Chapter XXXVII - The Agony of Never Knowing

1.1K 81 13
                                    


​     Lieutenant Jiho Lim stood beside an old mahogany tree as he watched the mournful burial of Yesha, Eisha, and Ishie. He was too far to hear the priest's consoling voice, but near enough to feel the sadness of everyone standing there. Naisin man niyang lumapit at makiramay sa lungkot at sakit na nararamdaman ng lahat ng taong naroon ay hindi niya magawang ihakbang palapit ang kanyang mga paa. He felt like he didn't deserve to become a part of that burial. He didn't deserve... because he knew in his heart that he was somehow responsible for their death. Hindi niya makayanang lapitan pa ang walang buhay na katawan ng mga bata. He failed to do his job. His job to protect the weak.

​The weather was calm and melancholic. Pansin iyon ni Jiwon nang mapatingala siya habang nakikinig sa pagbabasbas ng pari sa tatlong anak ni Ms. Tanggol. Being in that burial was really a torturous decision. Hindi niya lamang nakikita ang lungkot, ramdam na ramdam niya rin ang matinding sakit na nararamdaman ng mga namatayan. Ang maghatid sa huling hantungan ay hindi kailanman naging madali, dahil doon mo pa lamang mapagtatanto na totoong wala na sila. It was evident at Gea's way of wailing.

​As Jiwon wandered her gaze around the cemetery, she saw Lieutenant Lim—walking toward a parked black Mercedes Benz with a classy woman that looks like his mother—waiting for him to get in the car. Pinanood niya ito hanggang sa tuluyang makaalis sa loob ng sementeryo ang itim na kotse. And that was the last time she saw him.

​     The higher ups decided to delay the dissolution of Ace Team, and the award and promotion ceremony. Nais nilang mahuli muna ng grupo ang nagtatagong suspect na si Chef Martin Dimava bago nila ituring na sarado ang mass abduction case.

​Sa kabila ng desisyon na iyon ay nilisan na ng naturang grupo ang itinakdang opisina nila. Bumalik na sila sa kanya-kanyang orihinal na departamento at nagsimulang tumulong sa mga bagong kaso.

​"Ang balita ko nakabuntis daw," Detective Naraga said sa paraan na para bang normal lamang ang balitang iyon. Detective Han and Detective Borja looked at him in disbelief.

​"Seryoso? Paano si Miss Jiwon?" Kitang-kita sa hindi maipintang mukha ni Detective Han ang pag-aalala sa kanilang magandang profiler. Sa pagkakaalam niya ay may relasyon si Jiwon at ang bigla na lamang nawalang lieutenant ng unit one. Kung totoo mang nakabuntis nga ng ibang babae si Lieutenant Lim ay hindi niya ito mapapatawad.

​"Naniwala ka naman d'yan," nagdekwatro si Detective Borja at sinimulan na lamang basahin ang nakatambak na case report sa kanyang lamesa. He lost his interest sa topic na paulit-ulit na lamang niyang naririnig. "Napadestino lang 'yon sa ibang lugar. H'wag kang magpapani-paniwala sa mga sinasabi n'yang si Naraga. Sa sampung sinabi n'yang kumag na 'yan, labing-isa ang mali."

​"Anak ng—abonado pa talaga ako? Imposibleng napadestino 'yon nang hindi man lang nagpaalam," depensa ni Naraga.

​"Anong imposible? Kailan ba 'yon nagpaalam? Ginagawa nu'n kung anong gusto niyang gawin."

​"Kahit na! Ngayon lang siya mapapalipat ng lugar, dapat may pinagsabihan man lang siya kahit na isa sa atin dito sa YCDO! Hindi 'yung bigla na lang siyang mawawala!"

​"Apektado ka ah. Ikaw yata ang shota eh."

​"Gago—"

​"Ang aga-aga ang ingay n'yo," Detective Sariin said nang magising siya mula sa kanyang mababaw na pagkakaidlip sa kanyang lamesa. Tumayo siya at nag-inat. Pagkatapos ay tinapunan niya ng masamang titig ang kabilang unit na hindi kalayuan sa kinaroroonan niya. Nang makita niyang tahimik na ang mga ito, he slowly approached them. Dinampot niya sa lamesa ni Detective Han ang isang wala pang bawas na energy drink at ininom iyon nang hindi man lamang nagpapaalam.

​"A-akin 'yan..." As much as he wanted to stop the old detective from drinking his precious energy drink, wala na siyang nagawa kun'di ang panoorin itong ubusin ang inumin.

LOHIKA 2: Land Of The Missing Children [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon