TWENTY-ONE

52 3 2
                                    

Timothy Jeon

3 weeks. 3 weeks ko nang hindi nakakasama si Jophiel. Miss na miss ko na siya. Everyday kami nagfe-FaceTime para di ko siya masyadong mamiss. Kaso iba pa din talaga kapag nakakasama mo ng literal ang taong mahal mo. Pero wala akong magagawa kundi ang magtiis. Konting panahon nalang at magkakasama din ulit kami. Malapit na matapos ang one month vacation namin.

Kasama ko ngayon ang mga hyung ko. Nasa Han River kami ngayon. Trip lang namin tumambay dito. Ito ang paborito naming pinupuntahan. Bukod sa may naliligtas kami dito minsan na mga taong gusto tapusin ang buhay nila, ito kasing lugar na ito ay may katahimikan din.

Napabuntong hininga ako't tumingin sa kawalan at nilalanghap ang malamig na simoy ng hangin.

"Oy, Timo." Pagtawag ni Cody sa akin na nasa tabi ko lang. Agad ko naman siyang nilingon. "Malapit na pala monthsary niyo ah." Dagdag pa niya.

Oo nga pala. Mag-8 months na kami ni Jo. Kaso paano namin yun icecelebrate gayung andito pa ako sa Korea?

"Kaso matagal pa tayo makauwi, hyung." Sagot ko sa kanya. "Di manlang kami makakapag-celebrate."

Biglang sumingit si Alex. "Edi sa pag-uwi natin, saka kayo magcelebrate."

Tama nga naman. Pwede naman siguro icelebrate kahit ilang araw na ang nagdaan. Basta, hindi lang nakalimutan. Agad ko namang naalala ang binigay sa akin kagabi ni eomma. Isang singsing. Yung singsing na iyon ay bigay sa kanya ni appa bago sila ikasal. At yung singsing daw na iyon ay galing pa sa nanay ni appa at ipinamana sa kanya iyon. Sabi daw kasi, ibigay daw yun ni appa sa mapapangasawa niya. At yun ay si eomma. At ngayon naman, ibinigay sa akin ni eomma iyon.

Kinuha ko iyon mula sa bulsa ng aking suot na hoodie jacket

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kinuha ko iyon mula sa bulsa ng aking suot na hoodie jacket. Agad ko namang ipinakita ang singsing sa kanila.

"Oy, saan mo nadekwat yan?" Tanong ni Nathan.

Natawa naman ako. Ginawa pa akong magnanakaw. "Di ko dinekwat 'to, boii. Binigay saken 'to ni eomma kagabi."

Napa-'ohh' naman sila. Inakbayan naman ako ni Theo na katabi ko din.

"Ibibigay mo kay Jophiel yan?"

Napangiti ako habang pinagmamasdan ang singsing na hawak ko. "Yup. Pagbalik natin ng 'Pinas."

"Proposal na ba ituu?" Vane uttered.

"Why not?" I answered while smiling.

Namilog ang mga mata ng lahat ng kasama ko. Natawa naman ako sa mga hitsura nila.

"Yah, yah, yah! Seryoso ka ba, Timothy?" Tanong ni Alex.

"Hindi ba masyado pang maaga, bunso?" Sambit naman ni Kyle.

"Di ka naman masyadong excited, bata!" Bulalas naman ni Cody. "Di pa ako handa na maging brother-in-law kita!"

"Omg! Omg! Di ko kakayanin kapag ikasal na ang maknae natin! Omg I cannot! Di pa kita kayang ilet go, Jungkookie!" Nathan uttered hysterically.

Best Part Of Me (BOOK 1) || Wattys 2019 (COMPLETED)Where stories live. Discover now