Chicken Noodle Soup

2.3K 109 30
                                    

Chapter 19

TREY

"Kuya, are you sure it's fine?" Selene asked in a worried tone. "What if she gets back with the doctor?"

I ruffled my cousin's hair. Selene slapped my hand then worriedly fixed her hair.

"Nakakainis ka! I'm worried about you na nga e!" Selene hissed then walked out.

I leaned my back on my chair.

Marron is going to talk to Frigate. I don't like that but I don't have a choice. I have to let her do her things. Kung para sa akin s'ya, babalik s'ya sa akin. I did what I can. Ang magagawa ko na lang naman ngayon ay ang maghintay at umasa.

Mas pinili ko na lang na magtrabaho kaysa ang pakaisipin pa kung ano ang ginagawa ni Marron sa ngayon. Baka magkasama na sila. Baka sinusubukan nang ayusin ni Frigate ang relasyon nila. Baka si Frigate na naman ang piliin ni Marron.

Sa totoo lang ay sumusuko na ako kay Marron. Kung ako talaga ang mahal n'ya, hindi ko naman dapat ipinagsisiksikan ang sarili ko sa kanya. Hindi ko dapat iginigiit sa kanya ang pagmamahal n'ya. Baka nagkamali lang ako. Baka talagang mahal na ni Marron si Frigate. Baka niloloko at pinapaasa ko nalang ang sarili ko.

When I asked her to marry me, that was my last move. Kung hindi n'ya pa din ako pipiliin, titigil na ako.


MARRON

Frigate keep on declining my calls. Noong isang araw ko pa s'ya sinusubukang tawagan.

Alam ko na sa sarili ko kung ano ang desisyon ko. Alam na ng puso ko kung sino ang pipiliin ko. Gusto ko lang na bago kami magsimula muli ni Trey, maayos ang sa amin ni Frigate. Gusto ko na wala nang gulo at wala nang kailangan pang balikan.

Kung ako ang masusunod,  ayoko na magpakasal na kami agad ni Trey. Gusto ko sana na ayusin na muna namin. Gusto ko na kilalanin na muna namin ulit ang isa't isa, na maging kumportable na muna ulit kami sa isa't isa. Pero hindi ko na igigiit ang gusto ko na iyon dahil alam kona masyado ko nang nasaktan si Trey. Mas gusto ko na lang na ibigay na ang assurance na hinihingi n'ya. Puwede naman kaming mag-adjust kapag mag-asawa na kami.

"Nasaan ka na ba?" Iritang tanong ko kay Calix. May usapan kami na sasamahan n'ya ako ngayon. Kanina ko pa s'ya tinatawagan pero hindi naman sumasagot ang loko.

"Nueve, may emergency dito sa shop. May nag-claim kasi na nagtae daw s'ya dahil sa cake namin. Kailangan kong agapan ang mga ganitong bagay. Pasensya na talaga." Nagmamadaling sagot ni Calix at tinapos na ang tawag.  

Napairap na lang ako. Wala na akong choice kundi ang lumakad mag-isa.

Sinubukan ko na puntahan si Frigate sa ospital pero sabi doon ay isang linggo na s'yang hindi nag-re-report. Hindi s'ya sumasagot sa mga tawag ko, at wala din sila sa bahay nila. Hindi ko na alam kung paano ko pa s'ya makakausap, maliban na lang dito sa condo unit n'ya.

I took a deep breath before I gathered my will to raised from my seat, and left the coffee shop just in front of the tower where Frigate might be in. I am feeling nervous while riding the lift to his floor. What if magmakaawa si Frigate sa akin? Masasaktan ko lang s'ya.

H'wag na lang kaya akong tumuloy?  Pero kailangan ko na ayusin ang sa amin ni Frigate para maayos ang maging simula namin ni Trey.

Siguro alam na din ni Frigate ang desisyon ko? Tama. Hindi na s'ya aasa na maaayos kami, kaya hindi n'ya sinubukan na makausap ako. Ako lang ang may kailangan ng closure dito. Dahil deserve ni Trey na maayos ang lahat bago kami magpakasal. Para mapayapa naman kaming dalawa at walang alalahanin bago kami mamuhay bilang mag-asawa.

After AllWhere stories live. Discover now