Old Spanish Style

2.5K 127 30
                                    


Chapter 22


MARRON


"I like this one." Tita Courtney pointed at the five-layer cake. 

"Maganda nga." Nanay commented. 

Nandito kami ngayon sa hardin ng mansyon kasama si Cielo, ang wedding organizer na kinuha ni Trey. Sinumulan nang pag-usapan ang mga detalye tungkol sa reception. Kulang na sa tatlong buwan bago ang magiging kasal namin ni Trey kaya kailangan nang ma-finalize ang mga detalye. 

Mula sa tinitignang catalog ay napaangat ang tingin ko sa palapit na si Kaia. Kumunot ang noo ko dahil si Trey dapat ang darating ngayon. 

"Good morning." Panimulang bati ng pormal na pormal na si Kaia. "Sir Trey is on an important meeting with Sir Terrence. He's sorry he can't make it."

Taas na taas ang kilay ni Tita Courtney. "Mas mahalaga kaysa sa kasal n'ya?"

Kaia smiled a little. "They're signing transfer of authority, Madam. Sir Trey asked for six months off from AGC. He's preparing the companies for the half year leave he wants to spend with his wife-to-be." 

I giggled a little. Napag-usapan na namin ni Trey ang tungkol sa bagay na iyon habang nasa isla kami. Sinabi naman n'ya na madami s'yang kailangang ayusin bago iwan pansamantala ang AGC at MA. Pinakiusapan n'ya na daw muna si Tito Tee para hawakan panamantala ang mga kumpanya. 

"Mabuti naman kung gan'on." Nakairap na sabi ni Tita Courtney. 

"Have a seat, Kaia." Nanay invited.

Kaia bowed a little then took the seat beside me. She handed me a gold envelope. "That's an invitation for a party, miss Marron. Sir Trey wished to know if you would like to attend that." 

I opened the gold envelope and discovered that the party will be held at Hawaii. It's for a golden anniversary of a couple. 

"Pag-iisipan ko pa." Sagot ko kay Kaia matapos suriin ang nakasulat. "Beach na naman. Baka naman sunog na sunog na kami ni Trey bago ang kasal." Natatawang dagdag ko. 

Panay ang sermon sa akin nila Nanay na malaki ang iniitim ko. Tatlong araw ba naman kasi kami ni Trey doon sa isla at walang sunblock o ano na panlaban sa araw. At bago pa 'yon, sa site ang trabaho ko kaya hindi na nakapagtataka ang kulay ng balat ko. 

"I can arrange a meeting with a dermatologist for you." Kaia suggested.

"That's great!" Tita Courtney agreed. "Mukhang ulikba na 'yang ikakasal na 'yan." 

Natatawang napailing na lang ako. 

Cielo cleared her throat kaya sumeryoso kami. 

"As I was saying, gusto ko na doon kami ikasal sa Masbate. Sa parehong simbahan kung saan ikinasal sila Nanay at Tatay." Panimula ko. Noong sixteen ako, nangako si Trey sa akin na pakakasalan n'ya ako doon. 

"I'll visit the church so that I can prepare few options for the flower arrangements." Cielo said in a formal tone.

"No need, hija. We can ask the local for that. Sigurado ako na mas matutuwa ang buong simbahan at more than willing pa sila na tumulong para sa paghahanda sa kasal." Nanay smiled warmly. 

Pinag-usapan na ang lahat ng detalye. Wala nang aalalahanin para sa simbahan dahil si Nanay at ang parokya na ang bahala doon. Sa hacienda gaganapin ang receptiona at iyon na lang kailangang asikasuhin ni Cielo at ang mga isusuot ng buong entourage. 

After AllWhere stories live. Discover now