TWENTY EIGHT

47 2 0
                                    

Athena Jophiel

It's been 3 days since that incident happened. Tatlong araw na din akong hindi lumalabas ng kwartong ito. Miss ko na si Timothy. Walang araw na lumipas na hindi ako umiyak. Walang araw na lumipas na hindi ko siya naiisip, namimiss. At mas lalong walang araw na hindi ko minamahal ng sobra si Timothy. Tatlong araw ko na siyang hindi nakikita, nayayakap, nakakausap. Hindi pa siya umuuwi dito.

It's late in the morning. Wala akong gana kumain. Gusto ko lang mahiga at yakapin ang unan na gamit ni Timothy. Kasalanan ko 'to. Pero hindi ko naman iyon ginusto.

My phone suddenly rang. Agad naman akong napabangon at kinuha ang aking phone na nakalagay sa side table katabi ng higaan. Baka sakaling si Timothy na ang tumatawag. Pero bigo ako dahil hindi siya iyon. Marahan akong napabuntong hininga at sinagot ang tawag.

"Jophiel..." It was Vane.

"Vane... H-how is he?" Agad kong itinanong sa kanya.

Sa boses palang niya ay alam kong umiiyak siya. "We can't talk to him, Jo. Nasa loob lang siya ng kwarto niya. Ilang araw na siyang nagkukulong."

Pareho kami ng kalagayan ng mahal ko. Pero hindi niya pwede mapabayaan ang sarili niya.

Pilit akong ngumiti habang ang mga luha ko'y nag-uunahan sa pagpatak. "I... I miss him so much, Vane."

"Puntahan kita diyan, okay? Magpapaalam lang ako kay Theo. Hindi kasi pwede yung lahat kami ang pupunta diyan. Baka may gawing di maganda dito si Timothy eh." Sambit niya na mas lalo pang nagpaiyak saken.

Agad ko namang ibinaba ang tawag niya nang hindi nagpapaalam. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa sakit na nararamdaman ko. Unti-unting nanlalabo ang paningin ko, sinubukan kong tumayo. Sa pagtayo ko ay nandilim ang aking paningin at hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.


Vane Monique

Sumama si Cody at Theo sa akin sa pagbisita ko kay Jophiel. Gaya ko, nag-aalala din sila. Hindi namin alam kung hanggang kailan sila magkakaganito. Timothy still don't have the courage to talk to Jophiel.

Nang makarating na kami sa bahay nila Jophiel ay agad naman kaming umakyat at dumiretso sa kwarto. Buti hindi nakalock ang pinto kaya nakapasok kami agad. Pero nagulat kami sa aming nakita. Nakahandusay sa sahig si Jophiel at wala itong malay.

"Oh my god, Jo!" Bulalas ko sabay iyak. What happened to her?

Agad naman siyang binuhat ni Cody at dali-daling bumaba ng hagdan.

"Yah, Jophiel wake up!" Sambit ni Cody habang buhat-buhat niya ang kapatid. "Theo call the others, ppali! (Hurry!)" Dagdag nito. Isinakay niya agad si Jophiel sa loob ng kotse.

"Ako na magda-drive!" Pagpresenta ko sabay kuha ng susi kay Alex. "Babe, hop on!" Sambit ko kay Theo na agad naman ding sumakay sa kotse.

"Hyung! Hurry up! We're heading to the hospital! Dadalhin namin si Jophiel doon!" Theo uttered as he was talking to Kyle on the phone. "Please, tell Timothy. Ne, arasseo. Okay, okay."

"Jo... Jo, wake up. Oh my god!" Bulalas ni Cody. Mangiyak-ngiyak na kaming tatlo dito. "Vane, ppali... Ppali!"

Pinabilis ko ang pagpapatakbo ng kotse. Theo was biting his nails habang sumusulyap-sulyap sa phone niya. "Nangyari na 'to dati. Sa break up nila ni Brian." He uttered and sighed.

Nang makarating kami sa hospital ay agad namang inasikaso ng mga nurses si Jophiel.

"Dito nalang po muna kayo. Kami na po ang bahala sa pasyente." Tugon sa amin ng nurse.

"Please, gawin niyo lahat for my sister!" Sigaw ni Cody.

Ilang saglit pa'y dumating na din ang ibang members ng Bangtan. But Timothy was not with them. Even Brian.

"What happened!?" Kyle asked.

Umiling-iling ako't lalong naiyak. Theo hugged me. "I-I don't know..."

"Sshh. Jo will be fine, babe." Pagpapakalma sa akin ni Theo.

"Pagkadating namin sa bahay nila, naabutan nalang namin siyang nakahandusay sa sahig at walang malay." Sambit ni Cody. "Dapat pala sinamahan ko muna siya. Fuck! I failed as a brother again."

Napasapo naman si Nathan sa noo niya at maya-maya pa'y naiyak na din. "Naulit na naman yung nangyari sa kanya. Mahihirapan na naman siyang maovercome ang sakit niya."

Kumalas ako sa pagkakayakap saken ni Theo at pinunasan ang aking mga luha. "Nakausap niyo na ba si Brian?" Tanong ko sa kanila.

Isa-isa naman silang napailing.

"Hindi ko siya macontact, ilang araw na." Sambit ni Alex.

"Pinaalam niyo ba kay Timothy yung nangyari?" Tanong naman ni Cody.

Alex sighed and looked down. "Ne. Pero wala siyang imik. Nag-aalala na din ako sa kanya."

"Sino kasama niya doon sa dorm?" Tanong ko naman kay Kyle.

"Tinawagan ko si Soobin. Pinapunta ko silang lima sa dorm. Sila na muna bahala kay Tim. Sinabihan ko din siyang tumawag sa akin kapag may problema." He answered.

Maya-maya pa'y may lumapit sa aming isang doctor.

"D-Doc... kamusta na po ang best friend ko?" Tanong ko sa doctor.

"Hindi ko masasabing okay ang pasyente. Gising na siya. Tulala at umiiyak. Hindi din siya makausap. Kelangan pa namin siya maobserbahan sa mga susunod na araw. For now, ililipat na muna namin siya sa kwarto niya." Sagot naman ng doctor. "Please, help her. She needs someone na makakapagpagaan ng nararamdaman niya." Dagdag pa nito.

We all nodded at agad namang umalis ang doctor.

"We need to help the two. They need us in times like this." Cody suddenly uttered. "Nadedepress na din ako kakaisip kung paano sila mapag-aayos."

"Ako na ang bahala kumausap kay Timothy mamaya as soon as makabalik tayo sa dorm." Sambit naman ni Alex.

"And I'll talk to my sister kapag okay na siya." Mangiyak-ngiyak na sambit ni Cody.

Ilang saglit lamang ay nailipat na si Jophiel sa isang room. Agad naman siyang pinuntahan. Hindi ko na mapigilang umiyak nang makita ko siyang nakaupo sa kanyang higaan at nakatingin sa kawalan habang sunod-sunod ang pagpatak ng mga luha sa kanyang mga mata.

Nang makalapit ako sa kanya ay agad ko naman siyang niyakap.

"J-Jo..."

Nang kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya ay isa-isa niya kaming tinignan.

"Tim... Timothy." She uttered habang umiiyak.

Lumapit si Theo sa kanya and patted her shoulder. Hindi na din nito napigilang umiyak. "E-Everything will be fine, Jo." He blurted. "Magiging okay din kayo. Babalikan ka niya."

"Excuse me, guys. L-Labas lang ako." Pagpapaalam ni Nathan. Agad siyang lumabas sa room ni Jophiel. Alam kong doon niya sa labas ibubuhos lahat ng nararamdaman niya. Hindi niya kayang makita si Jophiel na ganito ang kalagayan.

I hope everything's going to be okay as soon as possible. Hindi ko kayang makita na nahihirapan ang mga kaibigan ko.

Best Part Of Me (BOOK 1) || Wattys 2019 (COMPLETED)Where stories live. Discover now