, wag kang mawawalan ng pag asa ha. Madami nagmamahal sayo. I love you.

Echo:(hindi sumagot)

Malaya: mahal? Tulog ka na ba?(sinilip si echo. Napangiti na lamang sya nang makitang mahimbing na itong natutulog)
Haay mahal ko, ang cute mo habang natutulog. Mana talaga sayo ang anak natin eh.. ( hinalikan nya ito sa ulo)
Tulog ng mahimbing mahal ko.(kinuha nya ang isang unan sa kanyang tabi at inilagay sa ulo nito.

Echo:(hinawakan ang kamay ni malaya at hinila nya ito pahiga tsaka niyakap) mahal dito ka lang. Namiss kita sobra.(humigpit lalo ang yakap nya dito at isinubsob ang ulo sa leeg ni malaya)

Malaya: baka malaglag naman tayo dito mahal. Hehehe!! Ang sweet mo ha.

Echo: (habang nakasubsob parin aa leeg nya) hindi tayo malalaglag. Wag ka magalala. Sweet talaga ako. Hehe.Dito na muna tayo ha.(Sabay hinalikan ang leeg ni malaya)

Malaya: hala wag mo ko ikiss dyan..hehehe..

Echo: tinitigan si malaya, i love you bebe ko. Namiss kita ng sobra..( and then he kissed her passionately)

Echo: (after that kiss) mahal, wag mo na ko itataboy ha? Nasasaktan ako everytime na pinagtatabuyan mo ako.

Malaya: sorry na mahal. hindi ko sinasadya. Wag ka magalala hinding hindi na iyon mauulit. I promise. (At niyakap nya rin ito ng mahigpit)

Echo: salamat mahal ko.(at sumubsob ulit sa leeg ni malaya hanggang sa nakatulog na ito)

Malaya: (hinihimas nya ang buhok ni echo hanggang sa antukin na rin sya at makatulog.)

---next chapter upnext😊😊
Kinilig ako dun ng bonggang bongga😍😍

My BEKI Boyfriend (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon