Parental Love

3K 131 8
                                    




Chapter 26


"Bakit hindi mo kasama ang asawa mo?" Tanong ni Nanay matapos isara ang pinto ng silid ko. Lumakad s'ya palapit sa akin.

"Nauna akong umuwi sa kanya dahil hindi pa tapos si Cielo sa ibang details ng kasal, 'Nay. Kailangan na nandoon si Trey para ma-check ang mga bagay-bagay. At may importanteng hinahanda pa s'ya dahil tatlong buwan kaming mawawala para sa honeymoon." Walang gana na sagot ko.

"May problema ba anak?" Nag-aalalang tanong ni Nanay at hinaplos ang buhok ko.

I tried to smile. "Wala po."

"Alam ko na hindi, anak. May problema ba kayong mag-asawa?"

Umiling ako at mas sinubukan pa na ngumiti.

Nanay sighed. "Nanay n'yo ako, pero pakiramdam ko ay hindi ko kayang pumasok sa puso n'yo nang tuluyan." Madamdaming hayag ni Nanay. "Parepareho kayong magkakapatid. Hindi n'yo ako kayang pagkatiwalaan ng saloobin n'yo. Pakiramdam ko ay hindi ako naging mabuting ina."

Natatarantang niyakap ko si Nanay. Tuluyan na s'yang umiyak. Para akong nasuntok dahil sa iyak n'ya.

"Ang kuya mo, mas naging malapit pa kay Maine at Courtney. Si Marjoram, hindi nagsasabi sa akin ng saloobin n'ya. At si Candice..." Humagulgol na si Nanay. "Wala nang mas sasakit pa sa pag-iwan ng kapatid mo, Marron."

Parang pinipiga ang puso ko. Palaging malambing at maunawain si Nanay. Hindi ko alam na ganito pala kabigat ang mga bagay para sa kanya. Hindi ko alam na may mga ganito palang pagkakataon na bumibigay s'ya.

"Napaka-walang kuwenta kong ina. Wala akong nagagawa para protektahan ang mga anak ko. Ang sakit na hindi ako ang unang lalapitan ng mga anak ko kapag may dinaramdam at problema kayo. Pakiramdam ko ay kulang ang naibigay ko na pagmamahal sa inyo kaya hindi n'yo magawang magtiwala sa akin."

"Hindi po gan'on, 'Nay!" Maagap na sabi ko at mas yumakap pa sa kanya. "Kahit ilang ulit akong ipanganak, kayo po ang gugustuhin ko na maging nanay." Naiyak na din ako. "Kami po ang selfish. Panay sarili iniisip namin. Kahit kailan ay hindi kayo nagkulang ni Tatay. Ibinigay n'yo po ang lahat ng kailangan namin at higit pa. Hinayaan n'yo kami na mag-explore. You let us live our lives to the fullest and never you did try to hold us back. You taught us how to choose what can make us happy and know how to deal with the consequences. You always give us courage in life and to take a leap in what we believe in, because the world will turn its back on us, but we always have you and Tatay in our back. You let us decide for ourselves and chase what can make us happy, with the assurance that no matter what happen, we can always come home to you. Because of you, we can face the world confidently because no matter how poor our decisions can be, or how much failure we make, there's someone who can accept our flaws and see the beauty in us." I sobbed. "You're the best parents Nanay. Wala po akong pagkukulang. We are the ungrateful and selfish. You valued us so much kaya ang taas ng tingin namin sa sarili namin. Madalas nakakalimutan namin ang nararamdaman n'yo ni Tatay. You loved us unconditionally and we took that love for granted."

It took a while before Nanay calmed down.

"I'm sorry, anak. I'm being too emotional because I miss your sister so much. Pati ang Tatay mo. I can't count how many nights your Tatay has been crying himself to sleep." Nanay gave me her usual warm smile. "Tumatanda na din kasi kami."

As I look at the wrinkles on the corner of my mother's eyes, I realized how ungrateful I am. Lahat kaming magkakapatid.

All of us chose to left them here. Si Kuya, ako, at lalo si Candice. Si Ram, kung hindi pa nagka-anak ay duda ako na mananatili 'yon dito sa hacienda.

