Chapter XV - Disclose The Verity

1.6K 101 17
                                    

     ANG gabi ng linggo ay napuno ng balita tungkol sa pag-amin ni Harold Escobal sa krimen na 'di umano'y kanyang ginawa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

     ANG gabi ng linggo ay napuno ng balita tungkol sa pag-amin ni Harold Escobal sa krimen na 'di umano'y kanyang ginawa. Naging usap-usapan ang kasong iyon sa buong bansa. People were alarmed and worried. Ikinabahala nila ang tila ba'y sunod-sunod na patayan sa Probinsya ng Yonhwa.

​     Amidst the news about Escobal's confession, naglabas rin ng isang balita ang kampo ni Vice Mayor Loresto Villarino. He officially announced in a press conference na mayroon siyang bubuksan na bagong foundation, which is 'Live Again Foundation'. According to him, isa iyong foundation na ang layunin ay suportahan at tulungang makabangon muli ang mga pamilya ng mga naging biktima ng homicide. His sugarcoated words gave hope to the people of Yonhwa. He instantly received praises and compliments from the people around him. Kaya naman sa kabila ng kanyang laban sa pagkuha ng hustisya sa pagkamatay ng sariling anak, he felt like he was in cloud nine. Indeed, gustong-gusto niya ang ideya na pinag-uusapan at pinupuri siya ng mga taong kanyang nasasakupan.

​     Harold Escobal on the other hand was transferred to Prosecutors' Office matapos makumpirma ng Bravo team na mayroon ngang drugs sa dorm na kanyang tinutuluyan.

​     Ang lahat ay tila ba umaagos ng tuloy-tuloy at walang aberya.

​     Nasaksihan ni Jiwon Natividad ang tuluyang pagkasira ng pangalan ni Escobal at ang lalong pagbango naman ng pangalan ng Bise Alcalde. On her way home, she received a call from her father.

     ​"I know that you did your best. That case is getting a lot of public attention. Mabuti na lang at mabilis n'yong naipasa ang kaso sa Office of The Prosecutor. Ngayong wala na sa kamay n'yo ang jurisdiction, you should focus on your next case."

     ​"Pa..." It sounded like she wanted to tell something that was bothering her.

​     Commissioner General Damian Natividad stayed quiet on the other line, waiting for his daughter's words.

​     Jiwon sighed before she continued to talk. "Don't worry, I'll focus on my next case."

     ​"Oo nga pala, hija. Nagpaalam sa akin ang Yaya Jing mo. She wanted to have a short vacation on her province. We both know na matagal-tagal na rin siyang hindi nakakauwi sa sarili niyang pamilya. I wanted to give her my permission, but who will attend to your needs—"

     ​"It's okay, pa. Hayaan po natin na makapagbakasyon naman si yaya. I'm sure namimiss na niya 'yung mga kamag-anak niya do'n. You don't have to worry about me. I'll be fine."

     ​"Are you sure? I'll get you a new helper para hindi ka mahirapan."

     ​"Pa, it's just for a short time—"

     ​"No, I insist. I can't let you be on your own. It's settled. Someone will replace her temporarily pag-alis niya d'yan sa Yonhwa. Do you understand that?"

​     Though she badly wanted to say no, wala na siyang nasabi pa hanggang sa matapos ang tawag na iyon.

***

LOHIKA 2: Land Of The Missing Children [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon