Love Between Passion and Calmness

2.3K 103 75
                                    

Chapter 7

MARRON

"So, I heard you have a new boyfriend." Mapanukso ang ngiti na ibinigay ni Snow sa akin. "Baka naman gusto mo'ng magkuwento."

Pinili ko na tumawa na lang sa pang-aasar n'ya. Humalik ako sa pisngi n'ya at umupo na sa bakanteng upuan sa mesa nila. 

Nandito ako ngayon sa Sweet Tooth's para bisitahin si Calix at nagkataon na dito din nagpapalipas ng oras ang mga kaibigan ko. Imbes na puntahan si Calix sa opisina ay lumapit na lang ako sa lamesa nila Snow nang kawayan ako ni Shane. 

Nginitian ko sila Snow, Shane, Drizzle at Selene. "Hi! Na-miss ko kayo a!" Medyo humalakhak ako. Iniangat ko ang kamay ko para magtawag ng waiter. 

"Tagal mo din sa Cebu, 'no?" Shane smiled sweetly. "Medyo umitim ka, girl."

"Normal naman sa site, Shane." 

"No kaya!" Selene butted in. "Tiana has been on site. Hindi naman s'ya nangitim. Namula lang s'ya nang onti but hindi nangitim." Nakataas ang kilay na sabi n'ya. 

"You know Tiana. She got her beauty regimen." Snow rolled her eyes. "Anyway!" She excitedly continued. "Who's that hand you're holding on your IG post?" Tila kinikilig na inintriga n'ya ako. 

Napangisi ako at nagkibit-balikat. 

"Sino nga?" Sundot ni Shane sa tagiliran ko. 

Napahagikgik ako at inilabas ang cellphone ko. I showed them Frig's picture. I took that while we're on the peak of Cebu. Stolen shot habang ninanamnam n'ya ang ganda ng sunrise. 

"Gwapo!" Tili ni Shane. 

I saw how Selene rolled her eyes then sipped on her frappe. 

"What's his name? Let's check his IG!" Excited na sabi ni Snow. 

I snatched my phone from Shane. I went to Frig's profile. Ibinalik ko 'yon sa kanila at nagtabi-tabi na silang tatlo para maki-chismis. 

"Naka-private yata ang profile n'ya." Sabi ko at ibinaling na ang pansin sa waiter para ibigay ang order ko. Na-miss ko din kasi ang recipe ni Tita Maine. 

"He seems like a good man. And he's a doctor!" Snow giggled. "Nice one, Marron." 

Nahihiyang ngumiti ako. "Volunteer din s'ya sa HHF."

"Ano'ng klaseng doctor s'ya?" Shane asked. 

"General physician." Sagot ko. 

Nagpatuloy sila sa pagtatanong tungkol kay Frigate, at sinasagot ko naman kapag kaya ko. Panay din ang comment nila sa mga posts ni Frigate. 

Nang makita ako ni Calix ay agad n'ya akong niyakap nang mahigpit. Hindi naman nagtagal ay nagpaalam na sila Snow na aalis na. 

"Saan ka pupunta?" Cal asked his cousin. 

"Somewhere." Selene shrugged then sashayed her way out. 

"Bitch." Cal commented. 

Natawa na lang ako. "Badtrip yata s'ya sa akin?" 

Calix smirked. "Marron, you broke the heart of the Amante's golden boy. Lahat yata ng Amante galit sa'yo."

I made face. "Buti na lang ampon ka. Talix.

"Ulul!" Calix ruffled my hair. "Just kidding. We're the ones who broke your hearts." 

Umakbay ako kay Calix. "Once upon a time na 'yon." 

"Oo nga naman. May bagong nabiktima na nga pala ang kamandag mo." 

Siniko ko si Calix at inirapan. 

After AllWhere stories live. Discover now