Chapter 17: Kidnapped

975 27 3
                                    

Psyche POV

Nilingon ko si Lukas na naka tingin sa harap ng hospital kung saan naka confine si Matthew.

"Handa na ang eroplano." Sabi niya at tumingin sa akin. "Si Matthew nalang ang kulang." Dagdag niya. Huminga ako ng malalim saka tumingin kay Jorgie na naglalakad palapit sa amin.

"Wala ng naka bantay kay Matthew." Sabi nito at inabot sa akin ang Gown ng pang doktor at isang mask.

"Naka abang na si Jello sa nurse station na katapat ng kwarto ni Matthew." Dagdag niya.

"Si Neon at kuya?" Tanong ko.

"Si Neon kasama ni Inigo. Nasa van na sila ngayun naka abang sa parking." Sabi niya at inabot sa akin ang isang Bluetooth earphone.

"Suotin mo yan. Jan mo maririnig ang mga sinasabi namin habang kinukuha mo si Matthew. Nasa loob kami ng Van at naka ready na ang computer system para mahack ko ang cctv camera ng hospital." Sabi niya at tumingin kay Lukas.

"Asan yung kasama mong babae?" Tanong nito kay Lukas.

"Nililito si Sharia. Dederetso nalang siya sa airport pag katapos niyang lituhin si Sharia." Sabi ni Lukas at tumingin sa akin.

"Galingan mo." Sabi niya at tinap ako sa balikat. Sinimulan ko ng isuot ang gown ng doctor saka umakto na isang tunay na doctor. Nilagay ko na ang Mask ko at ang earphone sa left ear ko saka ang fake ID na ginawa ni Jorgie.

(Hoy nasan na kayo?) Boses iyon ni Neon.

(Nandito na ako sa nurse station dalian niyo may Wheelchair na ako.) Boses ni Jello.

(Psyche?)

"Papasok na." Sabi ko at tinanguan sila Jorgie at Lukas bago ako pumasok sa hospital. Binati pa ako nong guard yumuko lang ako bahagya saka nag patuloy sa pag lalakad papasok sa elevator.

(Na hack ko na ang system guys nakikita ko na agad si Psyche.) Boses ni Jorgie na sa tingin ko ay nasa parking na kasama si Neon.

"Good evening doc." Bati sa akin ng isang nurse, tumango lang ako saka nag patuloy papasok sa elevator. Ng maka pasok na ako ay agad kong pinindot ang floor kung nasaan ang room ni Matthew.

(Guys may sexi'ng nurse ang kinakausap ako.)

(Hoy Jello malalagot ka saakin pag may narinig akong isang boses mo na kinakausap ang nurse na tinutukoy mo)

(Focus on thr mission Jello.)

(Niyayaya akong kumain. Nagugutom na ako.)

(JELLO!)

(Pero natitiis ko pa naman ang gutom... Hoy Psyche nasaan ka na?)

Bumukas ang pinto ng elevator. Lumabas na ako at nakita si Jello na hawak hawak ang kamay ng  Nurse. Napa iling nalang ako.

"Neon... Siguraduhin mong mapuputulan ng kamay tong si Jello mamaya para hindi na mahawakan ng iba." Sabi ko. Para namang napaso si Jello at binitawan ang kamay ng Nurse saka tumingin tingin sa paligid.

"Sa kaliwa mo tanga." Sabi ko at lumingon siya sa gawi ko.

(Dang panget eh. Lumarga ka na nga.) Sabi ni Jello at inirapan ako.

(Hoy lalaki! Itutulak talaga kita palabas ng eroplano mamaya.) Sabi ni Neon.

(Mag Paparachute ako.) Sabi naman ni Jello. Tumuloy na ako sa pag lalakad palapit kay Jello.

(Sisiguraduhin kong mamamatay ka!) Napa irap ako sa sinabi ni Neon.

(Manahimik ka nga ang sakit mo sa tenga.) Sabi ni Jello.

He's my FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon