NINETEEN

52 4 2
                                    

Brian Park

Nasa arcade na kaming tatlo. Nag-eenjoy si Beomgyu at si Jophiel sa paglalaro nila ng basketball habang ako naman... heto, nakabantay sa mga pinamili namin. Nakaupo lang ako sa isang sulok. Buti nalang may upuan dito.

Namiss kong kasama si Jo. It's been a year. And I regret what I did. I left her. I'm such a stupid jerk. Ang totoo talaga niyan, mahal ko pa siya. Yes. Mahal ko pa si Jophiel. At nakakaramdam ako ng selos sa tuwing nakikita ko sila ni Timothy na masaya. Ang swerte ni Timothy. The reason why I left her ay hindi dahil sa hindi ko na siya mahal. I cheated on her. Jo have no idea how much I'm hurting. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Ako 'tong gago. Iniwan ko siya. Iniwan ko ang mahal ko. At ayoko naman masaktan si Timothy kapag ipipilit ko pa ang sarili ko kay Jo.

Tinignan ko muli silang dalawa ni Beomgyu na hindi pa din tapos sa paglalaro. Naisipan kong lumabas muna ng arcade at maghanap ng store na nagbebenta ng mga teddy bear. Hindi na ako nagpaalam sa kanila.

Nang mahanap ko ang store na yun ay agad naman akong pumasok. Agaw pansin ang malaking pink rabbit na stuff toy na nakadisplay. Agad ko naman iyong kinuha.

"Ay ser. Para po ba 'yan sa jowa ninyo?" Tanong ng isang staff saken.

Napangiti ako sa kanya at umiling. "Hindi ko po siya girlfriend. Pero mahal ko po siya."

"Ay naku, ser. May ganun po ba? Di mo girlfriend pero mahal mo? Aba! Marupok!" Sagot naman niya.

Natawa na lamang ako't itinanong sa kanya kung magkano ang stuff toy na iyon.

"999 pesos po, ser. Kunin niyo na po ba?"

I nodded at her at agad na ibinigay sa kanya ang stuff toy na iyon para maibalot na.

"Uh, miss. Pwede po ba iwan ko na muna yan dito? Ipapakuha ko nalang po yan sa kasama ko." Tanong ko kay ate.

"Ay, sige po ser. Itatabi ko na po ito muna."

"Salamat po." Sagot ko sa kanya.

Nang mabayaran ko na ang aking binili ay bumalik na ako sa arcade. Si Beomgyu lamang ang nakita ko doon kaya agad ko naman siyang tinanong kung asaan si Jophiel.

"Naghahanap ng CR." Sagot ni Beomgyu saken. "San ka ba nagpunta, hyung? At iniwan mo pa talaga yung mga pinamili natin dito hah."

Ipinatong ko ang aking braso sa balikat niya. "Pwede ba pumunta ka sa Blue Magic?"

Nagtataka naman siyang tumingin saken. "W-wae?"

"May binili kasi ako para kay Jo." Sagot ko naman sa kanya.

"Ano yun?"

"Aish, basta kunin mo nalang dun. Bayad na yun wag kang mag-alala." Sambit ko naman sa kanya. "Pag binigay mo yun sa kanya, sabihin mo ikaw ang bumili nun ah?" Dagdag ko.

"Yah! Bakit?" Tanong niya ulit sa akin.

I ruffled his hair. "Basta. Yun yung sabihin mo. Dali na! Kunin mo na habang di pa siya nakakabalik."

He stared at me while raising his eyebrow. "Ikaw hyung, hah." Sambit niya. "Mag-usap tayo mamaya." Seryosong sabi niya.

I hissed and shooed him away. "Dali na! Alis na!"

Agad naman siyang umalis. Maya-maya pa'y dumating na din si Jophiel.

"Oh, Brian-ssi. Where's Beomgyu?" She asked.

"I.. uh..." I stuttered. "Umalis. May bibilhin daw siya." Pagpapalusot ko sa kanya.

Tumango naman siya. "Eh ikaw? San ka galing?"

Best Part Of Me (BOOK 1) || Wattys 2019 (COMPLETED)Where stories live. Discover now