May Boarder na makulit

401 9 0
                                        

Chapter 24

Kenneth: (pagkatapos magkita nina kenneth at echo ay agad nyang tinawagan si malaya) May masamang balita, nakita na ko ni echo sa manila kanina..
Wala na kong nagawa kundi sabihin ang totoo malaya, nakita nya kami magkasama ni lyka e akala nya niloloko kita kaya ayun sinapak nya ako. Sabi ko naman sayo na hindi maganda ang plano mong yan ehh..

Malaya: ha? Haay.. Ayos ka lang ba? Si lyka kamusta? Pasensya ka na kenneth ha. Pati na din kay lyka.. Nakakahiya sa kanya, siguro nga dapat ko nang harapin si echo at ipakilala ang anak nya. Luluwas na kami ng manila. Kailangan ko na syang kausapin. Pasensya na talaga kenneth ha.

Kenneth: huwag mo na sanang patagalin pa yan malaya. Karapatan nya rin malaman ang totoo.

Malaya: salamat ha.

Kenneth: wala yun..basta ayusin mo na ang buhay mo.

-After a month ay lumuwas na ng manila si malaya kasama ang anak nya.
Hindi parin nya alam kung papaano makikipag usap kay echo.

Malaya: hindi nya dapat malaman na manager nya ang nagpahiwalay samin siguradong malaking gulo iyon, malaya mag isip ka. Kailangan mong mag isip.
( napahinto sya sa naisip) alam ko nang gagawin ko.

- ilang araw pa ang lumipas at inaral na nya ang mga posibilidad na itanong at isasagot nya kapag nagkaharap na sila ni echo nang biglang..

(Tumunog ang doorbell at na estatwa sya sa nakita, si echo ang nakatayo ngayon sa harapan nya.)

Malaya: e- echo, pa,pa-paano mo nalamang nandito kami??(nauutal nyang sabi, sa pagbungad palang ni echo sa pinto ay hindi na nya malaman ang mararamdaman,gustong gusto nya itong yakapin at halikan sa sobrang pagkasabik nya sa mahal, gusto nya ring umiyak sa kanya at sabihin nalang ang lahat. Halos hindi na nya marinig ang kanyang sinasabi sa sobrang bilis ng tibok ng kanyang puso)

Echo: pwdeng sa loob nalang tayo mag usap?? Baka kasi may makakita pa satin ehh..( hindi na nya hinintay na sumagot si malaya, agad na syang pumasok at naupo sa sofa. Hinanap agad ng mata nya ang bata pero hindi nya nakita.) Nasan si layrric??

Malaya: ha? Ahh.. Nandun sa taas natutulog pa kasi.

Echo: pwde ko ba syang puntahan??
(Hindi nya ulit hinintay ang sagot ni malaya at nagderetso na sa hagdan upang puntahan ang anak na kinasasabikan na nya) Hi baby ko..(hinimas nya ang ulo nito at hinalikan sa noo) ako nga pala ang daddy mo, huwag ka sana magalit sakin kung wala ako sa tabi mo nung lumabas ka, wag ka magalala baby simula ngayon lagi na tayo magsasama, maglalaro tayo, magkukulitan,sabay kakain.( napasinghot sya dahil lumuluha na sya sa harap nito)
Pasensya na rin kung medyo malambot ang daddy mo, paglaki mo tska ko nalang ipapaliwanag sayo ha. Sa ngayon i enjoy muna natin to.(pinunasan nya ang mukhang nabasa na sa luha. Nilingon nya si malaya na may luha na din sa mga mata) explain.

Malaya: ( para syang nabato sa biglaang pagsasalita ni echo, na ang lahat ng kanyang sinaulo ay lumipad sa kawalan. Hindi nya mahagilap ang mga salitang dapat nyang sabihin dito. Kinabahan syang bigla at ni hindi nya matignan sa mata ang ama ng kanyang anak.) Ha??

Echo: i said explain.(malamig na sabi nya. Kailangan nyang pigilan ang damdamin kahit kanina nya pa gustong gustong hagkan ang minamahal.)

Malaya: dun na tayo sa baba magusap pwde?? Baka kasi magising si layrric ehh.
(Kinakabahan parin nyang turan)

Echo:(walang anu-anong lumabas sya ng silid, nilampasan si malaya at bumaba sya agad ng hagdan)

Sumunod na lamang si malaya sa kanya.

Echo: andito na tayo sa baba. Umpisahan mo nang magsalita.

Malaya: ganito kasi ang nangyari.(Hinahanap parin nya ang mga salitang hinangin sa utak nya)  Nung, nung araw na hindi ako nagparamdam sayo.

Echo: correction, 6weeks and 4 days kang walang paramdam.(Paglilinaw nya dito)

Malaya: ahh , ayun nga sa 6 weeks na yun..doon ko palang nalaman na buntis na pala ako. Hindi ko alam ang gagawin ko, natakot akong baka hindi natin mapanindigan kung anuman ang darating. Lalo ka na kasi celebrity ka na, ano nalang ang mangyayari sa career mo kung biglaang malalaman ng mga tao na magiging tatay ka na.. Ibabash ka nila, baka kung ano pang sabihin nila tungkol sayo. Ayokong mawala sayo ang matagal mo nang pangarap. Alam kong gustong gusto mo maabot ang kung anong meron ka ngayon. Kaya nagdecide akong iwan ka nalang. Para naman hindi kami maging dahilan ng pagbagsak mo.

Echo: dahil doon?? Dahil lang doon malaya?? Tsk!! Bakit ikaw lang ang nagdecide?? bakit di mo sinabi sakin? Di mo man lang sinubukan kung anong magiging reaksyon ko? Sa tingin mo ba na hindi ko kayang panindigan ka??  Wala ka bang tiwala sa kakayanan ko?? Ano dahil ba sa bakla ako?? Sa tingin mo igigive up ko ang pagiging ama kay layrric nang dahil sa pagiging celebrity?? Ang babaw naman pala ng pagtingin mo sa pagkatao ko malaya. Hindi mo man lang kinonsider na baka matanggap ko, na baka matuwa pa ko o baka pakasalan na agad kita bago pa lumabas ang baby natin sa sobrang excited. Alam mo ang selfish mo. Napaka selfish mo. Hindi mo alam kung ano-anong pinagdaanan ko pagkatapos mo akong iwan.. Muntikan na kong magpakamatay tapos malalaman ko na may anak pala tayo. Alam mo pasalamat talaga ako sa mga kaibigan ko na hindi nagsawa sakin at hindi ako pinabayaan katulad ng ginawa mo. Kasi kung hinayaan lang nila ko, baka hindi ko na nalaman na may anak pala tayo.
Kung hindi ko ba nalaman ang totoo aaminin mo parin ba sakin na may anak tayo??

Malaya:( hindi na nya napigilan ang pagluha, alam nyang tama din ang mga sinabi ni echo at hindi nya matanggap na ang desisyon nyang lumayo ang magiging dahilan kung bakit sila ganito ngayon. pero hindi parin nya pwdeng sabihin ang buong katotohanan. Mas gugustuhin nyang sa kanya nalang magalit si echo kesa naman kalabanin nito ang humahawak sa career nya.) Sasabihin ko naman sayo, pero..

Echo: pero ano?? Pero ano malaya?? natatakot ka parin? Bakit kailangan mong matakot? Diba ikaw ang may gusto nyan? Dapat alam mo ang magiging consequences ng mga ginawa mo, handa ka sa lahat ng mga sasabihin ko.

Malaya: sorry..(mahina at halos pabulong nalang na sabi ni malaya ni hindi na sya makakita sa sobrang dami ng luhang naguunahang pumatak sa kanyang mga mata)

Echo: ( ngumisi) sorry? Syempre sorry nalang ang masasabi mo ngayon. Ano pa bang aasahan ko diba?  Wala na andyan na yan ehh.. May magagawa pa ba ang sorry mo?? Buti pala nalaman ko ng mas maaga na may anak tayo atleast pwde pa kong magpaka ama sa kanya. Siguro naman hindi mo na ako pagbabawalan??

Malaya: ( hindi na makasagot kaya tumango na lamang sya)

Echo:( lumabas at may kinuha sa kotse)

Malaya: ano yan??

Echo: bulag ka ba?? Maleta yan, maleta.. Lagayan ng mga damit day. Simula ngayon dito na ko titira.

Malaya: ha? Hindi pwde.

Echo: hindi naman ako nagpapaalam sayo. Sinasabi ko lang sayo na dito na ko para makasama ko ang anak ko. Wag mo nang isipin na tumanggi dahil kahit ayaw mo hindi ako aalis dito.

--evil grin..
Eto na po..😁😁

My BEKI Boyfriend (EDITING)Where stories live. Discover now