Umuuwi kami kapag malungkot kami o kung may problema. Bumabalik kami kapag gusto naming takasan ang pinili naming buhay. Bilang lang ang pagkakataon na umuuwi kami dahil miss namin sila. Mas madalas ang kapag may kailangan kami. Minsan kung tatawag sila, nagmamadali pa kami na tapusin iyon dahil abala kami. Nawawala sa isip namin na nalulungkot din sila dito.

Nakakalimutan namin kung minsan ang sakripisyo nila para sa amin. Alam ko naman na kung sila ang pipili ay hindi nila gusto na umalis kami dito. Kung pwede ay itatali nila kami dito sa hacienda. Pero hindi iyon ang ginawa nila. Hinayaan nila kami na gumawa ng mga desisyon at sinuportahan kami sa lahat ng bagay.

"I am disappointed." I started. I decided to open up with my mother. "I know that Trey and I agreed not to have a baby for now and just enjoy ourselves and rediscover each other. But when I thought that we accidentally got pregnant, I got my hopes up. I got excited and really thrilled. Kaya kanina po nag-test ako. And it turned out negative."

I know I am being silly.

Nanay rubbed my back. "If it's for you, it will be yours. Parang si Trey lang. Dahil para talaga s'ya sa'yo, sa huli ay kayo po din." She held my cheeks then made me look at her. "The baby will come at the perfect time, Marron. For now, enjoy the moment and live with what you have."

I nodded.

Na-disappoint lang naman ako dahil nag-expect na ako. Lately kasi ay napuna ni Trey na medyo nagiging matakaw ako at needy. Nabiro n'ya pa nga ako na kung hindi s'ya bumubunot ay iisipin n'ya na naglilihi na ako.

Hindi din alam kung saan galing ang kagustuhan ko na magbuntis na. Samantalang ako naman ang nagsabi kay Trey na huwag na muna.


I spent four days at Hacienda Vergara. Hindi nagawang sumunod ng asawa ko dahil sa mga kailangan n'yang gawin sa MA. Ayos lang naman sa akin dahil kaya ko naman ang mga kailangang asikasuhin dito. Mas kailangan s'ya doon.

With the kind of life Trey is living, kailangan ko nang masanay sa mga ganitong pangyayari. I have to adjust with his responsibilities. I have to be more considerate and understanding. We have to compromise to make us work.

Somewhat 'yong pag-uusap namin ni Nanay noong isang araw ay nagpamulat sa mga mata ko. Sometimes, expressing our love demands sacrifices. I have to understand my husband the way my parents understood and supported our decision to leave their sides.

"I'm sorry I didn't make it." Trey said with regret. He picked me up at the airport.

"Okay lang, Love. Kumusta ang MA?" I smiled after our brief kiss.

Trey sighed. He looked tired and sleepless. "It's coping up. Hindi makabalik sila Tito Carlos dahil sa lagay ng panahon d'on. It's not safe to travel."

"Okay naman na sa hacienda, Love. We can stay here a little longer. Puwede naman na two days before the wedding ba tayo umuwi."

"Another thing, Love. I have to meet investors this coming week. They demanded to have me personally. They declined the business proposal Carrack made. They reasoned that they're investing in AGC because of me, so it's me who they want to present the proposal."

"Ilang araw?"

"Four days, Love. I'll be on Boston then on Dubai."

"Sama na lang sana ako sa'yo kaso may kailangan akong i-turnover sa dati kong trabaho." I sighed.

"Sorry, Love." Nahihiyang sabi ni Trey.

I pinched his nose. "It's alright. Magiging busy din naman ako. Inuungutan ako nila Snow ng bachelorette's party."

Tumaas ang kilay ni Trey. "You're already my wife."

I giggled. "You're never a wet blanket."

Trey rolled his eyes then chuckled. He pulled me more on him. "Yeah. I'm leaving Caspian and Orlon with you anyway."

I hugged him more. This is what we lacked in the past. Being open with one another.

_________________
02 November 2019

After AllWhere stories live. Discover now