Chapter XXIV - Erasing The Line Between Fantasy and Realism

1.8K 97 13
                                    

​ Biyernes ng umaga, inihatid ni Jiwon ang kanyang Yaya Jing sa terminal ng bus sa bayan ng Yonhwa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

​ Biyernes ng umaga, inihatid ni Jiwon ang kanyang Yaya Jing sa terminal ng bus sa bayan ng Yonhwa. Kumpara sa mga nagdaang araw ay maganda ang sikat ng araw sa kalangitan.

​ Bagamat nakangiti ang mga mata ng dalaga ay hindi maitatanggi na mayroong lungkot pa rin na sumisilay. Sa loob ng mahigit sampung taon ay mawawalay ulit siya sa kanyang itinuturing na pangalawang ina.

​"Alagaan mo 'yang sarili mo hangga't wala ako dito sa Yonhwa. Mag-iingat ka, 'nak." Sa huling pagkakataon ay isang mahigpit na yakap ang iniwan ni Yaya Jing sa kanyang malungkot na alaga.

​ Jiwon reciprocated that warm tight hug. At bago niya tuluyang pakawalan ang kanyang yaya, "Ikaw din, ya. Mag-iingat ka du'n."

​"Oh, s'ya... sige. Baka maiwan na ako ng bus." Pasimpleng pinunasan ni Yaya Jing ang kanyang mga basang mata bago umakyat sa bus. Pagkatapos niyang maka-upo sa tabi ng bintana ay sinenyasan niya ang kanyang alaga na maaari na itong umalis upang hindi ma-late sa trabaho.

​ Jiwon smiled. Then she waved her hand to bid goodbye. Hinintay niya ang tuluyan na pag-alis ng bus sa terminal bago bumalik sa kanyang kotse.

​ As soon as she entered her car, nadako ang kanyang atensyon sa itim na paperbag na nakapatong sa passenger seat. Laman ng paperbag na iyon ang isang garapon na puno ng dried tea leaves na hanggang ngayon ay hindi niya malaman kung anong klaseng dahon. Iyon ang parating itinitimpla ng kanyang Yaya Jing sa kanya tuwing umaga. Gumuhit ang isang kaaya-ayang ngiti sa kanyang labi nang tila ba'y narinig niya sa kanyang tainga ang paulit-ulit na paliwanag ng kanyang yaya kung anong magandang maidudulot noon sa katawan ng tao.

​'Nakakalinis 'yan ng bituka, aayos ang pagdumi mo. 'Yung mga bato-bato sa kung saan-saang parte ng katawan eh matutunaw n'yan. Aba e hindi 'yan tinawag na wonder leaves ng walang dahilan. Kapag inaraw-araw mo ang inom, napakaganda ng maidudulot neto sa digestive system, respiratory system, reproductive sytem, at kung anu-ano pang system na meron sa katawan!'

​ Her yaya asked her to give that jar to Lt. Jiho Lim dahil napanood nito ang binata sa telebisyon. Hangang-hanga ang matanda sa katapangan ng binatang lieutenant kaya't ibig niyang regaluhan ito ng wonder leaves.

​ Buong galak namang sumang-ayon agad si Jiwon sa mungkahing iyon. Hindi dahil sa nais niya talagang bigyan ng kung ano ang binata, ngunit dahil gusto niyang mawala na ang garapon ng mapait na tsaa sa kanilang bahay. She was so sick of drinking that tea everyday. Kaya't ngayong may oportunidad upang mawala na iyon sa buhay niya, hindi niya hahayaan na palampasin ang pagkakataon.

​ Sa pagpasok ni Jiwon sa opisina ng Violent Crimes Division, bumungad sa kanya ang magulong imahe ng kanilang trabaho.

​ Nagsisigawan ang kampo ng mga nagrereklamong may utang at ang kampo ng mga kalalakihang loan shark. Pareho silang hindi mapatahimik ng mga detective na naroon. Hindi sila magkaintindihan sapagkat nangunguna ang putak ng bibig.

​ Ang grupo ng mga nangutang ay nagrereklamong pisikal silang sinasaktan ng mga naglalakihang loan shark sa tuwing hindi sila nakakabayad sa tamang oras. Ang grupo naman ng mga loan shark ay mura nang mura. Puro bastos na salita ang lumalabas sa kanilang bibig.

LOHIKA 2: Land Of The Missing Children [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon