Chapter IV - Ligature Marks

2K 110 7
                                    

​     FEBRUARY 3

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

FEBRUARY 3...

​"Sandali lang at kukuha ako ng panghimagas."

​"H'wag na po, tita. Okay lang--" Hindi na nakatanggi pa si Laurenz Barilamat nang tuluyang tumayo at nagtungo sa kusina ang ina ng kanyang girlfriend.

​"Hayaan mo na si mama. Hindi mo talaga 'yun mapipigilan eh." Ashley Kate Brillante smiled at his boyfriend, 'tsaka niya muling ibinaling ang atensyon sa pinapanood na penikula.

​ Nang matapos si Mrs. Brillante sa pagkuha ng fruit salad, nakasalubong niya sa living area ang bunso niyang anak na si Abegail Kate. Huminto siya sa paglalakad at awtomatikong nagsalubong ang dalawang kilay. Huminga rin siya ng malalim as she glared at her daughter. "Anong oras na? Naglakwatsa ka na naman kasama ng mga walang hiya mong kaibigan, ano?"

​ Makikita sa murang mukha ni Abegail ang pagkatakot sa sariling ina. Nakapako ang kanyang tingin sa sahig habang nakataas ang dalawang balikat.

​"Ilang beses pa ba kitang pagsasabihan na layuan mo na 'yang mga walang kwenta mong barkada? Ano ka ba naman, Abegail! Bakit hindi mo man lang gayahin ang Ate Ashley mo? Honor student noong nasa high school siya! Ikaw, ano? Honor sa paglalakwatsa! Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa'yong bata ka!"

​ Sa bawat salitang lumalabas sa bibig ng kanyang ina, lalong humihigpit ang pagkakakapit ni Abegail sa magkabilang strap ng kanyang suot na backpack.

​"Ano pang hinihintay mo? Pumasok ka na sa kwarto mo at mag-aral! Mag-uusap ulit tayo mamaya." Mrs. Brillante walked past her youngest daughter. Awkward niyang inihain sa lamesitang nasa harapan ni Laurenz at ng kanyang panganay ang dalawang platito ng fruit salad. 'Tsaka siya umupo sa tabi ng kanyang anak. Pinilit niya ang sarili na ngumiti upang bawasan ang awkwardness sa loob ng bahay. "Pasensya na, Laurenz. Hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko na sermunan ang batang 'yon at sumosobra na talaga. Ang tigas ng ulo. Mabuti na lang at..." Tinapunan niya nang mapanuksong tingin ang kanyang panganay. "Itong si Ashley eh kabaligtaran ng kapatid niya. Kung anong ikinamalas ko kay Abegail eh siya namang ikinaswerte ko sa anak kong 'to."

​"Ma, naman! Nagkataon lang po na masipag akong mag-aral. Magdahan-dahan ho kayo sa pagsesermon kay Abegail, baka tumaas na naman po ang bp ni'yo." Pinisil nang bahagya ni Ashley ang kamay ng kanyang ina. "Hayaan ni'yo ho, ma. Ako nang bahala kay Abegail. Kakausapin ko siya mamaya."

​"Mabuti pa nga, ikaw na ang kumausap. Baka sakaling sa'yo makinig. Unti-unti na akong napupuno sa katigasan ng ulo! Baka kung ano pang magawa ko sa batang 'yon kapag napuno ako."

​"Tita..." Laurenz took Mrs. Brillante's attention. "Mauuna na ho ako. Maaga pa rin ho kasi ang trabaho ko bukas." He awkwardly stood up.

​"Ay! Oo nga pala, luluwas pa siya ng Sanghae para sa naka-schedule niyang photoshoot. Kailangan na niya talagang umalis, ma." Ashley also stood up.

LOHIKA 2: Land Of The Missing Children [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon