THIRTY ONE

52 3 0
                                    

Alex Kim

Papunta kaming BigHit Entertainment ngayon because Mr. Bang called for a meeting. Hindi ko alam kung para saan ang meeting na ito. Baka sa nalalapit naming comeback.

Nasa loob na kami ng kotse. Sumulyap ako kay Timothy na nasa tabi ko. Wala siyang imik. Tulala lang siya. Well, palagi naman. Wala na yung dating sigla niya. I patted his shoulder. Napatingin naman siya sa gawi ko.

"Okay ka lang?" Tanong ko.

He just shrugged at muling tumingin sa kawalan. Ganyan siya kapag tinatanong o kinakausap. Bihira nalang namin siyang marinig magsalita.

"We're here." Bulalas bigla ni Kyle na agad namang bumaba sa kotse. Sumunod naman kami.

Nang makababa na ang lahat ay agad kaming naglakad papasok ng building. Agad naman naming binati si Mr. Bang nang makapasok na kami sa osipina. Naunang dumating ang TXT dito. We then took our seats.

Isa-isa kong tinignan ang mga nandito. May kulang. Dalawa lang ang staff na nandito, si Vane at isang bagong mukha sa paningin ko. Si Brian din ay wala.

I looked at Mr. Bang and slightly raised my hand para mapansin niya ako. Agad naman siyang napatingin. "A-Ah, pdnim si Jophiel po pala hindi pa makakarating ngayon. Baka ngayong araw palang po kasi siya ididischarge."

We heard Timothy sighed out loud. Napabuntong hininga din si Mr. Bang. Imbis na sagutin ang tanong ko ay tumingin siya sa aming lahat. Seryoso ang mukha niya.

"TXT, how are you doing?" Tanong ni Mr. Bang sa TXT na magkakatabing nakaupo sa right side niya.

Soobin cleared his throat before he answered. "Okay lang naman po, pdnim. Sa ngayon po, we're trying to write new songs po para po sa comeback namin."

Mr. Bang nodded at binaling naman ang tingin sa amin. May iba talaga. Seryosong seryoso ang mukha ni Mr. Bang.

"I am very disappointed at you, boys."

We were all shocked. Hindi namin nagets ang sinabi ni Mr. Bang sa amin. Hindi kaya?

"I heard what happened. Alam ko na ang lahat ng nangyari." Mr. Bang blurted.

"W-What do you mean?" Cody stuttered.

Mr. Bang sighed. "Jophiel went here yesterday."

Nanlaki ang mga mata namin sa gulat. Maging si Timothy na kanina pa walang imik ay nagulat din. Paano? Nasa hospital pa siya ah?

"Jinjja? Baka naman hindi siya yun, pdnim. Nasa hospital pa yun sa pagkakaalam namin eh." Sambit naman ni Kyle.

Umiling si Mr. Bang. Bakit di niya sinabi sa amin na nakalabas na pala siya sa hospital? "Totoo ang sinasabi ko. At siya ang nagsabi sa akin sa problemang kinakaharap niyo ngayon. Lalo ka na, Timothy." Sambit niya sabay tingin kay Timothy.

Timothy looked down and bit his lower lip. Halata kong nagpipigil lang siyang umiyak. "S-sorry, pdnim."

"At nagpaalam siya sa akin." Dagdag pa ni Mr. Bang.

"Paalam?" Tanong naman ni Theo.

Mr. Bang nodded. "Nag-resign na siya."

Mas lalong namilog ang mga mata namin. Napaangat ng tingin si Timothy na kanina'y nakayuko. Tumulo ang kanyang mga luha.

"N-Nag-resign? Potek. Sandali. Hindi ko gets." Sambit ni Cody. "Paano'ng...?"

"Hindi ka ba sinabihan ng kapatid mo?" Nathan asked him.

He shook his head. "No. She didn't even call me. As in, wala akong idea na nakalabas na siya ng hospital kahapon pa. We're supposed to go to her ngayong araw, right?"

Agad ko namang tinignan si Vane na halatang gulat na gulat din. "Alam mo ba 'to, Vane?" Tanong ko sa kanya.

Umiling naman agad siya at mangiyak-ngiyak na din. "N-no. Hindi niya ako sinabihan. Wala akong alam."

"Nakausap niyo na ba si Brian after ng nangyari?" Tanong ni Mr. Bang sa aming lahat.

"Hindi po." Sagot ni Nathan. "We've been trying to call him pero hindi niya ito sinasagot."

Biglang nagtaas ng kamay si Beomgyu at agad naman siyang napansin ni Mr. Bang. "Tinatry ko din po'ng tawagan si Brian hyung. May kelangan po kasi ako sa kanya eh. Pero hindi niya din po sinasagot."

Napabuntong hininga ulit si Mr. Bang. "Okay. Ako na ang bahala kumausap doon." Napayuko siya saglit saka nag-angat ng tingin sa amin. "Hindi na kayo nahiya sa TXT. Kayo ang tinitingala ng mga 'to tapos magkakaganyan kayo?"

Hindi na kami nakaimik. Nadismaya si Mr. Bang sa mga pangyayari. Hindi ko na alam kung ano ang desisyon niya.

"Hiatus muna kayo sa ngayon." Sambit ni Mr. Bang. Napasinghap naman kaming lahat. Sabi na nga ba. "Hindi kayo pwedeng magcomeback hangga't di pa naaayos yung problema niyo. Hindi ako natutuwa."

Kyle stood up from his seat and bowed his head. "Mianhe, pdnim."

"Timothy." Pagtawag ni Mr. Bang sa katabi ko.

"Pdnim." Sambit ni Timothy.

"Ayusin mo 'yang sarili mo. Utang na loob. Ang tagal niyo nang hindi nakakapag-comeback. Wag niyo patagalin lalo kung ayaw niyong mawala ang mga fans ninyo." Bulalas ni Mr. Bang.

Kelangan ko makausap si Timothy. Kelangan maliwanagan ng batang ito. Masyado niyang dinibdib lahat ng nangyari sa kanya. Kelangan ko din makausap si Jophiel. Kelangan na din nila mag-usap. Hindi na pwedeng patagalin pa ito. Nakakamiss na ding magcomeback. Namimiss ko na magperform on stage.

"Masyado niyong pinagtuunan ng pansin ang pag-ibig." Muling nagsalita si Mr. Bang. "I mean, hindi naman sa pinagbabawalan ko kayo magkaroon ng girlfriends... kaya nga wala kayong dating ban. Pero hindi naman pwedeng binubuhos niyo lahat ng atensiyon niyo sa pag-ibig. May career din kayo na kelangan pagtuunan ng pansin."

At some point, may tama si Mr. Bang. Masyadong ding minadali lahat ni Timothy. Ang bata pa nila para tumuntong sa married life agad. Siguro kaya din nangyari ang lahat ng ito, para matauhan sila pareho na hindi lahat ng bagay ay minamadali.

"Bangtan, please. Ayusin ang dapat ayusin." Sabi ni Mr. Bang na seryosong nakatingin sa amin. Binaling naman niya agad ang kanyang tingin sa kabilang grupo. "TXT, mauuna kayong magcomeback. So be ready."

Tumayo na si Mr. Bang at saka lumabas ng opisina. Naiwan na lamang kami at ang TXT. Kasama din namin si Vane. Ang isang bagong staff naman ay lumabas na din. Hindi man lang naipakilala ni Mr. Bang sa amin.

Biglang napasigaw si Cody na ikinagulat naming lahat. Halata sa mukha nito ang pagkadismaya at pagkairita.

"Tangina." Bulalas niya. Siniko naman agad siya ni Nathan na katabi niya.

"Huy, ano ba problema mo?" Tanong ni Nathan.

Cody hissed. "Ayusin na ang dapat ayusin. Nahahawa na ako sa pagkadepress. Hindi na ako pinapatulog ng maayos dahil sa problemang 'to." Sambit niya. Tinignan naman niya si Timothy na wala pa ding imik. "Timo. Please lang, balik ka na sa dati oh?" Biglang may tumulong luha sa mga mata ni Cody. "K-Kakausapin ko din ang kapatid ko, maging okay lang kayo."

Isa isang lumapit sa amin ang TXT. Soobin patted my shoulder. Nag-angat naman ako ng tingin sa kanya saka pilit na ngumiti.

"Everything will be fine." Bulalas ni Yeonjun sa amin.

"Bangtan, hwaiting! (Fighting!)" Sambit naman ni Kai habang nakangiti pero kita mo sa mga mata niya ang lungkot at mukhang anytime ay maiiyak na din.

"TXT hwaiting! (Fighting!)" Sambit naman namin sa TXT.

We need to do something before it's too late. Kelangan namin magsanib pwersa para matulungan ang dalawang nag-iibigan.

Best Part Of Me (BOOK 1) || Wattys 2019 (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora