End of it All

2.8K 136 34
                                    

Chapter 17
Marron

Tonight is my engagement party. I am feeling nervous.

"Marron, okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Ate Casey nang pasukin n'ya ako sa silid ko.

Nilingon ko s'ya at pilit akong tumango. "Medyo kabado lang ako."

Truth is, I don't know if this is really what I want. Hindi pa 'to kasal, pero ganito na ako.

'No, Marron, you know what you want. You just can't let go of that guilt.'

Yes. I can't hurt Frigate. Hindi kaya ng konsensya ko.

"You look so beautiful tonight." Ate Casey gently smiled at me. Inayos n'ya ang diamond necklace ko at hinaplos ang braso ko. "H'wag kang kabahan."

Nang mag-debut ako ay nasa ospital si Tita Maine kaya hindi namin magawang mag-celebrate. Simpleng dinner lang ang ginawa namin noon. I was not on the mood to party when I graduated kaya wala ding ganito. Nang pumasa ako sa board exam, second take ko na kaya ayoko din ng party. Kung maghahanda man para sa birthday ko, palaging sa bar o kung saan man. Ngayon lang ako magkakaroon ng party na ganitong kagara at dito sa mansyon gagawin.

I pouted. "This is the first time that a party this grand is for me. Saka isa ako sa pinakatahimik na Vergara. Ngayon lang din malalaman ng lahat ang tungkol sa amin ni Frig. Tapos engagement agad."

Mahinhin na humagikgik si Ate Casey. "Hindi ka kasi sumasama sa mga social events. Hindi tuloy naipapakilala si Frigate na boyfriend mo. Pero okay lang, Marron. People were always drawn in mysteries. And Frigate is someone you can be proud of. Hold your chin up high. You're beautiful and this party is for you."

I smiled back at my cousin. She's really a charmer. Parang minsan ang hirap maniwala na anak s'ya ni Tita Courtney at ni Tito Nexiel. Parang mas bagay silang magkapatid ni Nixon kaysa sa kapatid n'ya si Elai. Parang mas si Castiel pa ang anak ni Tita Courtney.

"Kanino ka kaya nagmana?" Wala sa sarili na tanong ko kay Ate Casey.

"Sabi nila, kaugali ko daw si Lola Nat." She proudly said.

I giggled. "Baka ampon ka."

Umirap s'ya. "Baka nga. Ako lang kasi ang mabait na Vergara sa generation natin."

Wala namang kontra doon. Malayo si Kuya sa pagiging mabait. Si Ram ay tahimik pero may kamandag. Si Candice, naglayas. Si Artamiel, malakas ang topak. Si Eladriel, may isang gallon na dugo ni Satanas. Si Nixon, parang matandang binata sa kasungitan. Si Kuya Nexus, daig pa ang kunehong in heat n'ong binata s'ya. Ako, alam ko na hindi ako mabait.

Sinamahan ako ni Ate Casey sa kwarto at dinaldal ako hanggang sa mawala na ang isip ko sa kaba ko. Lumabas lang kami ng silid ko nang may kumatok na kasambahay sa pinto ko at sinabi na dumating na si Frigate kasama ang pamilya n'ya.

"Your prince is there." Ate Casey grinned at me.

I smiled then we left my room. Ilang hakbang pa lang paglabas ng silid ko ay nakasalubong namin si Trey. Nag-aalalang binalingan ako ni Ate Casey. I acted casually.

I can feel my heart skipping some beats. He still have his effects on me. I haven't seen him in months. He changed. I can see how indifferent he is now.

After AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon