Chapter 24

1K 28 0
                                    

Matthew POV

Days past, and i enjoyed my life with her. I enjoy every seconds, minutes and hour past with Psyche. I don't know why but i enjoy every moment with her.

Isa lang ang masasabi ko. Being with her side, talagang nag bago ako. Yes i noticed it.

I compared myself with Psyche and myself with Sharia.

Me with Sharia, laging tikom ang bibig ko. Laging si Sharia ang masusunod, yes she always makes me feel that I'm important but theres something with me na mag kulang, na may hinahanap, na parang may mali.

But me with Psyche. Its so different.
She always makes me smile, sobrang bilis ng tibok ng puso ko everytime na babanat siya ng sweet lines, kapag nakikita ko ang ngiti sa labi niya ay napapangiti din ako. She's driving me insane kapag wala siya sa tabi ko sa loob lang ng ilang minuto and when i saw her with other guy theres something na bigla bigla nalang mawawalan ako ng gana. She always asking me questions kung ano ba ang gusto ko. She never failed to make me feel that I'm important to her.

We're still here sa private island ng kaibigan nong Jorgie.
Ang makasama silang lahat pakiramdam ko kompleto na ang pagka tao ko.
Yan ang bagay na hindi ko maramdaman kapag si Sharia ang kasama ko.

But still i know na masama itong ginagawa namin. Alam ko sa sarili ko na dapat si Sharia ang kasama ko at hindi si Psyche. Ilang araw nalang at matatapos na ang napag usapan namin ni Psyche.

Ilang araw nalang ay babalik na ako sa piling ni Sharia.

"Matthew ko good morning!" Awtomatiko akong napa ngiti ng marinig ang masiglang boses ni Psyche na nasa kitchen at nag luluto ng almusal namin.

"Good morning. Anong niluluto mo?" Tanong ko sa kanya at lumapit sa kanya para silipin kung ano ang niluluto niya.

"Favorite mo. Nuggets, Bacon,Corned beef and Tomato soap." Sabi niya at humarap sa akin.

"Matthew Axis ka ba?" Biglang tanong nya. Kumunot ang nuo ko.

"Bakit?" Tanong ko.

"Kasi sayo lang umiikot ang mundo ko. Boom! Kainan na." Sabi niya kaya natawa ako. Here we go again, ang bilis ng tibok ng puso ko. Papaanong ang isang Psyche ay napapabilis ang tibok ng puso ko?

"Good morning!" Napa lingon kami ni Psyche sa hagdan, pababa na sila Jello at Neon habang karga nilang dalawa ang kambal nila.

"Zup." Kasunod naman nila si Jorgie na bagong gising lang.

"Eh ano naman?"

"So kasalanan ko pa?"

"Sinisi ba kita?"

"Stop woman wag mo akong umpisahan."

Napa iling nalang ako ng makita si Amira na inaaway si Lukas na sinasabi nilang kuya ko.

"Hoy ang aga aga nag aaway kayo, dinaig niyo pa yung mag asawa kung mag away." Sita ni Jello na inirapan lang ni Amira.

Umupo si Lukas sa tabi ni Neon habang si Amira naman ay umupo sa tabi ni Jorgie.

Tinulungan ko si Psyche na ayusin ang mga ulam habang sila naman ay naka upo na sa mga pwesto nila. Nilagay ko na ang mga plato at kutsara't tinidor sa mesa habang si Psyche naman ang nag lagay sa mga pagkain namin. Nang matapos na naming handa ang lahat ay umupo na kami ni Psyche. Tabi kaming dalawa.

"Ito kasing lalaking to, hindi ko alam kung anong pumasok sa kukote niya kung bakit niya sinuntok si Ramon." Sabi ni Amira at inirapan si Lukas.

"And so? Kung makayakap kasi sayo parang close kayo. Well I'm just saving you from him." Depensa ni Lukas.

"Saving me from him? The hell you care? First of all you have no rights to punch him."

"I have the rights woman. I'm you're Friend."

"Yes you are my friend but Ramon is my COUSIN." Sabi ni Amira kaya natahimik si Lukas.

Napatingin kami ni Psyche sa mga kasama namin na parehas naka tingin kay Lukas at hinihintay ang sasabihin.

"Well sorry okay? I don't know." Pahiyang sabi ni Lukas.

"Yes you will never know kasi adik ka, sapakin mo ba naman basta basta paano pag sinumbong ako non sa daddy niya? Such a Moron." Sabi ni Amira at inirapan si Lukas.

"Enough for this conversation." Singit ni Jorgie at tumingin sa amin ni Psyche.

"How's your sleep guys?" Tanong ni Jorgie at kumuha ng kanin.

"Ewan, tulog kami paano namin malalaman." Sagot ni Psyche kaya natawa ako. Umismid si Jorgie at inirapan si Psyche. Kinuha ni Psyche ang kanin at nilagyan ang plato ko saka ang plato niya.

"By the way uuwi muna ako sa Manila." Sabi ni Jorgie kaya napa tingin ako sa kanya.

"Ako din." Napa tingin kami sa kakarating lang na si Inigo. "Sorry I'm late. Morning." Sabi niya at umupo sa bakanteng upuan.

"Bakit?" Tanong ni Psyche.

"Susundan ko yung girlfriend ko." Sabi ni Jorgie at huminga ng malalim.

"Nakaka inis pag yun hiniwalayan ko sira araw non. Lagi nalang ako sinisisi niya kahit siya naman may kasalanan."reklamo ni Jorgie at kinagat yung isang nuggets.

"Ako naman aasikasuhin ko yung kasal ng fiance ko. I mean aasikasuhin namin." Sabi ni Inigo at kumuha ng ulam.

I remembered Sharia. Fiance ko nga pala siya, and next month kasal na namin. Napa lunok ako sa naisip ko. Bakit umiba ang pakiramdam ko?

"Matthew ayus ka lang ba?" Napa tingin ako kay Psyche na naka tingin sa akin.

Her eyes, ang lungkot lungkot non kahit naka ngiti siya. Why do i have this feelings na ayaw kong iwan si Psyche? But its wrong diba? Kinidnap niya ako at nilayo kay Sharia. We have a deal na after two weeks she will bring me back to Sharia pero bakit ganito ang sarili ko? Bakit ayaw ko ng bumalik?

"Yes... May iniisip lang." Sabi ko at kumain ng Bacon.

"Si Sharia ba?" Tanong nya at bakas sa boses niya ang lungkot.

Shit, bakit ayaw kong maging malungkot sya?

"No. I'm just thinking kung bakit hindi nalang tayo sumama kila Jorgie at Inigo?" Sabi ko kaya kumunot ang nuo niya.

"I'm just wondering kung ano ang itsura ng Manila." Sabi ko kaya napa ngiti siya.

"Gusto mo bang.... Sumama sa kanila?" Tanong niya.

"Yes." Sagot ko. Huminga sya ng malalim saka ngumiti.

"Sasama kami ni Matthew sa inyo." Sabi ni Psyche habang nasa akin ang paningin niya.

"What?" Biglang tanong ni Jorgie kaya napa tingin ako sa kanya.

"Are you out of your mind? Kapag sumama kayo sa amin malamang mawawala lahat ng pinag hirapan natin." Kunot nuong sabi ni Jorgie.

"I agree, kumalat na din sa buong Pilipinas ang nangyareng ginawa natin kay Matthew." Sabi ni Inigo.

"But yun ang gusto ni Matthew." Sabi ni Psyche.

"Psyche mag isip ka nga. Pag nakita ka ng mga Polis sure ako na aarestuhin ka dahil sa ginawa mo." Sabi ni Jorgie. Now nag uusap sila na parang wala ako dito.

"Hindi ba kayo maka intindi? Gusto ni Matthew na pumunta sa Manila. Bored na siya dito, so sa ayaw at sa gusto niyo sasama kami ni Matthew." Pamimilit ni Psyche.

"Paano ka?" Tanong ni Amira. Ngumiti lang si Psyche at tumingin sa akin.

"Wag niyo akong intindihin." Sabi ni Psyche at hinawakan ang kamay ko.

"Kung saan masaya si Matthew doon din ako." Sabi niya dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko.

"Lintik na pagibig." Dinig kong sabi ni Jello.

Umiling iling lang sila Jorgie at Inigo habang nag patuloy sa pagkain si Psyche.

~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

He's my FianceDonde viven las historias. Descúbrelo ahora