TWENTY FOUR

41 3 0
                                    

Athena Jophiel

Ilang araw nang hindi nagpaparamdam si Timothy. At ilang araw na din akong nag-aalala sa kanya. Kapag tinatanong ko naman kina Alex kung kasama nila ito, ang laging sagot sa akin ay 'hindi'.

Dahil sa pagkaburyo ko dito sa bahay ay naisipan kong umalis na muna. Kelangan ko muna maglibang. I went to the nearest coffee shop kung saan madalas ding tumatambay dito ang Bangtan.

As I entered at the coffee shop, I suddenly bumped into someone. He was looking down while holding a cup of coffee kaya kami nagkabangga.

"Mian--- oh, Brian!" Bulalas ko nang makita ang mukha ng nakabangga ko. Si Brian.

His eyes widened. "Oh, Jo-ssi."

I smiled at him. "Looks like nagmamadali ka, ah." Sambit ko sa kanya.

"U-uh... hindi naman. Sorry, muntikan ka pa matapunan ng dala kong kape." He uttered.

Umiling naman ako. "It's okay. Uh, alis ka na ba? Why don't we stay here for a minute or so?" Pag-aaya ko sa kanya.

Nanlaki ulit ang kanyang mga mata at napakagat sa labi niya. "U-uh... Sure. S-Sige. Maya-maya pa naman yung lakad k--- Yah! Beomgyu-ssi!" Bulalas niya nang makita si Beomgyu na kakapasok lang dito sa coffee shop. Beomgyu looked at us at naglakad palapit samin.

"Hi, noona! Hyung!" Sambit ni Beomgyu while waving his hand.

I smiled at him. "Hello."

Nagpalipat lipat ng tingin sa amin si Beomgyu na may halong pagtataka. "Magkasama kayo?"

Umiling si Brian. "Nope. We just bumped into each other."

Tumango naman si Beomgyu. Ilang saglit pa'y nagpaalam na sa amin si Brian.

"Oh. May lakad ka ba?" I asked him.

Imbis na siya ang sumagot ay pinangunahan siya ni Beomgyu. "Ay, opo noona. May bibilhin yan para sa surp--- hmmppphh!" Agad namang tinakpan ni Brian ang kanyang bibig. Nagtaka naman ako sa ginawa niya.

"Heheh. A-ano... may k-kelangan lang ako bilhin. K-Kape mo, Jo! Oo. Kape mo. What do you want?" Brian uttered while smiling. "Sige, order muna ako ah." Dagdag niya. May binulong siya saglit kay Beomgyu saka niya tinanggal ang kanyang kamay na nakatakip sa bibig ni Beomgyu.

"Okay, hyung!" Paalam ni Beomgyu sa kanya. Agad naman siyang bumaling ng tingin sa akin. "Libre mo naman ako, noona!" Sambit nito habang nakangiti ng malapad.

I chuckled and pinched his cheek. I saw his face turned red.

"Mama mia! Wag kang ganyan, noona. Marupok ako!"

Lalo naman akong natawa sa sinabi niya. "Sira ka talaga. Nililibre na nga ako ni Brian eh. Dun ka magsabi sa kanya. Order ka na ng gusto mo."

Dali dali naman siyang pumunta sa counter para puntahan si Brian. Naghanap naman ako ng mauupuan namin. Nang nakaupo na ako'y kinuha ko ang phone ko sa aking bag. Chineck ko ito, pero wala pa din ni text o missed call man lang ni Timothy. I sighed. I put back my phone inside my bag. Maya-maya pa'y dumating na si Beomgyu kasama si Brian na dala-dala ang tatlong kape na inorder nila. Agad din naman siyang umupo.

I took a sip of my coffee habang nakatingin sa kawalan. Beomgyu snapped on my face. Agad naman akong napatingin sa kanya.

"W-wae?" Tanong ko sa kanya.

"Kanina ka pa po nakatulala diyan. May problema po ba?" Nag-aalalang tanong niya.

I sighed. "Hindi kasi nagpaparamdam si Timothy eh. Ilang araw na."

Best Part Of Me (BOOK 1) || Wattys 2019 (COMPLETED)Where stories live. Discover now