Chapter 19: Philippines

882 22 0
                                    

Psyche POV

Our plane landed on Philippine Airport. Dumiretso agad kami sa sinasabi ni Jorgie kung saan kami mag tatago for how many weeks.

Si Matthew, simula ng huling pag uusap namin ay hindi na niya ako kinikibo pa. Tahimik lang siyang naka tingin sa labas ng bintana at tila may iniisip.

I tried to talk to him pero tanging tango at Oo o Hindi lang ang sinasabi niya.

Now we're here sa Private Island ng kaibigan ni Jorgie. Maganda dito. White sand beach at sariwang hangin. Tanging ang isang malaking bahay lang dito ang naka tayo kasya na kami doon. Dumaan muna kami kanina sa isang grocery para maka bili ng ilang gamit na gagamitin namin sa loob ng tatlong lingo.

Tinanaw ko si Matthew na naka upo sa gilid ng dalampasigan. Naka tingin siya sa papalubog ng araw.

"Puntahan mo na." Napa tingin ako sa nag salita sa likod ko. Si Jello.

"Kaya mo nga siya kinidnap para ipa-alala ang past niya diba? Tapos ngayun tatayo tayo ka nalang jan at titignan tignan lang siya." Sabi niya at inirapan ako.

"Kung ihampas nalang kaya natin ang ulo niya sa pader ng malakas? Baka napadali pa ang pag alala niya sayo." Sabi niya.

"Eh kung ihampas kita sa pader ng malakas para mapadali ang pagkamatay mo?" Tanong ko saka sya inirapan at nag lakad palapit kay Matthew.

Umupo ako sa tabi niya at tinignan siya. Tinignan niya din ako pero saglit lang dahil binalik niya ang paningin niya sa papalubog ng araw.

Tumingin din ako don saka nag salita.

"Ang ganda ng araw no?" Tanong ko. Hindi siya sumagot.

"Parang sini-symbolize niya ang pag sikat ng panibagong kabanata sa buhay natin." Sabi ko at nilingon siya. Naka tingin parin siya sa araw.

"Naalala ko tuloy noon yung unang araw na nakilala kita." Natigilan siya at napatingin sa akin.

Ngumiti ako at tumingin sa araw.

"Tinatawag pa kitang Mr Mt Everest noon dahil sa taas ng kilay mo pag sinusungitan mo ako." Kwento ko at natawa.

"Unang araw pa nga non napag kamalan mo kaming mag Shota ni Jello eh hahaha." Kwento ko at nilingon siya. Naka tingin pala siya sa akin at tahimik lang na nakikinig.

Napa lunok ako at napa tingin sa mga labi niya. Damn, i miss his lips.

"T-tapos?" Tanong niya kaya tinignan ko ang mga mata niya. Umiwas siya ng tingin.

"A-ano bang nangyare sa una nating pag kikita?" Tanong niya. Napa ngiti ako. Gusto niyang malaman.

"Kasi nong mga panahon na iyon ay may amnesia ka din. Nong mga panahon na iyon ay may mga tumatangkang patayin ka at nong mga panahon na iyon ay adik na adik ka sa baby shark." Kwento ko.

"B-baby Shark?" Tanong niya.

"Oo yung sa pink fong? Lahat ng gamit sa office mo non puri Baby shark. At family shark. Nabasag ko nga yung bintana mo kasi may nag tangkang patayin ka non eh. Nagalit ka sakin kasi nasira ko bintana mo." Sabi ko at ngumiti.

Ang sarap balikan ng nakaraan. Nong nakaraan na masaya pa kami.

"Tapos dahil may nag babanta sa buhay mo, pati sa school mo ay may gusto na ding pumatay sayo kaya inenrol mo ko sa school kung saan ka nag aaral tapos pina suot mo saakin yung full pink attire mula taas hanggang paa, pink ang outfit ko haha." Kwento ko saka huminga ng malalim.

"Tanda ko pa nga non may nag lagay ng lason sa pagkain mo pero dahil gutom ako that day, inagaw ko yung pagkain mo tapos ako yung naka kain ng pagkain na may lason--"

"Stop." Napa tingin ako sa kanya. Blangkong awra ang binigay niya sa akin.

"Stop making nonsense things. I know na gawa gawa mo lang yan." Sabi niya kaya napa kunot ang nuo ko.

"Me? May nag tatangkang pumatay sa akin? Nagkaruon na ako ng Amnesia dati? Hinired kita at pinag aral? What a colorful imagination of yours." Sabi niya saka tumayo at tinignan ako.

"I'm tired. Stop fooling me. I want to rest.  Don't disturb me or kidnapped me again." Sabi niya at tinalikuran ako. Tumayo ako para sana habulin siya pero parang awtomatikong nawalan ako ng lakas para tawagin ang pangalan niya at habulin sya.

Napa luhod ako sa buhangin at pinanuod siyang lumayo sa akin.

Unti unting bumagsak ang mga luha ko habang naka tanaw sa kanya.

Ang lapit lapit na nya pero pinaparamdam niya sakin na ang layo layo niya.

Unti nalang maiisip ko nang iba na ang mahal niya at hindi na ako.

~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

He's my FianceUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum