Closure isn't What I Need

2.4K 120 20
                                    

Hi! Sorry sa matagal na paghihintay sa update na 'to. Susubukan ko pong bumawi :) 


Chapter 14

TREY

"Hey," I gently called Marron. I smiled at her then motioned her the foods in the table. "Kumain ka na."

Hindi ko na napigilang matawa nang umirap s'ya at padabog na dinampot ang kutsara at tinidor n'ya. Kanina pa nanghahaba ang nguso n'ya at lukot ang mukha n'ya. 

Akmang isasawsaw na n'ya ang kutsara sa mainit na sabaw nang pigilin ko s'ya at kinuha ang kutsara n'ya para punasan na muna ng tissue. Dito lang kasi kami sa isang karinderya kakain dahil masarap ang bulalo dito. Akma sa malamig na panahon. 

"H'wag ka naman sumimangot sa harap nitong bulalo. Sinadya pa natin 'to." Nakangising sabi ko nang ibalik ko na sa kanya ang kutsara at tinidor n'ya. 

"Thanks." Nawala ang simangot ni Marron nang humigop s'ya ng sabaw. "The best talaga 'to!"

Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan ang nakangiting mukha ni Marron. Mahal na mahal ko pa din. 

Nang makarating kami sa resort ay wala kaming naabutang kahit na ano o kahit na sino. Nang subukan naming tawagan si Casey ay hindi na s'ya ma-contact. Kahit ang iba ay hindi na matawagan. 

"Ilang taon na din akong hindi nakapunta dito. Pero the best pa din ang bulalo dito!" Maligayang sabi ni Marron. Kahit gaano pa kasira ang araw n'ya, kapag binigyan mo ng pagkaing gusto n'ya, nagiging maayos talaga ang mahal ko. Nakakatuwa na hindi nagbago 'yon. She's still humble, simple minded and she appreciates every little things in this world. 

Sobrang swerte ni Frigate sa kanya. At sobrang tanga ko na nawala sa akin ang babae na 'to. 

"I was here last month. Kasama ko si Darco." Kuwento ko sa kanya. 

"Si Dara na ba talaga at 'yong kapatid ni Kit?" Marron asked in a curios tone. 

I shrugged my shoulders. "Dara is always with Colt. She's sweet and touchy with him."

"Naging si Dara at Darco ba? Ang alam ko kasi nang-aasar lang si Dara noon. Parang nagloloko-loko s'ya." 

"They're not official, but I know that Dara's in love with Darco. And the dude broke her." I sighed. 

Marron frowned. "Talaga? Hindi mo sinabi sa akin dati!" 

I chuckled. "Hindi ko alam na tsismosa ka."

Marron pouted then threw me a crumpled tissue paper. I laughed then pinched her cute nose. 

"Darco's unsure of Dara's feelings. Ayaw n'ya din maniwala na mahal s'ya ni Dara kasi sa palagay n'ya pinaglalaruan lang s'ya. So, he left. And when he came back, circumstances were against them that he had to leave again. And when he came back again, Dara's already with somebody else. And the guy she's with is treating her right." I sighed at the end. 

"Parang bagay nga si Dara sa bago n'ya. Darco is too uptight for her." 

"Darco is my friend, but I must admit that Dara's happy with Colt. She's better with the man and she's laughing freely with him." 

Tumango lang si Marron at kumain na ulot kami. 'Di naman kasi kami sanay na nag-uusap tungkol sa buhay ng iba. Madalas kasi noon, puro kami lang ang topic namin. Mahal namin ang isa't isa at gusto namin na tumanda nang magkasama. Ngayon, ako na lang ang may gusto ng gan'on.

"Trey, can I ask you something?" Marron asked after a while. 

I chuckled. "Nagtanong ka na nga e." 

After AllWhere stories live. Discover now