TWENTY

47 3 0
                                    

Athena Jophiel

Wala na lamang akong imik hanggang sa natapos ni Brian ang kanta. Si Beomgyu naman ay tuwang tuwa sa pamimili ng kanta.

"J-Jo... I--"

Pinutol ko ang sasabihin ni Brian. "Uh, I need to go home." Sabi ko sabay tayo.

Beomgyu was shocked. "Hala! Noona, isang kanta palang yun! Di ka pa nga nakakanta eh. Di pa din ako nakakanta."

"Uh, okay lang. M-Medyo pagod na din kasi ako eh." Pagpapalusot ko sa kanya.

Ang totoo niyan, naiilang ako. Alam kong sa bawat pagkanta ni Brian kanina ay sumusulyap siya sa akin. Nakokonsensya din ako. Ang akala ko ay okay na lahat. Pero bakit siya nasasaktan? Siya naman 'tong nang-iwan eh.

Palabas na sana ako nang biglang hinawakan ni Brian ang kamay ko. I froze. "Jo. Are you okay?"

Agad ko namang binawi ang kamay kong hawak niya. "Y-yeah. I'm okay. Gusto ko na talaga umuwi. Bye." Sabi ko sabay labas sa K-Hub.

Mabilis akong naglakad palabas ng mall. Hindi ko namalayan na sinundan ako ng dalawa.

"Noona! Yung mga pinamili natin iniwan mo! Tsaka yung stuff toy!" Sigaw ni Beomgyu na nasa likuran ko.

Nahinto naman ako sa paglalakad at tumingin sa kanila. Agad ko namang hiningi kay Beomgyu ang mga pinamili ko at ang stuff toy na bili niya. "Thanks, Beom-beom." I uttered.

"Hatid ka na namin? Ang dami mong dala eh." Brian blurted.

Mabilis naman akong umiling at naghanap na ng masasakyang taxi.

Beomgyu tapped my shoulder dahilan para mapalingon ako sa kanya. "Noona, okay ka lang ba talaga?"

I forced a smile and nodded. "I'm okay, Beomgyu."

"You're not, Noona. I can sense." He said.

Maya-maya pa'y may tumigil na taxi sa harap namin. Agad ko namang binuksan ang pinto ng taxi sa likod at inilagay ang mga dala ko. Agad din naman akong sumakay at isinara na ang pinto.

Brian knocked at the window at agad ko naman ito ibinaba.

"You take care."

I nodded at isinara ulit ang bintana.

"Okay na po ba, ma'am?" Tanong ng taxi driver saken.

"Opo, manong." Sagot ko.

Agad namang umandar ang taxi. Ilang buntong-hininga pa ang ginawa ko sa kahabaan ng biyahe. Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon.

Maya-maya pa'y narinig ko ang pag-ring ng aking phone. Agad ko naman itong kinuha sa aking bag at tinignan kung sino ang tumawag. Si Timothy.

Sumilay sa mga labi ko ang isang ngiti. Agad ko naman itong sinagot.

"Love! I miss you already. Nasa Korea na ba kayo?" I asked him.

I heard him sighed. "I miss you, too. Andito na kami, love." Sagot niya. "Nag-aabang na kami ng cab."

I sniffed. Naiyak na ako. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko.

"Love, you okay?" Nag-aalalang tanong ni Timothy.

I wiped my tears from falling. "Y-yes, love. Namimiss lang kita."

"Do you want me to go back there immediately?" Bulalas niya.

I chuckled. "No, love. It's okay. Mabilis lang ang isang buwan."

Napabuntong hininga ulit siya. "Naiinggit na ako dito kina Vane at Theo." Aniya. "Sumunod ka kaya dito?"

Best Part Of Me (BOOK 1) || Wattys 2019 (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz