Chapter VI - Criminal Profiling

1.7K 94 2
                                    

​     MABABAKAS ang hindi pagiging komportable ng mag-ina sa loob ng maliit na interrogation room

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

MABABAKAS ang hindi pagiging komportable ng mag-ina sa loob ng maliit na interrogation room. Ang malabong ilaw ay tila ba nagbibigay ng malamig na atmosperya. Tanging sariling paghinga lamang nila ang kanilang maririnig sa kulong na lugar.

​ That's when Ashley Kate Brillante realized something. Unti-unting nabuo sa kanyang isipan ang imahe ng kanilang sitwasyon sa mga oras na iyon. They were not called for a simple questioning bilang kapamilya ng biktima. They were called as suspects. Kaya't nang pumasok sa loob ng interrogation room ang criminal profiler na si Jiwon Natividad, she furiously stood up. "P'wede bang... malaman kung bakit ni'yo kami pinatawag dito? Nakapagbigay na kami ng testimony. Hindi ko lang maintindihan. Bakit... pati kami ii-interrogate ni'yo? H'wag mong sabihin na... pati kami ni mama... pinaghihinalaan ni'yong pumatay sa kapatid ko."

​ Nagdiretso si Jiwon sa upuan na nasa harapan ng mag-ina. Umupo siya roon na para bang hindi big deal ang reaction ng babaeng nagpoprotesta. As she opened the laptop on the wooden desk, tiningnan niya sa mga mata si Ashley. "Everyone who was present at the crime scene's parametric area at the time of the victim's death... as of now, are all considered person of interest."

​ Napahinga ng malalim si Ashley dahil sa narinig. She remained standing—looking for a perfect reason upang makatakas silang mag-ina sa interrogation na iyon.

​ Jiwon noticed Ashley's behavior. She then shifted her gaze to Mrs. Emelda Brillante. Ramdam niya ang pag-aalala sa namumugtong mga mata nito. "We're looking at every angles and possibilities, ma'am. Katulad ni'yo, gusto rin naming mahuli at mapanagot ang totoong pumatay kay Abegail. That's why we're eminently hoping for your full cooperation."

​ Mrs. Brillante felt the sincerity at Jiwon's voice. At dahil doon ay pasimple niyang hinigit paupo ang furious na anak.

​"Now... ik'wento ni'yo sa akin kung anong nangyari noong February 3. Umaga hanggang sa matagpuan ni'yo ang biktima. Importante ang lahat ng detalye, maliit man o malaki." Inihanda ng dalagang criminal profiler ang sarili sa pagta-type sa keyboard.

​ Sandaling nagtinginan ang mag-ina. Through their eyes, they were asking each other. Then after a minute, Mrs. Brillante started the story.

​ Sa likod ng makapal na salaming pumapagitna sa interrogation room at sa monitor room, naroon sina Captain Cansicio, Detective Zarich Han, at Detective John Alinas. Pinapanood nila ang lahat ng kaganapan sa loob ng interrogation room.

​"Kap, kailangan pa ba talaga 'to? Hindi ba't nagsasayang lang tayo ng oras sa bagong profiler na 'yan? Dati rati naman, umaaksyon agad ang team. Pumasok lang 'yang babaeng 'yan sa unit natin, parang siya na ang mas nasusunod sa inyo." Mayroong inis sa boses ni Detective Alinas.

​"Malaki ang papel ng profiler sa pag-iimbestiga. Ngayon mo 'yon makikita. Isa pa, dapat nga ay magpasalamat pa tayo at biniyayaan ang Bravo team ng isang criminal profiler na grumaduate sa isang prominenteng unibersidad." Captain Cansicio managed to gave a calm respond habang matalas na nakikinig at nanonood sa makapal na salamin.

LOHIKA 2: Land Of The Missing Children [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon