Chapter 3: Restaurant

982 31 0
                                    

Psyche POV

"Lil Sis!" Humawak si kuya sa aking braso kaya naman nilingon ko siya.

"Oh?"

"Kain muna tayo please." Sabi niya kaya natawa ako. Saglit akong tumingin sa gilid niya at nakita ang isang pares ng magka sintahan na nasa waiting area, ang babae ay naka hawak sa braso ng lalaki habang ang lalaki ay may hawak na phone. Muli kong ibinalik kay kuya ang paningin at ngumiti.

"Sige." Sabi ko kaya agad nya akong hinila papunta sa sasakyan namin. Napa iling iling nalang ako habang sumasakay sa Van na sumundo sa amin sa Airport.

Sa byahe namin papunta sa isang restaurant dito sa Canada ay nag kwekwentuhan sila Neon at Jello kasama si Kuya at Jorgie habang ang mga anak naman nila Neon at Jello ay tulog.

Ako naman ay nasa pinaka likod na upuan ng Van at naka tingin lamang sa bintana habang may earphone sa aking tenga.

'Matthew, andito na ako sa Canada. Bukas ay mag lilibot libot na ako dito at una kong pupuntahan ang sinabi mong lugar sa akin na magandang puntahan dito sa Canada. Ikaw nalang ang kulang Matthew.'

"Hoy!" Napa balikwas ako ng biglang hilahin ni Jello ang earphone ko at sinigawan ako sa tenga.

"Ano ba?"inis kong tanong at inirapan siya.

"Naiyak ka nanaman oh." Sabi niya at ibinigay ang panyo niya sa akin. Pinag masdan ko ang ilang kasama namin dito sa Van at halos silang lahat ay naka tingin sa akin. ayan nanaman sila sa nakaka awang tingin na yan -_-

"Alam mo Psyche, birthday mo ngayun dapat masaya ka dahil araw mo ngayun."sabi ni Jorgie at ngumiti.

"Wag ka muna mag isip ng kung ano ano enjoy your day lil sis."sabi naman ni kuya kaya napa ngiti ako.

Grabe, napaka swerte ko dahil kasama ko sila. Wala na akong ibang mahahanap na kagaya nila.

"Oy ayan na yung restaurant oh!"Sabi ni Jello habang naka tingin sa bintana.

"Kainan time na!"parang batang sabi ni Jello, agad naman siyang binatukan ni Neon kaya natawa kami.

Nang tumigil na ang sasakyan namin sa tapat ng restaurant ay agad na binuksan ni Jello ang pinto at parang batang nag sisitakbo papasok sa loob ng restaurant. Napa tampal nalang si Neon at napa iling.

"Para akong nag alaga ng tatlong sanggol." Sabi ni Neon at iiling iling na pumasok sa loob ng restaurant.

Huminga muna ako ng malalim saka tumingin sa isang sasakyan ka kakaparada palang sa tapat ng sasakyan namin.

Bumukas ang pinto non at lumabas ang isang babaeng amerikana.

"Lil sis tara na!" Hinila na ako papasok ni kuya sa loob ng restaurant.

Someone's POV

Pumarada na ang sasakyan namin sa tapat ng restaurant. unang lumabas si Sharia, lumabas na din ako sa sasakyan namin. Hinawakan ni Sharia ang kamay ko saka kami pumasok sa loob ng restaurant.

"Good day Ma'am Sir welcome to Vluptions Restaurant." Bati sa amin nong isang crew.

"Private Table for us please." Naka ngiting sabi ni Sharia sa Crew.

"This way Ma'am." Sabi ng Crew at inasist kami papunta sa private Table. Habang papunta kami don sa Private Table ay may papalapit sa aming lalaki na tumatakbo.

"Ouch!" Sigaw ni Sharia ng mabangga siya nong lalaki. Tumingin yung lalaki kay Sharia.

"Letse naman." Bulong ng lalaki at tumigil sa harap ni Sharia.

"Pasalamat ka maganda ka, tabe." Sabi niya at tinulak papunta sa tabi ko si Sharia.

"Hey!" sabi ni Sharia.

Filipino pala yung lalaki, tsk tsk.

"Pare. Parang di naman ata tama ma gawin mo yun sa girlfriend ko." Tumingin sa akin yung lalaki. Nanlaki ang mga mata niya na para bang naka kita siya ng isang multo.

"M-matthew..." Kumunot ang nuo ko.

"B-buhay ka?"

"What are you saying?"inis na sabi ni Sharia at hinila ako.

"Let's go Babe." Sabi ni Sharia at hinila ako palabas ng restaurant.

Muli kong tinignan yung lalaki na tinawag akong Matthew. Naka tingin parin siya sa akin na para bang gulat na gulat at di makapaniwala sa mga nakikita.

Bakit pakiramdam ko familiar ang lalaking yun?

What the fuvk.

~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

He's my FianceWhere stories live. Discover now