THIRTY

49 3 0
                                    

After a few weeks, I was finally discharged from the hospital. Lalabas na nga lang ako't lahat, hindi pa din ako binisita ni Timothy. Aaminin ko, masakit pa din hanggang ngayon. Pero sabi nga ni Cody, kelangan muna namin ng space at konting time.

Hindi ko ipinaalam sa lahat na ngayong araw ako nakalabas ng hospital. I am waiting for a cab para pumunta sa BigHit Entertainment. I set an appointment with Mr. Bang. Kelangan ko siya makausap. I am resigning. Ilang araw ko din 'tong pinag-isipan. Labag man sa akin, pero kelangan ko itong gawin. Baka mas lalong lumala ang galit sa akin ni Timothy kapag nasa iisang company lang kami. Naisipan ko na ding bumalik muna sa bahay ni Cody. Kelangan din. Para makamove-on. Ako na muna ang lalayo.

Ilang sandali pa'y nakasakay na din ako ng taxi patungo sa BigHit Entertainment. My phone suddenly rang. Kinuha ko ito sa aking bag at tinignan kung sino ang tumatawag.

"Ne?" Sagot ko sa tumatawag. It was Alex.

"How are you feeling?"

I sighed. "I-I'm fine."

"Dadalawin ka sana namin ngayon. Kung okay lang sayo." Sambit niya.

I bit my lower lip at nag-isip ng ipapalusot sa kanya. "U-uh... Huwag na. May... m-may ubo ako ngayon eh baka mahawaan kayo." Bulalas ko at nagkunwaring inuubo. Sana gumana sa kanya yung palusot ko.

"O-oh. Okay, then. Sa susunod na araw nalang." He answered. Napahinga naman ako ng maluwag. "Teka, kelan ka ba madidischarge?"

"H-Hindi ko pa alam eh." Palusot ko ulit sa kanya. "Uh, sige na Alex. Kelangan ko muna magpahinga."

"Arasseo. Get well soon, Jophiel. Anyeong." Sambit nito sabay pinatay ang tawag.

Ilang minuto pa'y nakarating na din ako sa BigHit. Dumiretso agad ako sa opisina ni Mr. Bang pagkapasok ko sa building.

"Have a seat, Ms. Min." Mr. Bang uttered as I entered.

"Thank you po." Sambit ko sabay upo.

Mr. Bang sighed bago siya nagsalita. "Ano ang maipaglilingkod ko sa'yo?"

"U-uh... Mr. Bang, gusto ko po sana magpaalam sa inyo."

"Ano yun, hija?" Tanong niya.

Napayuko muna ako at napakagat ng aking labi. "G-gusto ko po sana mag-resign."

Mr. Bang furrowed his eyebrows. "Why? Is there any problem?"

Hindi ako nakasagot agad. Napaiyak na lamang ako at yumuko.

"Hija, may problema ba?" Tanong ulit ni Mr. Bang.

Sinabi ko lahat kay Mr. Bang ang lahat ng nangyari. After all, siya ang itinuturing na ama ng Bangtan. He was disappointed nang malaman niya ang lahat. Pero kinalaunan ay naintindihan naman niya. I apologized for disappointing him. After all, it was all my fault.

"Desidido ka na ba talaga?" He asked.

I nodded in reply. "Para din po 'to kay Timothy. Para po maipagpatuloy niya yung career niya. Baka lalo pong masira lahat kung manatili pa din po ako dito."

Napabuntong hininga siya. "Okay. If that's what you want. Alam ba nila ito?"

Umiling ako. "Hindi ko po ipinaalam sa kanila na nakalabas na po ako ng hospital at pumunta dito. Hindi po nila alam ang plano kong ito, Mr. Bang."

Tumango naman agad siya at muling napabuntong hininga. "Okay. Pero hija, maaayos din ang lahat."

I simply smiled at him at pinipigilang hindi umiyak. I thanked him at agad na nagpaalam sa kanya. Baka bigla nila akong maabutan dito kaya nagmadali na akong lumabas ng building at agad na sumakay sa taxi para umuwi at mag-impake.

Nang makababa na ako sa taxi ay sandali ko munang tinignan ang labas ng bahay. Tumulo na naman ang mga luha ko. I will surely miss this place. Our home. Dahan dahan akong pumasok sa loob saka dumiretso sa kwarto.

Kumuha ako ng ilang kahon sa storage room at inumpisahan nang ilagay sa loob nito ang mga gamit ko. Pagkatapos ay kinuha ko naman ang malaking maleta at ipinasok lahat ng mga damit ko sa loob.

Nakatanggap na naman ako ng isang tawag. This time, si Vane naman ang tumatawag.

"Yah, Jo-ssi." Bulalas nito.

"Hmm?"

"Alex told me na may sakit ka daw, ubo. Okay ka lang ba talaga?" Tanong niya.

Nagkunwari na naman akong inuubo. Ang sakit sa lalamunan, hah. "U-uh.. oo. Okay lang ako. Don't worry about me." I answered.

"Are you sure?" Tanong niya ulit.

"Yes. Kelangan ko lang ng konting pahinga."

I heard her sighed. "Okay, sige. Magpahinga ka na muna. I'll call you back later. Bye." She uttered as she hung up the phone.

Pinagpatuloy ko naman ang pag-iimpake ng mga gamit ko. Pagkatapos ay nilibot ko ang buong bahay. Bawat sulok ng bahay na ito ay nagpapaalala sa akin kay Timothy. We shared happy moments together here. Sa 7 months naming pagsasama dito sa bahay na ito, walang araw na hindi kami nakakagawa ng masasayang alaala. Knowing Timothy, siya na ang pinaka-thoughtful, loving and sweet na boyfriend na nakilala ko.

Ilang sandali pa'y naisipan ko nang maglinis ng aking sarili. Hindi naman siguro magagalit si Cody kapag dinala ko lahat ng aking mga gamit sa bahay niya. Ayoko talagang gawin ito, pero ayoko namang kamuhian ako araw-araw ni Timothy kapag nakikita ako. Ayokong magalit siya sa akin ng sobra.

After ko mag-ayos ay agad naman akong umalis at nag-umpisa nang dalhin ang mga gamit ko sa bahay ni Cody. Buti na lamang at hindi masyadong tirik ang araw ngayon. Ginamit ko muna ang kotse namin ni Timothy.

Ilang oras din ang naging biyahe ko dahil sa sobrang traffic. Nakapasok ako agad sa bahay ni Cody, thanks sa spare key ng bahay niya. Isa isa ko namang ipinasok sa loob ang mga nahakot kong gamit. Mamaya o baka bukas ko babalikan ang ibang gamit na naiwan ko sa bahay namin ni Timothy. Napaupo muna ako saglit sofa at napabuntong hininga ng malakas.

"It's kinda tiring." I said to myself.

Hindi din pala biro ang maghakot ng mga gamit mo. Nakakapagod. Napagdesisyunan ko munang magpahinga. Napasandal ako sa sofa at ipinikit ang aking mga mata.

This is it. Ito na ang umpisa ng bagong buhay, Jo. Kelangan mo 'tong gawin hindi lang para sa kanya kundi para na din sa sarili mo.

Best Part Of Me (BOOK 1) || Wattys 2019 (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora