Chapter XXII - A Devious Trick

1.4K 108 17
                                    

     Sa paglalim ng gabi, nagtungo si Darren Castro sa Hamilton Bay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

     Sa paglalim ng gabi, nagtungo si Darren Castro sa Hamilton Bay. He stood in front of the dark sea. Nasa harapan niya ang malalaking batong bahagyang nababasa sa tuwing humahampas ang alon. Ramdam niya ang malamig na hangin na ibinibigay ng dagat.

     ​Inilabas niya mula sa bulsa ng kanyang suot na pantalon ang isang maliit at itim na kahon. Without further thinking, ibinato niya iyon. Using his cellphone's flashlight, inilawan niya ang kanyang harapan upang masigurong inanod ang kahon patungo sa malawak na dagat. Nakita niya na naipit lamang iyon sa malalaking bato kaya't agad siyang nagdesisyon na bumaba at kuhanin iyon, ngunit bago pa siya makakilos...

      ​"Sir, bawal mag-swimming dito sa Hamilton Bay." It was Lt. Jiho Lim.

​     Muling ibinalik ni Darren sa cemented ground ang kanang paa na nakaapak na sa mga bato. Awkward niyang tinawanan ang biglang sumulpot na pulis. "Hindi naman ako mag... si-swimming."

​     Pansin ni Lt. Lim ang kaba sa boses ng binata. He secretly smirked. "Easy lang, sir. Mga nagmamanehong lasing lang ang hinuhuli ko. Binibiro lang kita." Tinapatan niya ng flashlight ang suot na vest. It was stated there na isa siyang DUI officer.

​     Bakas sa muling gumuhit na ngisi sa labi ni Darren ang pagiging hindi komportable. To calm himself, dinukot niya sa bulsa ng pantalon ang isang pakete ng sigarilyo at lighter. He took one cigarette and lighted it. Then he offered some to Lt. Lim.

​     Agad naman iyong tinanggihan ng binata. "Pasensya na, sir. Hindi kasi ako naninigarilyo. Alam mo na... nag-iingat lang. Uso kasi 'yung... bro-broncho..." Halata sa ekpresyon ng kanyang mukha ang pagiging hindi sigurado. "Ano nga bang tawag du'n?"

​     Darren smirked. "Chronic bronchitis. P'wedeng emphysema at kung mamalasin COPD o chronic obstructive pulmonary disease. P'wede din mauwi sa lung cancer."

​     Lt. Lim was quite impressed. Hindi niya inaasahan na mayroong alam na medical terms ang construction worker na kaharap. "Medyo... madami kang alam ah. Siguro may doctor sa pamilya n'yo, tama?"

​     Lalong nadagdagan ang uneasiness ni Darren dahil sa tanong na natanggap niya. "Ah... officer, una na ako. Medyo malalim na rin ang gabi." Slowly inilayo niya ang katawan sa binatang pulis.

​     Tumango na lamang si Lt. Lim. Maluwag niyang tinanggap ang paalam nito. "Sige, sir. Ingat ka sa daan." As soon as Darren turned his back on him, gumuhit ang isang nakakalokong ngisi sa kanyang labi.

***

​     Kinabukasan...

​     Pagkarating ni Jiwon sa YCDO ay dumeretso siya agad sa opisina ni Deputy Chief Punongbayan. Unfortunately ay hindi niya doon nadatnan ang superior. She left the room at sinubukang hanapin sa ibang parte ng building ang matanda. At sa kanyang paghahanap ay doon niya ito natagpuan sa harapan ng interrogation room. In a rush, she approached him. "Deputy Chief!"

​     Pasimpleng napangibit ang matandang Deputy nang makita niya kung sino ang tumawag sa kanya. Tila ba hinihila ang katawan niya palayo sa palapit na dalaga, ngunit mas minabuti na muna niyang huminto sa gitna ng corridor upang harapin ito. "Miss Natividad, ang aga mo 'ata ngayon. Nag-time in ka na ba? Mukhang dito ka agad dumeretso ah. Bumalik ka muna doon at baka hindi masama ang araw na 'to sa se-swelduhin mo—"

LOHIKA 2: Land Of The Missing Children [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon