EIGHT

46 2 0
                                    

3rd Person POV

Flashback...

Nakalabas na si Jophiel sa hospital. Si Cody at Timothy lang ang sumundo sa kanya. Ang iba ay namili ng pagkain para sa salo-salo nila mamaya sa bahay ng magkapatid.

Sumakay na si Jophiel sa sasakyan, si Cody ang driver. Si Timothy naman ang nagbitbit ng mga gamit ni Jophiel at sumakay na din sa likod ng sasakyan.

"Makikita ko ba yung iba mamaya?" Tanong ni Jophiel sa kapatid.

Cody nodded. "Didiretso nalang sila sa bahay. Bumibili lang sila ng pagkain."

Si Timothy naman ay tahimik na nakaupo sa likuran. Lumingon sa kanya si Jophiel saka ngumiti.

"M-Mwo? (What?)" Tanong ni Timothy sa kanya.

"Tahimik mo diyan, ah. Okay ka lang?"

Tumango naman si Timothy. "O-Oo naman." Tipid nitong sagot.

"Patugtog ka nga, JK." Bulalas naman ni Cody na seryosong nagda-drive.

Agad namang kinuha ni Timothy ang phone niya saka pumili ng kanta.

(A/N: click the video above)

Dami pang gustong sabihin
Ngunit 'wag nalang muna
Hintayin nalang ang hangin
Tangayin ang salita

"Woah. Ben&Ben." Kinilig na sambit ni Jophiel.

Samantala, palihim na tumingin si Cody sa front mirror at tinignan si Timothy na nakangiti. Napangisi naman ito at umiling.

'Wag mo akong sisihin
Mahirap ang tumaya
Dagat ay sisisirin
Kahit walang mapala

Sumabay naman si Timothy sa kanta.

Pag nilahad ang damdamin
Sana di magbago'ng pagtingin
Aminin ang mga lihim
Sana di magbago'ng pagtingin

"Ehem." Cody interrupted. "Sino ba yan kasi, Timo?"

Natawa naman si Jophiel sa sinabi ng kapatid saka lumingon kay Timothy.

"Ikaw ah. May nagugustuhan ka nang bago? Sino?" Tanong ni Jophiel.

Umiling iling naman si Timothy. "W-Wala. Ano ba kayong magkapatid. Nagpapatugtog lang eh."

Bakit laging ganito
Kailangan magka-ilangan
Ako ay nalilito

"Talaga ba?" Sambit naman ni Cody.

Binatukan naman siya ni Timothy. "Ikaw, hyung. Napaka-ano mo."

Natawa na lamang si Cody ganon din ang kanyang kapatid.

'Wag mo akong sisihin
Mahirap ang tumaya
Dagat ay sisisirin
Kahit walang mapala

Sumabay silang tatlo sa kantang pinapatugtog ni Timothy.

Pag nilahad ang damdamin
Sana di magbago'ng pagtingin
Aminin ang mga lihim
Sana di magbago'ng pagtingin

Pahiwatig
Sana di magbago'ng pagtingin

Biglang napatingin si Cody kay Timothy saka kumanta ng malakas.

Pahiwatig
Sana di magbago'ng pagtingin

Pang-asar niya sa bunso ng Bangtan. Binatukan ulit siya ni Timothy.

Best Part Of Me (BOOK 1) || Wattys 2019 (COMPLETED)Where stories live. Discover now