THIRTY THREE

56 3 2
                                    

A/N:

ATTENTION:
PAKIREADY PO ANG TISSUE NIYO. PAKIREADY NA DIN PO ANG PUSO NIYO. Hik hok! Click the video above habang binabasa ang chapter na ito. Hemwe! Enjoy reading! 💜

-A 💛

-----------

Athena Jophiel

Pangalawang araw ko na dito sa bahay ng kapatid ko. Bagot na bagot ako dito. Wala si Cody, iniwan na naman ako mag-isa. Ayoko naman sumama sa kanya kasi makikita ko lang si Timothy. Hays. Naisipan kong lumabas nalang muna. I should go to a park or sa mall. Nag-ayos ako ng aking sarili saka umalis.

Saktong pagkabukas ko ng gate ay bumungad sa akin si Soobin na padaan. Nagulat naman siya ng makita ako.

"Jophiel noona!?" Bulalas niya.

Maging ako man ay nagulat din nang makita ko siya. Ano ang ginagawa niya dito?

"S-Soobin-ah."

Agad siyang yumakap sa akin. Napayakap nalang din ako sa kanya.

"Omo! Jophiel noona! Ikaw nga 'to!" He blurted nang kumalas siya sa pagkakayakap sa akin. "H-How are you?" He asked me, saka tumingin sa likuran ko. "And what are you doing here, noona? Si Cody hyung po andyan ba?"

Ilang segundo muna ang lumipas bago ko siya sinagot. "Uh... I'm fine. Wala siya dito eh. Tsaka, d-dito na din ako titira."

Nanlaki naman ang kanyang mga mata sa naging sagot ko. Napatakip din siya ng kanyang bibig.

"Jinjja?" Bulalas niya.

I nodded in reply. Hindi pa din siya makapaniwala sa sinabi ko. Sumilay sa kanyang mukha ang lungkot.

"Miss ka na namin, noona." Sambit niya. "Miss ka na naming lahat. Balik ka na sa BigHit oh."

Napabuntong hininga naman ako bago ko siya sinagot. "I... uh. K-Kelangan ko muna kasi umiwas. I'm still healing. Baka... hindi pa din ako kayang makita ni Timothy."

Nang mabanggit ko ang pangalan niya ay agad namang nag-unahan ang aking mga luha sa pagpatak. Agad naman akong niyakap ni Soobin at pinatahan sa pag-iyak.

"Ssshh. Magiging maayos din ang lahat, noona." Sambit niya.

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at pinunasan ang aking pisngi na basa dahil sa luha. "I hope so."

Saglit siyang napatingin sa suot niyang relo saka bumaling ng tingin sa akin. "Ah... sige po, noona. Una na po ako." Paalam niya sa akin.

Tumango naman ako. "Take care, Soobin."

Muli naman niya akong niyakap. "Ikaw din po. Take care, noona. I'm so happy to see you again. Anyeong!" Sambit niya saka naglakad palayo.

Ilang minuto lamang ay may dumaan nang taxi at agad akong suumakay. Medyo kumakalam na ang tiyan ko kaya sinabihan ko ang driver na bilisan ang biyahe. Nagugutom na talaga ako.

After a few minutes, nakarating na agad ako sa mall. Palinga linga ako sa paligid, naghahanap kung saan ako kakain. Habang abala ako sa paglalakad ay biglang may humawak sa aking braso.

"Ay kabayong pink!" Bulalas ko. Nang nilingon ko kung sino ang nakahawak sa aking braso ay napaawang ang aking bibig.

It's Brian. I froze. Nakaramdam ako ng kaba at ng konting galit. He's the reason why nawala sa akin si Timothy.

Agad ko namang binawi sa kanya ang braso kong kanina niya pa hawak.

"W-Why are you here? Sinusundan mo ba ako?" Malamig kong tanong sa kanya.

Best Part Of Me (BOOK 1) || Wattys 2019 (COMPLETED)Where stories live. Discover now