Chapter VII - Time of death

1.6K 89 2
                                    

     ​"OKAY lang naman ako dito, kuya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

​"OKAY lang naman ako dito, kuya. Pakisabi kay mama, h'wag na siyang masyadong mag-alala sa'kin. Kapag na-approve ang leave ko, uuwi naman ako d'yan eh." Habang kausap sa mobile phone ang kanyang nakatatandang kapatid na lalaki, mayroong narinig na sitsit si Detective Zarich Han. Huminto siya sa kalagitnaan ng hallway at hinanap sa paligid ang taong maaaring tumawag sa kanya. As his eyes met the person who was leaning on the wall, awtomatikong nagbago ang maliwanag na aura niya.

​ Using his index finger, Lt. Jiho Lim ordered the young detective to go near him.

​"Sige, kuya. Tatawagan ko na lang si mama mamaya." Detective Han ended the call and hid his phone inside the shallow pocket of his denim jeans. As courtesy sa kanyang senior ay sinunod niya nga ito at lumapit. Ngunit imbis na kausapin siya ni Lt. Lim, mabilis na inagaw sa kanya ng pasaway na binata ang hawak-hawak niyang case report. "Lt. Lim!" He tried to snatch it back, but he failed.

Lt. Lim browsed the documents.

​"Kaya ka hindi napopromote eh! Ang hilig mong mangialam sa mga kasong hindi naman sa'yo!"

​ Tila ba nagpanting sa tainga ng binatang lieutenant ang sinabing iyon ng kanyang subordinate. Bahagya niyang inihampas ang hawak na mga bondpapers sa ulo nito dahil doon. "Manahimik ka. Na-identify na ba ni Jiwon ang suspect?"

​"Sa tingin mo ba sasabihin ko sa'yo?" Sa pagkakataon na iyon ay nagkaroon na siya ng chance na bawiin ang case report. Maingat niyang itinuwid ang hindi naman gaanong nagusot na mga papel.

​"Hindi ka talaga maaasahan." Then he saw Jiwon Natividad, walking on the hallway na kinaroroonan nila. "Sa kanya ko na lang itatanong. Jiwon!" Parang batang tinakbo ng binatang lieutenant ang distansya na mayroon sila ng dalaga, at sinabayan niya ito sa paglalakad.

​ Tila ba naalarma at hindi nagustuhan ni Detective Han ang sinabing iyon ng kanyang senior. He followed him, trying to stop him from bothering their criminal profiler. "Lt. Lim! Sasabihin ko na sa'yo! H'wag mo nang istorbohin si Miss Jiwon!"

​ Ignoring the young detective's objection, Lt. Lim focused his attention at the lady beside him. "Sa'n ka papunta?" He asked nang mapansin niyang binabaybay nila ngayon ang hallway palabas ng YCDO.

​"Forensic Division Office." Simpleng sagot ni Jiwon.

​"Ako na magda-drive." Sa isang iglap lamang ay naagaw ng binatang lieutenant ang susi ng kotse ng dalaga mula sa mga kamay nito. Nauna na rin siya sa paglabas ng building upang kuhanin sa parking area ang sasakyan.

​ On the other hand, hindi makapaniwala si Detective Han sa inasal ng senior niya. "Miss Jiwon, bakit pumayag ka? Ibang unit siya! Hindi dapat siya nangingialam sa kasong hawak natin!"

​"Kung pipigilan ko siya, lalo lang siyang magpupumilit. I know him. Don't worry..." Tinapunan niya ng isang assuring glance ang nag-aalalang binata. "He doesn't bite." As she reached the front porch of the building, she swiftly went inside her car na ipinarada ng binatang lieutenant sa harapan.

LOHIKA 2: Land Of The Missing Children [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon