Chapter XLII - Passive

1.2K 78 5
                                    


​Days passed and everyone in the Province of Yonhwa went on with their lives.

​The Alpha and Bravo Team of Violent Crimes Division ay patuloy sa patagisan sa paghuli ng mga kriminal. It would only take thirteen more solved cases at malalagpasan na ng Bravo Team ang Alpha. Salamat sa malaking tulong na nai-ambag ng magaling nilang Profiler.

​Dumating na rin ang araw na pinakahihintay nina Eliza Buendoza at Jonathan Rusco. Ang araw ng kanilang pag-iisang dibdib.

​Isang beach wedding sa Serendipity Beach Resort and Hotel ang naganap pasado alas-tres ng hapon ng katapusan ng Marso. It was a private celebration na dinaluhan lamang ng piling malalapit na kaibigan at kamag-anak.

​And since Jiwon was one of the entourage, isa siya sa mga nakasaksi ng intimate wedding.

​The ceremony led to a beach party kasabay nang paglubog ng araw sa kanlurang bahagi ng Yonhwa. Big bonfire was set sa isang bahagi ng dalampasigan. Nakapaligid doon ang mga bisitang nagsasayaw sa nakakadalang tugtog ng live reggae band na tila ba'y hindi napapagod sa walang patid na performance nila sa mababang platform na nakaharap sa matayog na hotel. Ang mga may katandaang bisita naman ay komportableng nagpapahinga na sa loob ng hotel. At ang bagong kasal?

​"Hindi na daw makapaghintay si Kuya Jonathan," said Kit as he sat on the white sand sa tabi ni Jiwon.

​Noon lamang nahiwalay ang tingin ni Jiwon sa nilingon niyang bagong kasal na para bang parehong nagmamadali papasok sa loob ng Serendipity Hotel. Umayos siya ng upo, tingin nang diretso sa palubog na araw na nasa kanyang harapan, and didn't gave a reaction sa ibinalitang iyon ni Kit. For her it was normal. Logical. There was nothing wrong sa ikinikilos ng dalawang bagong kasal.

​But it was quite different for Kit's innocent mind. Noon niya lamang napagtanto na para bang mayroong mali sa ibinalita niya kay Jiwon. It sounded... vulgar. He grimaced as he looked away. Why did he said that vulgar statement to the woman he wanted to be with for the rest of his life? Striking a conversation with her had never been that awkward. 'Hindi na daw makapaghintay si Kuya Jonathan?' Ano na lang ang iisipin ni Jiwon sa kanya for saying that?

​Mabuti na lamang at nakakahypnotize ang ganda ng kalangitan at karagatan na mayroong pinaghalong kulay sky blue, orange, at burning red. Nakakapagpakalma ang banayad na paghampas ng alon sa dalampasigan. Tanaw nila ang Mt. Santala, and it seemed like it was trying to hide the sun from them.

​"Have you heard the myth about that mountain?" Jiwon suddenly asked.

​Kit glanced at her, at pagkaraan ay ibinaling niya ang tingin sa bundok na tinutukoy ng dalaga. He stared at the dark landmass projecting conspicuously above the burning water of the sea in front. "Mt. Santala?" he asked back. Right at that moment, gusto niyang i-search sa google ang alamat ng bundok na iyon.

​Jiwon recognized the meaning behind the innocent asking tone of Kit. Alam niya na walang ideya ito kung ano ang kanyang tinutukoy, that's why she started, "Kung sino man daw ang umakyat sa Mt. Santala after sunset, that unfortunate person would be cursed. Habambuhay na kalungkutan. Katulad ng diwatang naninirahan sa bundok na pinarusahan dahil sa pag-ibig niya sa mortal."

​"Hindi naman 'yon totoo," Kit simply commented while staring at the mountain.

​"Of course, it can't be true."

​Kit looked at Jiwon's face. Nadadampian ng mapulang kulay ng araw ang magandang mukha nito. "Nag-aalala ka ba dahil inakyat mo ang Mt. Santala after sunset?" As Jiwon casted her eyes downward, smiling bitterly, nasilayan niya ang lungkot na itinatago ng dalaga. Right at that moment, alam niyang magsisinungaling ito.

LOHIKA 2: Land Of The Missing Children [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon