Chapter XXI - Conspiracy of Silence

1.4K 97 13
                                    

     Sa pagpasok ni Mrs

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

     Sa pagpasok ni Mrs. Gaon sa kanilang apartment, napansin niya ang bahagyang nakabukas na pinto ng kwarto ng kanyang anak. She hurriedly checked the room but found out na wala na doon si Shontelle.

     Sandali niyang pinagmasdan ang kabuuan ng kwarto. Her eyes spotted the trash bin na halos puno na ng basura. Nilapitan niya iyon at aktong hahawakan na nang mayroon siyang mapansin na kakaiba sa mga basurang naroon. She carefully picked up a bloody handkerchief from it. Her eyebrows almost collided sa confusion kung bakit duguan ang panyong iyon ng kanyang anak. But later on, she just made a conclusion na baka nakasama iyon sa damit na suot ni Shontelle na namantsahan ng dugo noong gabi na natagpuan nila si Cariza. Muli na lamang niyang ibinalik ang panyo sa basurahan at lumabas ng kwarto habang bitbit iyon.

***

     ​"Detective Sariin, tama na 'yan! Tumigil ka na!" Detective Naraga yelled pagkapasok na pagkapasok nila sa interrogation room. Kasama ang mga kapwa detective sa kanyang unit, pinagtulungan nilang awatin si Detective Sariin sa pambubugbog sa walang kalaban-laban na suspect.

​     Nang mailabas nila ng interrogation room ang matandang detective ay sinalubong naman sila ni Deputy Chief Punongbayan sa corridor.

     ​"Anong kaguluhan 'to?" Naroon ang galit sa malakas na boses ng matandang Deputy. Sandali niyang sinilayan sa loob ng interrogation room ang bugbog saradong doctor. "Anak ng—" Pilit niyang nilunok ang murang bibitawan niya sana. "Hindi n'yo ba alam na sa atin nakatutok ang mga mata ng media ngayon? Nagpatawag na ako ng press conference! Paano ko na ihaharap sa mga tao 'yang doctor killer na 'yan ha? Puro tama na sa mukha! Mga utak palaka—"

     ​"Deputy Chief, with all due respect, hindi ho tama na ilabas n'yo agad sa media na si Dr. Dennis Castro ang totoong pumatay kay Cariza."

​     Ang lahat ng atensyon ay napunta sa kararating lamang na si Jiwon Natividad.

​     Nagpanting sa tainga ng matandang Deputy ang sinabing iyon ng dalaga. Tila ba kinekwestyon nito ang kredibilidad ng desisyon at aksyon niya bilang Deputy Chief ng Violent Crimes Division. Nagsalubong ang kanyang mga kilay. "Anong... ibig mong sabihin, Ms. Natividad? Lumabas sa forensic investigation na gigli saw ang ginamit na murder weapon. Ang gigli saw ay maaari lamang gamitin ng taong mayroong karunungan sa surgical operations. Sa kanilang dalawa, sino ba ang doctor?"

​     Lahat ng detective na nakarinig sa sinabing iyon ng Deputy ay napatango at sumang-ayon.

​     Dahil doon ay lalong lumakas ang loob ng matandang Deputy upang salungatin ang dalagang criminal profiler. "Ano pang hinihintay n'yo?" He was asking the detectives of unit 2. "Wrap up! Wrap up!" He even clapped his hands. "Pakawalan n'yo na 'yung isa at ihanda na 'yang doctor sa presscon bukas. Tumawag na rin kayo ng magaling na make up artist para maremedyohan ang mga pasa at sugat n'yan."

LOHIKA 2: Land Of The Missing Children [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon