THIRTY SEVEN

92 4 1
                                    

1 year later...

Isang taon na din ang nakalipas mula nang maayos namin ang lahat. Ang dami na naming pinagdaanan. Ang dami nang nangyaring magaganda sa buhay namin. Nakabalik ako sa BigHit Entertainment. Tinanggap ulit ako ni Mr. Bang sa buong kumpanya niya ng buong puso. Si Timothy at ang grupo niya naman ay mas lalo pang sumikat sa iba't ibang panig ng mundo. Ngayon ay abala sila sa pagrecord ng bagong kanta na iaalay nila sa mga Japanese ARMYs. Oo. Naging sikat na sila sa Japan. Nakakatuwa na sabay-sabay nilang inaabot ang mga pangarap nila. Sama-sama pa din sila. Napaka-solid ng samahan nila kahit ilang beses na silang muntikan mawala sa industriyang kinabibilangan nila. Si Brian naman, masaya na din. Naging sila ni Francine Soleil. Ilang buwan din niyang sinuyo iyon. Sobrang masaya din ako sa nangyayari sa buhay niya ngayon. Si Vane at Theo naman ay nananatiling matatag. Magpi-pitong buwan na silang magkasintahan.

At ngayon, sa araw na ito... isang taon na kaming nagmamahalan ni Timothy. Isang taon na kami, pero walang espesyal na magaganap sa araw na ito. Busy kasi sila ngayon dahil malapit nang irelease ang Japanese versions ng mga kanta nila at syempre, may original Japanese songs ding kasama iyon. Lights. That's the title of their new album at title ng bagong kanta nila.

"Tara na?" Pag-aaya sa akin ni Vane. Kakatapos lang ng trabaho namin dito sa opisina.

I nodded at her saka isinaklay ang bag ko sa aking balikat. I took my phone and dialed Timothy's number pero hindi ito sumasagot. Nakailang tawag na ako sa kanya pero wala pa ding sumasagot.

"Vane, nakausap mo ba si Theo?" I asked her.

"Yep. Nasa dorm na sila, kanina pa." Sagot naman nito sa akin.

Nagkibit balikat ako at sumulyap ulit sa phone ko saka ibinalik iyon sa loob ng bag ko. "Kasama ba nila si Timothy? Di kasi sinasagot yung mga tawag ko eh." Nag-aalalang sambit ko.

"I don't know. Hindi ko naitanong eh." She answered. "Baka nasa bahay niyo na. Tapos nakatulog pagkadating doon."

Napabuntong hininga na lamang ako't hinanap ang kotse ko na nakapark dito sa labas ng building.

"Bye, bitch!" Paalam sa akin ni Vane saka sumakay sa kotse niya. I waved at her and smiled.

"Ingat!" Sambit ko kahit alam kong hindi na niya narinig iyon. Agad din naman akong pumasok sa sasakyan at pinaandar ito.

Wala pang 30 minutes ay nakadating na din ako sa bahay namin. I parked the car on the garage at agad na pumasok sa loob ng bahay. Laking gulat kong hindi naka-on ang ilaw kaya agad ko naman itong binuksan. Wala ba si Timothy dito?

Dumiretso naman ako sa kwarto namin pero pagkapasok ko doon ay wala ding tao. Asan na kaya yun?

"Love?" Pagtawag ko sa kanya. Pero walang sumagot. Tigil ko na nga. Baka iba pa ang sumagot.

Naisipan kong pumunta sa garden. And there... my heart was about to explode dahil sa nakita ko. Oh my god. Nanlaki ang aking mga mata at napatakip ng aking bibig gamit ang mga kamay ko.

Candles and red rose petals all over the place. Nakakalat ang mga ito. May isang malaking heart-shaped din na gamit ay red rose petals sa damuhan. May maliit na mesa sa gitna at nakahanda na din ang pagkain doon, at may dalawang upuan. Napaka-romantic ng set-up na ito.

"Oh my god." Iyan lamang ang nasabi ko.

Timothy suddenly appeared. He's now in front of me, holding a bouquet of flowers and wearing his adorable bunny smile. Napaka-pormal ng suot ng lalaking nasa harap ko. His hair was a bit curly and as usual, he's wearing a black long sleeves and a pair of black jeans, and a pair of black shoes. His love for color black is real. Napaka-gwapo.

Best Part Of Me (BOOK 1) || Wattys 2019 (COMPLETED)Where stories live. Discover now