Chapter 10: Neon Witness

843 25 1
                                    

Psyche POV

Dalawang araw na ang lumipas simula ng magka sagutan kami ni kuya. Wala kaming pansinan simula nong araw na iyon, hindi ko siya pinapansin at hindi ko siya kinikibo.

Kapag kakain kami ay lagi akong nag papahuli para lang di siya makasama sa hapag kainan. Lagi niyang kasama si Lukas at Jorgie. While Neon and Jello naman ay gumagawa ng way para magka bati kami.

To be honest, masama ang loob ko kay Kuya. Akala ko full support siya sa akin sa pag hahanap kay Matthew but then he's so plastic. Suporta lang naman ang hinihingi ko. Yun lang pero di niya pa magawa gawa.

"Insan?" Tumingin ako kay Neon na kakapasok lang sa kwarto ko.

"Nasa baba yung Sharia, binibisita ka." Sabi nito.

"Susunod na ako." Sabi ko at bumangon sa higaan ko. Lumabas siya ng kwarto. Nag bihis ako at medyo inayos ang sarili ko then bumaba.

Nakita ko si Sharia na naka upo sa sofa habang may hawak na paper bag.

"Psyche." Tawag niya ng makita ko.

"Sharia, what are you doing here?" Tanong ko at ngumiti. Nag beso siya sa akin at sabay kaming umupo sa sofa.

"I want to give this." Sabi niya at inilahad sa akin ang hawak niyang paper bag.

"For what?" Tanong ko at tinanggap yun.

"Late birthday gift? This past few days I'm busy travelling the beautiful places here in Canada with my Fiance. And i almost forgot my promise to you that we will hangout if we have free time." Sabi niya.

"No need for this but thank you." Naka ngiti kong sabi.

"Are you free today? Let's go hangout my treat." Sabi niya habang naka ngiti. Umiling ako.

"I'm not feeling well, my head hurts and I'm still tired." Pag sisinungaling ko. Tinatamad ako.

"Oww okay maybe next time if we met again." Sabi niya at nag pout.

"What do you mean?" Tanong ko.

"Tomorrow, i'm going back to Mexico with my fiance. And i don't know if we met again cause we will stay there for good." Sabi nito. Tumango tango ako.

"Good luck then." Sabi ko at ngumiti.

Nag kwentohan lang kami ni Sharia ng dumating si Neon na may dalang Juice at nilapag sa harap namin.

Neon POV

Binigyan ko ng Juice sila Psyche at yung kausap niya. Nakaka hiya naman kasi baka isiping nag titipid kami. Bumalik na ako sa kusina ng may nag doorbell.

"Ako na mag bubukas." Sabi ko kay Psyche na naka tayo. Umupo siya ulit sa sofa at nag patuloy sa pakikipag kwentuhan don sa bisita niya.

Sila Jello siguro to? Lumabas kasi sila kasama yung kambal. Binuksan ko yung pinto at nag punta sa gate. Binuksan ko yung gate at halos lumuwa ang mata ko sa nakita ko.

"Hi, is Sharia here?"

"M-matthew."
Napa lunok ako. Nakita ko kung paano kumunot ang nuo nito.

"B-buhay ka?" Tanong ko.

"Ughm... Who are you?"

Fucking no way?! Di niya ako kilala? Seryoso?!

"Tangina..." Napa mura nalang ako at kinusot kusot ang mata ko. Nakita kong clueless sya.

"Buhay ka nga!" Sabi ko at niyakap siya. Bigla niya akong tinulak palayo sa kanya.

"Wait wait, let me clear." Sabi nito.

"My name is Vermone not Matthew and please just tell me if Sharia is here? I'm finding my Fiance." Sabi nito.

"May... Fiance ka?" Tanong ko.

"Yes? Why?"

"Tangina si Psyche ang Fiance mo! Ano ba hinahanap ka na--"

"Who's Psyche?"

"Fianc--"

"Babe!" Napa lingon ako sa likod ko at nakita si Sharia na papalabas na.

Si Sharia ang fiance ni Matthew?!
Anak ng teteng!

"You know her?" Tanong ni Sharia kay Matthew habang naka tingin sa akin.

"No." Sagot ni Matthew.

Tangina?!

"Oh okay. By the Way Vermone this is Neon, Neon this is Vermone my Fiance." Naka ngiting sabi ni Sharia.

"Nice to meet you." Sabi ni Matthew sa akin.

"Nice to meet you mo mukha mo. Kailangang malaman to ni Psyche." Sabi ko at tinignan si Sharia.

"Where's Psyche?"tanong ko.

" ughm... On her room."sagot nito. Agad akong kumaripas ng takbo papunta sa kwarto ni Psyche.

Vermone POV

Kumaripas ng takbo yung babae. Hinarap ko si Sharia sa akin.

"Babe, our passport agency call me and she said today is our flight back to Mexico." Sabi ko at pumara na ng taxi.

"What? I thought tomorrow--"

"I don't know but i already packed our things. We need to go cause we we're late on our flight." Sabi ko at ipinasok na yung mga gamit namin sa likod ng taxi. Sumakay na si Sharia sa taxi at ganon din ako.

We're going back to Mexico.
~~~~
Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

He's my Fianceحيث تعيش القصص. اكتشف الآن