Chapter 33

1.2K 25 7
                                    

Matthew POV

(Oras bago ang kasalan)

"Matthew!" Sigaw ni Psyche  sa gitna ng dagat. Nagkalat ang ilang piraso ng eroplano sa paligid. Gabi na dito.

"Matthew! Nasan ka?!" Sigaw ulit nito at nilibot ang tingin ng buong dagat.

"Matthew!" Muli nyang sigaw.

"Psyche Nasan ka?!" sigaw ko.

"Matthew? Matthew nandito ako!" Sigaw nya. Nakita ko naman agad siya at agad akong lumangoy palapit sa kanyan at ng mag tagpo ang agwat namin ay niyakap ko siya at hinalikan..

"Matthew...." Sabi nya at niyakap ako.

"Ayus ka lang ba? May masakit ba sayo?" Tanong ko. Umiling iling siya.

"Yung sugat mo?" Tanong nya. Ngumiti lang ako at niyakap siya.

"Ayus lang ako Psyche ko." Sabi ko habang yakap sya.

"Sir Vermone Wake up."

Dinilat ko ang mga mata ko at puting kisame ang nakita ko.
Napanaginipan ko si Psyche.
Tumingin ako sa orasan. 9 AM. Isang oras bago ang kasal namin ni Sharia.

Bumangon ako at sa pag bangon ako ang syang pag sakit ng ulo ko. Shit, parang hinahati ang ulo ko.

"You need to prepare, after 30 minutes we will go to the church." Sabi ng butler ni Sharia.
Lumabas ito sa pinto at iniwan ako.

Tumingin ako sa kisame at napa hawak sa ulo ko. Sobrang sakit talaga. Maya maya ay napag desisyonan ko na maligo na dahil ilang oras nalang ay kasal na namin ni Sharia.

Matapos ang ilang minuto ay ayus na, naka pag ayus na ako at papunta na kami ngayun sa Simbahan.

"Kailangan nating humingi ng tulong." Sabi niya.

"Walang makaka rinig satin kasi nasa gitna tayo ng dagat." Sabi ko kaya natawa sya.

"Tama, nasa gitna tayo ng dagat. Saang dagat ba to?" Tanong niya habang natatawa.

"Psyche ko." Tawag ko kaya napa tingin sya sa akin.

Ngumiti ako at niyakap ulit sya.

"Sobrang saya ko dahil bumalik na ang ala-ala mo." Sabi ko kaya napa ngiti sya.

"Ako din." Sagot niya.

"Alam kong hindi sobrang romantic to di gaya nong una pero.... Gagawin ko." Sabi ko kaya napa tingin sya sa akin.

"Naalala mo yung unang araw na nag kita tayo?" Tanong ko kaya tumango tango sya.

"Sa bahay na purple ni kuya Inigo." Sabi niya kaya natawa ako.

"Na love at first sight ako sayo non Psyche ko. Na curious ako kung bakit laging naka simangot ang mukha mo at di ka manlang ngumingiti." Sabi ko.

"We're here." Sinilip ko ang labas ng simbahan kung saan sa loob non ay madaming bisita.

Here we go. Hindi ko pwedeng takasan ito. Si Sharia ang Pinili ko so papanindigan ko.

Lumabas na ako ng sasakyan at agad na sumalubong sa akin ang coordinator ng kasal.

"Sir, mag hintay nalang po kayo don sa harap ng altar. Unting push nalang po ay darating na ang bride niyo." Sabi ng coordinator. Tumango lang ako at nag lakad papasok sa loob ng simbahan. Habang nag lalakad sa gitna ay madaming bumabati sa akin ng congrats, ngiti nalang ang sinasagot ko dahil hindi ko naman Feel ang kasalan.

He's my FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon