TWENTY FIVE

44 4 2
                                    

I'm here at the mall with Beomgyu. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa namin dito. Kanina pa kami paikot-ikot. Hindi ko alam kung balak lang ako pagurin ni Beomgyu o sadyang hindi niya talaga alam kung ano ang ginagawa niya dito.

Napatigil ako sa paglalakad at ipinatong ang aking mga kamay sa bewang ko.

"Yah, Beomgyu." Pagtawag ko sa kanya.

Agad naman siyang napalingon sa akin. "Po?"

"San ba kasi tayo pupunta? Kanina pa tayo palakad lakad, huy. Pagod na ako." Sambit ko sa kanya.

Napahawak siya sa kanyang batok at pilit na natawa. "Ah, hindi ko po alam, noona eh."

I took a deep breath at nasapo ang aking noo. "Jusko ka, Beomgyu. Uuwi na ako."

Agad naman niya akong hinawakan sa braso nang magsimula na akong maglakad palabas ng mall. "Noona, andwae!"

Binawi ko naman sa kanya ang braso kong hawak niya. "Beomgyu-ssi, Jophiel noona is already tired."

"B-but noo---"

"Bye!" I blurted at tumakbo palabas ng mall.

"Yah! Jophiel noona wait!" Sigaw ni Beomgyu habang hinahabol ako.

Nang makalabas na ako ng mall ay agad naman akong nakasakay sa taxi. I saw Beomgyu stopped from running. Hingal na hingal ito. Ilang saglit pa'y hindi ko na siya natanaw dahil malayo na ang taxi mula sa mall na pinanggalingan ko. Ilang minuto pa'y nakarating na din ako sa bahay.

Napaawang ang aking bibig sa aking nakita. Pagkabukas ko ng gate ay bumungad sa akin ang daan na puno ng mga rose petals at may mga kandila sa gilid nito. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Ano itong paandar ng boyfriend ko? Andito na ba siya?

Nagmadali akong pumasok sa loob ng bahay at tinawag siya.

"Love?"

Pero walang sumasagot. I went upstairs para tignan kung andoon siya sa kwarto ngunit bigo akong makita siya. Hinanap ko siya sa kusina maski sa banyo, pero walang Timothy na nagpakita.

Nagtungo naman ako sa garden. And I was surprised dahil sa nakita ko.

"Brian?"

Agad napatingin si Brian sa gawi ko nang tinawag ko siya. Nanlaki naman ang kanyang mga mata at nailapag bigla sa mesa ang wine na hawak niya.

"J-Jo?" He stuttered. "W-what are you doing here? Akala ko kasama mo si Beom--"

"No. What are you doing here?" Ibinalik ko sa kanyang ang tanong. "A-Ano 'to?" Dagdag ko nang makita ang set-up ng garden.

Red rose petals spread everywhere. May isang maliit na mesa na may tatlong kandila sa ibabaw na nakalagay sa isang magarang candle holder at may dalawang upuan. May isang bouquet of roses din sa ibabaw ng mesa. Napakaromantiko ng ambiance. Pero nagtataka ako kung bakit si Brian ang nandito, at hindi ang boyfriend ko.

"J-Jophiel..."

"Ano'ng meron, Bri? Ba't may ganito?" Tanong ko sa kanya. Bago pa man niya masagot ang tanong ko ay biglang dumating si Beomgyu na hingal na hingal.

"Hyung! Sorry. Hindi ko na nahabol si Jophiel noona." Sambit nito habang hinihingal pa din.

Napakamot naman ng noo si Brian at ako nama'y nagpalipat lipat ng tingin sa kanilang dalawa na puno ng pagtataka.

"W-wait. Magkasabwat kayo?" Pagturo ko sa kanilang dalawa.

"Hyung, ikaw na bahala diyan ah? Uwi muna ako. Anyeong!" Bulalas ni Beomgyu sabay alis. Ibinaling ko naman ang tingin ko kay Brian.

Best Part Of Me (BOOK 1) || Wattys 2019 (COMPLETED)Where stories live. Discover now