Chapter XIV - Confession

1.7K 92 11
                                    

​     KAHIT na anong lihim ang gawin ng awtoridad, nakalusot pa rin sa media ang impormasyon tungkol sa resulta ng post-mortem examination kay Lady Shan Villarino

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

​ KAHIT na anong lihim ang gawin ng awtoridad, nakalusot pa rin sa media ang impormasyon tungkol sa resulta ng post-mortem examination kay Lady Shan Villarino.

​ Lalong nadagdagan ang galit ng publiko sa mga taong nasa likuran ng imbestigasyon. Hindi nila lubos maunawaan kung anong kahalagahan ng ginawang autopsy sa bangkay ng biktima. Ang lahat ay may opinyon.

​ Since public figure si Vice Mayor Loresto Villarino, napagdesisyunan niyang gawing bukas sa taumbayan ang progreso ng imbestigasyon sa kaso ng pagkamatay ng kanyang anak. Dahil doon, lalong natuon ang mga mapanghusgang mata ng publiko sa mga detective na may hawak sa kaso.

​ Habang nagpupulong ang Bravo team sa conference room, humahanguhos na pumasok sa loob ng kwartong iyon ang galit na galit na si Deputy Chief Punongbayan.

​ Natahimik ang lahat dahil sa presensya ng matandang superior.

​"Anong ginagawa n'yo? Nakalubog na ang araw wala pa rin kayong nakukuhang ebidensya! Galit na galit na sa atin ang publiko! Gumalaw-galaw kayo! Hindi uusad ang kaso kung lahat kayo naka-upo lang dito!" He was about to leave the room, but then he remembered something. "Tumawag na si Commissioner General Natividad. Kung hindi n'yo pa daw maisasara ang kaso na 'to sa lalong madaling panahon, ipasa n'yo na lang daw sa SCID." He hissed, bago tuluyang lumabas.

​ Halos sabay-sabay napabuntong hininga ang mga kalalakihan na nasermunan ng matandang Deputy Chief. They were all tired and drained from running around the town para lamang makahanap ng ebidensya, ngunit tila ba hindi iyon na-appreciate ng kanilang superior.

​"Pa'no na, kap? Ano nang gagawin natin?" Tila ba suko na si Detective Zarich Han. Wala na talaga siyang ideya kung ano ang susunod nilang gagawin.

​"Eh kung pigain na lang kaya talaga natin 'yung Escobal na 'yon? Subukan ulit natin, kap. Tulal eh 'yun naman talaga ang gusto ni Deputy Chief na gawin natin. Kung makikita n'yo rin sa balita sa tv, pabor din ang mga taumbayan na ikulong na si Escobal." Detective Daryl Borja reacted.

​"Oo nga, kap. Kapag nakakuha na tayo ng confession kay Escobal, matatahimik na ang taumbayan." Iyon na lamang rin ang last resort para kay Detective Kristoffer Naraga. Tumayo siya at ipinakitang handa na siyang isagawa ang planong iyon. "Sabihin n'yo lang, kap. Ako nang bahala. Siguradong magsasalita 'yon 'pag nasaktan ng kaunti."

​ The old Captain Cansicio gasped. Umiling at bakas sa ekspresyon sa kanyang mukha ang pag-aalala at hindi pagsang-ayon sa ideyang ibinato ng kanyang subordinate. "Tumigil ka, Naraga. Wala na tayo sa taong 1990's kung saan p'wede mong bugbugin ang suspect hanggang sa maging gulay ang katawan niya."

​"Eh, kap..." Inginuso ni Detective Borja ang tahimik nilang criminal profiler. It was like he was telling the old captain na baka mayroong maitulong ang dalaga sa kanilang problema.

​ Nabaling ang atensyon ni Captain Cansicio kay Jiwon Natividad. Kita niya kung gaano kaseryoso ang dalaga habang nakatitig ito sa mga larawan ng bulok na katawan ni Lady Shan Villarino. The photos were taped on the white board na nasa dulo ng mahabang lamesa. "Miss Natividad..."

LOHIKA 2: Land Of The Missing Children [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon