THIRTY FOUR

54 6 0
                                    

Timothy Jeon

I was lying in my bed when someone knocked on my door. Narinig ko ding pinihit ang door knob nito at bumungad si Alex hyung na diretsong pumasok sa kwarto ko. He then sat on the side of my bed. Bumangon naman din ako mula sa pagkakahiga ko. Sesermonan na naman ako ni Eomma Jin panigurado.

"Hanggang kelan ka magiging ganyan, Jeon Jungkook?" Tanong niya sa akin.

Napabuntong hininga naman ako't napayuko. "Moreugesseo. (I don't know.)" Sagot ko sa kanya.

"Yah. C'mon. It's been a month since that incident happened." He blurted. "All you have to do is to accept everything. Nangyari na eh. Tapos na eh."

I sighed. "But hyung, it's not easy as 1, 2, 3 you know."

He nodded. "Yeah, I know. Pero hahayaan mo nalang ba lahat na magkaganito? Look at yourself, pabo." He said while pointing at me. "You know, kung hindi mo kakausapin si Jophiel, mababaliw ka na talaga, literal."

Napaismid naman ako. Grabe. Baliw agad? Pero may tama siya sa point na yun.

"You still love her, right?" He asked me.

Yes. I do love her. I still love her. I slowly nodded in reply while biting my lower lip.

"Yun naman pala eh." Sambit niya. "Why don't you just give her a chance to explain everything? She deserves a second chance. Jophiel is worth it."

Kaya ko na ba siya makausap? I sighed again. Hindi ko na alam. Hindi ko pa ata kaya.

Napabuntong hininga din siya. "Sige ka. Kapag 'yun naging totally okay na talaga, magsisisi ka. Baka kung kelan sumuko na siya sa pag-asang maaayos niyo pa ang lahat eh saka ka lang kikilos. Wag ganon."

Napaisip naman ako sa sinabi niya at the same time ay nakadama ng kaba at takot. Takot na baka mawala siya ng tuluyan sa akin. No. Hindi. Hindi ko kakayanin yun. Baka tuluyan na talaga akong mabaliw nun.

"B-But... I still don't have courage to face her, hyung." I uttered. Napasapo naman siya ng kanyang noo.

"Mag-iisang buwan na, huy. Hanggang ngayon ba naman 'yan pa din excuse mo?" He asked. "O baka natatakot ka lang na malaman kung ano ang magiging reaksyon niya sa pakikipag-ayos mo sa kanya?"

Napasabunot naman ako ng aking buhok at ginulo-gulo ito. "Arrghh! Hindi ko na talaga alam, hyung!"

I heard him chuckled. "Ewan ko sa'yo bata ka. Basta sinabihan na kita. Kumilos ka na bago pa mahuli ang lahat. Ayusin mo na 'yang sarili mo."

Maya-maya pa'y bumukas ang pinto ng kwarto ko at bumungad si Theo. "Yah, you two. Get out of this room. May bisita tayo."

Napataas naman ako ng kilay. Seryoso kasi ang pagkakasabi ni Theo eh.

"Sino?" Tanong ni Alex.

Ang kaninang seryosong mukha ni Theo ay napalitan ng nakakalokong ngiti. Siraulo talaga 'tong alien na 'to.

"Our hoobaes are here!" Masayang sambit niya. Dinalaw na naman kami ng TXT. Isa din yung mga walang magawa sa buhay nila. Pero namimiss ko na din silang kakulitan. Namimiss ko na silang lahat. Namimiss ko na si Jophiel.

"Yah, gajja. Makipag-bonding ka naman samin." Bulalas ni Alex sa akin sabay labas ng kwarto ko. Sumunod naman ako sa kanya.

Nang makarating kami sa sala ay agad naman akong kinumusta ng mga kasamahan ko at ng TXT.

"Hyung! Kamusta ka na?" Tanong ni Taehyun sa akin habang nakangiti.

Ngumiti lamang ako sa kanya't umupo sa gitna ni Alex at Kyle.

Biglang lumapit sa akin si Kai at may iniabot na isang plastic bag. "Banana milk for you, hyung. To make you feel better." Sambit niya.

Agad ko naman iyong tinanggap at nginitian din siya. Nagulat naman ako nang biglang tinapik ni Nathan ang balikat ko. Nasa likuran ko sila ni Yeonjun.

"Miss ka na namin, boii." Bulalas ni Nathan habang nakangiti. Yung ngiti niyang nakakapagbigay ng pag-asang may maaayos pa. Maaayos pa ang lahat.

"Okay ka na ba, hyung?" Tanong naman ni Yeonjun sa akin.

"I... I guess so." Sagot ko naman sa kanya.

"I miss Jophiel." Vane suddenly uttered. Napabuntong hininga naman ako. Ang iba'y pilit na ngumiti at napabuntong hininga din. Hindi lang pala ako ang nakakamiss sa kanya. Pati na din sila. Sobrang naging close na kasi sa kanila si Jo. Lalo na kay Vane dahil best friend niya ito. Kamusta na kaya siya? Hindi ko manlang nagawang dalawin yun sa hospital noong naadmit siya.

"Nakita ko nga pala siya kanina." Sambit ni Soobin.

"Saan?" Tanong naman ni Cody.

"Doon po sa bahay niyo po, Cody-hyung." Sagot ni Soobin na agad naming ikinagulat at napatingin kaming lahat kay Cody. "Umuwi po muna kasi ako saglit sa amin kasi namimiss ko na si eomma. Tapos ayun. Nagkausap nga kami eh. Nasa labas kasi siya nun. Mukhang may lakad."

"Hoy, Suga." Pagtawag ni Alex kay Cody. Agad naman itong lumingon at napayuko. "Ba't di ka nagsasabi sa amin?"

"Sorry." He uttered. "G-Gusto niya na muna kasi lumayo eh."

"A-Ano'ng... Bakit daw?" Tanong ko.

Nag-angat ng tingin si Cody. "Kasi baka nagagalit ka pa sa kanya. Ayaw niya din munang makita ang iba. Baka daw kasi kung ano ang isipin niyo. Sorry na. Sinusunod ko lang yung gusto ng kapatid ko."

Kyle hissed. "Eto talaga si hyung. Magugulat ka nalang talaga sa kanya eh. Baka sa susunod kapag magkajowa ka na, sa iba na naman namin malalaman?"

"Oo nga." Sambit naman ni Theo. "Napaka-ano nito."

"I... uh. Can I talk to her? T-tomorrow sana." I stuttered.

Cody patted my shoulder. "Sure. Why not? Iyan na nga din hinihintay naming lahat eh."

Nathan suddenly clapped his hands like a seal and started to scream and jump.

"Kyaaahhh! Our baby boy is back! Jungkookie is back! Uri Jeon Jungkook is back! Yaaaaahhhhh!"

"Ang ingay mo, hyung." Natatawang sambit ni Beomgyu. Nagsitawanan naman kaming lahat nang makita namin ang hitsura ni Nathan na mukhang galit.

"Yah. Walang basagan ng trip! You know, I'm J-hope! I give hope!" Bulalas ni Nathan.

"Sana hindi niya ako ipagtabuyan." Sambit ko bigla. Napatingin naman silang lahat sa akin.

Alex patted my shoulder and flashed his smile. "Hindi yan. Tiwala lang."

"Pwede ba sumama? Miss ko na talaga ang best friend ko eh." Sambit ni Vane na agad namang niyakap ni Theo na katabi niya.

Umiling si Alex. "Huwag na muna, Vane. Moment nila yun eh."

Theo cleared his throat. "Sa tingin ko kelangan niyo din mag-usap ni Brian."

I sighed. Kaya ko na din ba siyang makausap? Baka maupakan ko lang siya ulit.

"Oo nga naman." Sambit ni Nathan. "I mean, after all, magkaibigan pa din naman kayo eh. Kelangan niyo din magkaayos."

Soobin suddenly raised his hand. "I second the motion." He blurted. "Para makapag-comeback na po kayo. Yung kumpleto pa din. Yung buong Bangtan pa din." Dagdag pa nito.

I sighed and looked down. "I... I will."

I think it's time para maayos na ang lahat. Yung sa amin ni Jo. At yung sa amin ni Brian. Tama sila. Namulat na din ako. Kelangan na naming magkaayos ayos. Hindi ko hahayaan na mawala si Jophiel sa akin. At si Brian? Susubukan kong maibalik ang lahat. Maibalik ang pagkakaibigan namin. Sana hindi pa huli ang lahat. Hintayin mo ako, Jo.

Best Part Of Me (BOOK 1) || Wattys 2019 (COMPLETED)Where stories live. Discover now