1~The Girlfriend~

91K 1.3K 21
                                    

Paalala: Itong istorya na ito ay nagawa pa noong taong 2014. Ito ay produkto lamang ng malikot na imahinasyon. Walang katotohanan. Ngayon kung naghahanap kayo ng totoo doon kayo sa non-fiction. Fiction po ito. Fiction! Salamat po.

----

"And now ladies and gentlemen for the finale of this show, let us all welcome Ms. Alijah Megan Sy"

Umalingawngaw ang lakas ng sigawan ng mga tao sa loob ng big dome ng sa wakas ay masilayan nila ang pinakasikat ngayong model  na rumarampa sa catwalk wearing a black stunning formal dress.

Habang confident na rumarampa ay sadyang lumikot ang mga mata ni Megan para tingnan ang paligid at nagbabasakali na makita ang nobyo ngunit nabigo ito. Malungkot man hindi nalang niya ito ipinahalata habang walang tigil ang pagkislap ng kamera sa paligid upang kunan siya ng litrato.

Pagkatapos ng fashion show, papunta na ang grupo sa Steve Club (SC) kung saan gaganapin ang victory party dahil successful ang naganap na fashion show. Ang SC ay ang pinakasikat na Club sa New York (char).

Habang nasa club ay paulit ulit siyang tumitingin sa cellphone pero wala parin siyang natatanggap na tawag o kaya text man lang.

Babe, we're heading to SC now. Where are you? sent!

2 minutes...tingin...wala

5 minutes...tingin ulit.....wala

10 minutes....

30 minutes....

Wala pa rin! Hayst! Bwisit na lalaking iyon makikita niya! Wag na wag siyang magpapakita! Kakalimutan na kita! Joke!

Naiiyak na sa siya sa sobrang inis.

"Best, anong itsura yan ha? aba'y kahit sinong magaling na pintor hindi kayang iguhit ang mukha mong yan ah!", ang litanya sa kanya ng  bestfriend na si Jeff slash manager.

"Eh kasi si Kristan eh!", ang maktol ni Megan sa kaibigan na naiiyak at ngumuso pa.

"Hahahaha nakikita mo ba itsura mo? 24 years old ka na! Para kang bata jan! Umayos ka nga! Pano pag nakuhanan ng litrato na ganyang ayos ha?"

"I hate him! Subukan niyang magpakita sakin, makakatikim talaga ang magaling na lalaking iyon!" ang gigil nitong litanya sabay bagsak ng kanyang cellphone sa mesa.

"Makakatikim ng? Ang arte mo bruha! Kung hindi ko pa alam na patay na patay ka sa jowa mo. Makita mo lang siya, nagngingisay ka na sa kilig no! Swerte mo sa jowa mo! ang yummy te!", mahabang litanya ng kanyang bestfriend na si Jeff.

"Shut up! We are here to celebrate right? Tara! Let's drink!"

"That's my girl! Let's party!",tuwang tuwa na saad ng kaibigan.

Kinuha ni Megan ang ladies drink at inisang tungga iyon.

"Wow ang sarap! penge pa ako!"

Nakakasampung baso na siguro siya ng makaramdam siya ng sipa ng alak na ininom.

Ang tamis kasi. Ang sarap. Kaya lang dahil hindi siya sanay uminom ay sumipa na nga.

"Hoy best, tama na yan! Lagot ako nito kay Papa Kristan! Ayoko pang mamatay no!",natatarantang sabi ni Jeff

"Ano ka ba?! KJ mo eh! Ngayon pa nag-eenjoy na ako. Tara shayaw tayo!Hihihi",natutuwang saad ni Megan saka hinila ang kaibigan papuntang dancefloor.

Noong una, aayaw ayaw pa ito pero ng may lumapit sa kanyang lalaking foreigner ay nakalimutan na nito ang pag-aayang umuwi na.

"WOOOOHHHH!" Tatawa tawa pa si Megan habang sumisigaw ng may lumapit sa kanyang lalaki.

"Hey, enjoying huh? You want some company honey?" sabi ng lalaki at saka pinaikot ang mga kamay sa bewang ni Megan. Kaagad namang umalma at nagpumiglas si Megan.

"No thanks! You see? I am enjoying myself without any company. So please get lost!" pagsusungit ni Megan sa di kilalang lalaki sabay talikod dito paalis ng dancefloor.

Ngunit hindi pa siya nakalalayo,ay pinigilan na siya ng lalaki at hinawakan siya sa kamay.

"Can't you see? I want you honey. Let's go somewhere private." sabay ngisi nito at hinila palayo sa dancefloor sa Megan.

Doon na nagsimulang kabahan si Megan at nagpumiglas sa hawak ng lalaki.

"Get off me! You pig! You don't know what are you doin! My boyfriend will gonna kill you bastard!"

"Hah! Boyfriend my ass! I promise you, you will enjoy what I'm gonna do with you later. Who knows, I might be better than your so called boyfriend",ang pagmamayabang pa ng lalaki.

"Huh! In your ugly face! Ofcourse my boyfriend is better than anyone else especially compared to you! Now, let me go!" patuloy parin ang pagpupumiglas ni Megan pero hindi parin ito binibitawan ng lalaki at mas hinigpitan pa nito ang paghawak sa kamay ni Megan at pwersahang hinihila.

"Ouchhhhh!" umalingawngaw ang sigaw ni Megan sa club at biglang tumigil ang lahat. Napataas tuloy ang kilay ni Megan kasi ang weird lang. Lahat nakatingin at yung tingin nila ay parang naaawa.What? Bakit? Naaawa sila sakin? Pero bakit sa lalaking epal na ito sila nakatingin? Nang mahagilap ko si Jeff, para itong nakakita ng multo.

Weird

"Hands off!"

Parang tumigil ang mundo ni Megan pagkarinig sa nakakatakot na boses na yon.

Ahh so that explains everything. Kaya pala ang weird nila yon pala naririto na ang kanyang mahal para iligtas siya sa manyak na ito.

Dahan dahan siyang lumingon at nakita niya ang kanyang super duper hot boyfriend na nakauniform pa ng SWAT. Pero maging siya ay natakot ng makita ang madilim nitong mukha.

~

She is Daredevil's GirlfriendWhere stories live. Discover now